Let me be the one 8

1893 Words
*** "Good morning," si Adam na nadatnan ko sa dining. "Good morning din sayo" bati ko pabalik. Ibinaba ko ang hawak kong mga libro. "Aalis ka na ba?" "Oo, may research kaming kailangang tapusin" sagot kong di na siya nilingon. Nagsalin ako ng gatas sa baso. "U-uhm, hindi ka ba mag aagahan muna? nagluto ako" aniya. Napatingin ako sa mesa na may mga nakaahin nga doon. Nakaramdam ako ng gutom ngunit hindi ako pwedeng mahuli sa usapan namin ng aking groupmates. Isang linggo akong hindi nakapasok. "Late na ako eh," wika kong napatingin sa aking relong pambisig. "Uh, okay, magbaon and kumain ka na lang along the way" aniyang suhestiyon. "Sige," ani kong naglabas si Adam ng slice bread at zipllock. Pinanood ko na lamang ang pagpalaman niya ng bacon at itlog sa tinapay. Isinilid niya iyon sa ziplock pagkatapos. Nagpasalamat akong nagpaalam na. "U-uhm..wait" aniyang pigil na humawak sa aking braso. "Uh, ah..." aniyang may alinlangan. "...uh, okay ka lang ba?" tanong niya. Sinsero akong tumango. "Sure? uhm," "I'm good Adam, kaya ko" tugon ko. Tumango siya ng marahan na parang hindi naniniwala sa aking sagot. "Kaya ko, ako pa ba?" ngiti ko. "...atleast mas malinaw na sa akin ngayon. Alam ko na ang daan na tatahakin ko, hindi na ako aasa, kung masaya na siya ngayon tatanggapin ko. Masakit pero kakayanin ko" dagdag ko. "I'm just worried April, you are a friend to me-" "I am fine, nasugatan ako pero siguro naman mabubuhay ako" biro ko. Nanatili seryoso siyang nakatingin sa akin. "Salamat nga pala noong nakaraan" ani ko pang muli. "Okay, if you need anything-" aniyang sinabaran ko agad. "I'm okay, salamat sa lahat. Salamat at naandyan ka pero wag mo na akong isipin pa, you have your own life, nakakaistorbo na nga ako sa'yo, sa inyo ni Cindy" sinsero kong pasalamat. "No, don't think that way-" "Malaki na ako!" biro kong muli. "...but I want to ask one favor from you, pwede bang wag mo ng banggitin lahat ng ito sa mga magulang natin?" "Okay," ayon niya. "Salamat," ani kong nagpaalam na rin agad. Pagkatapos ng insidente na iyon ay nagpauwi ako sa condo. Isang linggo akong nagkulong sa kwarto. Para akong natulala, at hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Gustong gusto kong magalit sa pamilya namin ni Adam kung saan nagsimula ang lahat ng ito. Gusto ko ring magalit kay Kent, hindi ba niya ako minahal ng totoo? ganoon lang kadali niya akong nakalimutan? ganoon lang ba kababaw ang pinagsamahan namin? Gusto kong matawa sa aking sarili, marahil ako lang ang umasa. Umasang magkakaayos pa kami, mahal ko si Kent sa kabila ng lahat hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya. Siya pa rin, siya pa rin ang nasa puso ko kahit nasaktan niya ako. Sa isang linggong iyon, naging mabuti si Adam. Halos isang linggo rin siyang naglagi sa condo. Kung hindi dumating si Adam na oras na iyon sa Mall ay marahil nabuwal ako, halos hindi ko na nga maramdaman ang sahig na aking nilalakaran. Hindi ko rin namalayan ang pag uwi namin. Ipinagpapasalamat ko iyon ngunit ayaw ko na rin namang maging pabigat pa sa kanya. Ramdam ko ang pagod at hapo ng oras na iyon sa hindi ko maintindihang dahilan, may kurot at sakit sa dibdib...yung parang hindi matanggap ng isip ko ang nangyari sa araw na iyon, kung gaano kasaya si Kent sa babaeng kasama niya ngayon. "Ma'am, nandito na po tayo" utas ng driver na lingon sa akin. Nasa parking na nga kami ng University. Huminga ako ng malalim bago ko sinikop lahat ng aking gamit. Sabi ko nga kay Adam, nasugatan lang ako pero kaya ko. ——— "April!" malakas na boses ni Amy. Kasunod ang ilang groupmates namin para sa research. "Anong