PANIMULA
"Please help! I really don't want to die," sigaw ng isang babaeng mukhang kakatapos lang ata sa kanyang kasal. Suot pa kasi nito ang kanyang trahe de boda, at animo'y nakapostura pa. Pinag tatawanan naman siya ng iilan, habang ang iba naman ay tulala lamang.
"Matagal ka nang patay, baliw!" Tingin ng masama sa kanya ng isang lalaki na mukhang nag dodroga dahil sa mata nitong pulang-pula. Rinig ko naman ang usap-usapan ng iba na hindi pa raw kinukuha ang babaeng iyon, dahil napaka ingay daw nito kapag dinadala sa kabilang buhay.
Mga sabog ba ang mga 'to?
"Please! Ibalik niyo na ako,"mahinang sabi ulit nito. Bigla naman siyang napaluhod sa damuhan, dala na siguro ng sobrang pagod.
"Huwag ka ngang maingay! Sinabi nang hindi ka na makakabalik," iritableng sabi naman ng isang lalaki na maskulado ang katawan, habang ang kanyang balbas ay mukhang daan taon na ring hindi nagugupitan.
"Tama. Kahit ngumawa ka diyan magdamag, maya-maya lang ay susunduin kana nila. Kung susunduin ka pa,"pagsang-ayon at patawa-tawang sabi ng katabi nito na mukhang alam na niya ang mangyayari sa kanila mamaya.
Teka, sa kanila? Pero bakit ako nandito? Bakit kasama ko sila? Sino ang mga ito. Anong ginagawa ko rito?
Binaling ko na lang ang tingin ko habang papalayo sa kanila. Kinapa ko naman ang cellphone sa bag ko para itext si Callie at masundo na ako sa lugar na ito, ngunit napansin kong kahit bag ay hindi ko dala. Ng magpapatuloy na sana ako sa paglalakad, nabigla naman ako sa aking nakita.
"Teka."
Inikot ko ang tingin sa buong lugar at unti-unti kong nahinuha na parang nasa ibang dimensiyon ako nang mundo.
Para akong nasa paraiso kung saan maliliit na damo ang aking tinatapakan at tanging mga tipak ng bato lamang ang bumabalot sa lugar na ito. Nakakapag taka rin na sa mga oras na ito ay dapat napaka init na, ngunit sa lugar na ito ay parang walang sumisilip na araw at kitang-kita mo na masaya ang langit. Tanging masamyong hangin lamang ang siyang dumadaplis sa buhok ko, paikot sa buong katawan ko.
Lumingon naman ako sa aking paligid at nakita ang iilan pang tao na nagtatago sa malalaking bato at naghihinagpis sa kani-kanilang pwesto.
Pinili kong puntahan ang isang matanda na nakasuot ng puting bestida, habang nakayuko ito at tinatakpan ng mahaba nitong buhok ang kanyang mukha.
"Ale, maari ba akong makiupo?"wika ko, at saka ako umupo sa tabi niya. Mukhang hindi ata ako nito narinig, kaya minabuti kong ulitin ang sinabi ko ngunit bigla naman siyang nagsalita.
"Iwan mo na ako,"sagot nito na may malamig na tono ng pananalita.
"Itatanong ko lang sana kung saan tayo?"
Humarap naman ito sa akin, dala ang nangagalaiting mukha. "Ang sabi ko, iwan mo na ako!"Titig niya ng masama sa akin, dahilan para mapa atras ako.
"Ah-e, oh sige," dali-dali kong sabi habang mabilis akong tumayo at umalis sa tabi niya.
"Anong meron? bakit parang ang init ng ulo ng mga tao dito ngayon."
Sunod ko namang pinuntahan ang isang babae na hula ko'y sa sobrang bagot ay hinihintay na lamang dumapo sa kanyang kamay ang kanina pa nito tinitignang puting paruparo.
Umupo naman ako sa tabi niya. "Hi," bati ko.
Ngumiti lamang siya sa akin, habang hindi pa rin naaalis ang tingin sa paruparo na nakadapo na sa damuhan.
"Ang ganda nila hindi ba?" bulong nito. "Ilang minuto lang ay magiging ganito na rin tayo," dugtong pa niya.
Hindi ko naman pinansin ang sinasabi nito at nagpatuloy lamang ako sa pagsasalita.
"Siya nga pala, anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya, habang busy pa rin siya sa pagtitig sa paruparong nasa harapan niya.
"Ako nga pala si Angeline," sagot nito. Humarap naman siya sa akin dala ang napaka gandang ngiti habang kumikislap ang mala diyamante at bilugan nitong mata. " Ikaw?"
Bago ko sagutin ang tanong niya, tila may napansin akong kakaiba sa kanyang