nangyari sa'yo!" si Amy na mabilis umangkla. "Sorry, sumama ang pakiramdam ko eh," sagot ko. "Hmm, mukha nga, medyo nagbawas ka ng timbang at namumutla ka pa...pero next time girl, matuto ka namang magpaalam, pinag alala mo kami!" aniyang muli. "Sorry, sige sa susunod"natatawang sagot ko. "Tsk! sa susunod, di na kita aalisin sa paningin ko! bigla ka na lang nawawala!" eksaherada niyang sagot. Naging ganoon ang mga sumunod na araw at linggo, nagfocus ako sa pagaaral. Halos patapos na ang huling sem ng ikatlong taon ko sa medisina. Hindi ko na nakita pang muli si Kent, hindi na rin ako nangahas na makipag usap pang muli sa kanya. Naging madalang ang pagkikita namin ni Adam, madalas ay tuwing agahan lang, kapag nasa condo naman ako ay naglalagi ako sa aking kwarto. Ilang buwan pa muli ang lumipas. "Ako ng bahala doon" wika ko ng minsang magpang abot kami ni Adam sa umaga. "Talaga?" "Oo naman, hindi malalaman ng Daddy mo" ani ko pang muli. Napangiti siya ng malapad, nakiusap siyang pagtakpan ko siya sa out of town na lakad nila ni Cindy. May nataong family dinner dapat kami sa kanilang bahay. "Salamat!" aniyang muli. Natawa ako. "Walang anuman, basta may pasalubong ako!" sagot ko. "Oo naman, ikaw pa! kahit anong gusto mo!" aniyang excited na tugon. "O siya, saan kayo magkikita ni Cindy?" naisip kong tanong. "Susunduin ko siya sa apartment niya ng maaga. Eh alam mo namang hindi pwedeng maghintay dito baka magsumbong pa yung guards sa baba kay Lola" aniyang muli. "Okay, mag iingat na lang kayo doon" sabi ko pang muli. "Thanks April," ——— "Bakit hindi ka sumama sa asawa mo Apo?" Si Dona Isabel na nasa kabisera ng mesa. "May bussiness meeting po siya sa Davao Lola" maagap na sagot ko. "...y-yung investor po kasi na kikitain niya para sa expansion is nagbabakasyon ngayon sa Davao, so sinamantala na ni Adam na pumunta doon para hindi na mag out of the country po, and may tinatapos po kasi ako para sa research ko ngayong linggo, para po sa thesis ko" alibi ko. Totoo naman ang lahat ng iyon, inilabas ko lang sa usapin na magkasama sila ni Cindy ngayon. "Ah, ganoon ba, masyado ka palang abala ngayon" si Dona Isabel muli. Tanging ang boses ng matanda ang nangingibabaw sa hapag kainan. Ito ang unang beses na pumunta akong mag isa dito, pumayag ako sa dahilang ayaw ko ng usisain pa nila si Adam at hindi matuloy ang lakad nila ni Cindy. "Ilang taon ka pa sa medisina?" ang mommy ni Adam, madalang naman niya akong kausapin. Wala akong ideya kung payag siya noon sa kasunduan o wala lang choice nang ang nagdesisyon ay ang mga Lola namin, katulad nina Mama ay sibil kaming lahat sa isa't isa. Ang mahalaga ay tumahimik ang alitan ng dalawang pamilya. Sa halos dalawang taon na lumipas ay walang away, nasirang mga gamit o establisimyento at naospital na kamag anak sa pagitan namin. "4th year na po ako, may isang taon pa po Tita" sagot ko ng napatingin si Dona Isabel sa akin, ganundin ang Daddy at Ate ni Adam. "Uh, Sorry po" dyahe kong sagot. "...bale may isang taon pa po ako as intern at clerical pong another year then board exam po saka po ako magreresidency M-mommy" sagot ko. "Mahirap ba Ate?" sabad ni Alex na siyang nasa tabi ko. "Ha? mahirap pero kung mag aaral ka, kakayanin naman" baling ko. "Tsk, ang hirap kayang magmemorize, nahirapan nga ako sa science!" aniyang napangiti ako. "...nasa Human Biology at periodic table ang lesson namin, may assignment nga ako ngayon! " aniyang tumayo at may kinuha at saka bumalik muli. Ipinakita niya ang kanyang libro. "Ganoon ba? gusto mo bang turuan kita?" tanong kong nanlaki ang mata niyang napangiti. "Talaga?" "Alex, your Ate April is busy-" sabad ng Daddy nila. "Okay lang po, sige tapusin mo muna yang pagkain mo then tuturuan kita" suhestiyon ko. "Okay!" mabilis na sagot ni Alex. "April, wag kang masyadong papadala diyan sa batang 'yan saka baka gabihin ka sa daan " Si Tito Levi muli. "Pwede naman siyang matulog dito Dad" Si Ate Alyna na hindi nakatingin sa akin, hindi naman masama ang pakita niya sa akin pero hindi ko rin alam kung pumayag siya noon. Bilang nakatatandang kapatid ni Adam, hindi ko alam kung may ideya siya tungkol sa kanila ni Cindy na magkasama ngayon. "Hindi na po, saka maaga pa naman" sagot ko. Natapos ang dinner, naglabas ang Mommy ni Adam ng binake niyang cake, at ilang desert. Maayos naman ang pakitungo ng pamilya ni Adam lalong lalo na si Dona Isabel, magiliw siya at malambing. "Dito Ate!" "Alex..." kontra ni Tito Levi. Kasalukuyan kaming nasa entertainment room nila. "Okay lang po" sagot kong tumabi kung saan naroroon si Alex. Tinuruan ko ng leksyon si Alex. Gumawa ako ng ilang mnemonics niya para sa periodic table niya. Sanay naman akong magturo ng aralin ng mga bata, kasama iyon sa ginagawa namin kapag may immersion or medical mission kami. "Mas maappreciate mo iyan kapag may microscope ka" ani ko. "Talaga po?" "Oo, hayaan mo minsan isasama kita sa bahay, meron akong microscope doon" sagot ko. "Talaga! Sige po! sige!" aniyang natapos nga namin ang aralin niya. Bumalik kami kung nasaan ang mga magulang niya. "Mommy! We're done! ang bilis no?" pagmamayabang ni Alex. Nagtaas naman ng kilay ang Ate ni Adam na parang hindi naniniwala sa kapatid. "Totoo?" "Yup, memorize ko na no! may technique ako!" aning muli ni Alex. "...and sabi ni Ate April, isasama daw niya ako sa house nila, may ipapahiram daw siya sa akin na microscope, Can I mommy? please, please!" "Ha? ask your Dad" "Daddy?!" bumaling naman si Alex kay Tito Levi "Of course! basta hindi ka ba makakaistorbo sa Ate April mo" si Tito Levi. Panay ang ngiti ni Alex, natawa akong hinaplos ang kanyang buhok. "Okay, next weekend" pantay ko ng tingin sa kanya. _____ Naging mas madali pa ang araw. Naging aktibo ako sa medical mission ng sinalihan kong sorority group. "Nag adopt ka?" si Amy sa akin. Tumango ako. Isang pamilya sa bandang Antipolo ang pinili kong tulungan. Nakilala ko sila ng minsang nag medical mission kami, nakapalagayan ko ng loob ang mag asawa hanggang sa mga anak. Ang pamilya ni Mang Roy na isang magbobote na may apat na anak. Nag adopt ako ng isang pamilya bilang sponsor nila, sa kung anong pwede kong maitulong, nagprisinta akong magpapaaral sa panganay nilang anak. Maysakit sa puso si Mang Roy ng tsineck up ko, tumatanggap ng labada si Aling Perla para makatulong sa asawa. Ang kanilang panganay at pangalawa na anak ay nasa highschool na rin, ang pangatlo ay nasa elementary na siguro kaedaran ni Alex at ang bunso ay anim na taong gulang. Nagsilbi silang foster family ko. "Eh ikaw?" "Hindi teh, baka hindi ko mapanindigan saka pagkatapos ng boards baka magmigrate na kami sa Canada" aniyang tinaguhan ko. "Pero ita- try ko pa rin" aniyang muli. Buo ang loob kong tumulong lalo na ng nakita ko ang kalagayan nila. Naging tulay non ang pagliwanag ng aking isip. Naisip ko kung gaano ako kaswerte sa buhay, kung may dinadala akong hinagpis o hinanakit ay walang wala iyon sa kung anong problema ang kinahaharap nila. Ang dasal ni Mag Roy na sana humaba pa ang kanyang buhay para maitaguyod ang pamilya, ang dasal nilang makakain sila sa araw araw, ang makapag aral ang mga bata. Sa ganoong sitwasyon, sino ako para magreklamo sa itinatakbo ng aking buhay? Katiting lamang iyon, sa kinahaharap nila. ———
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD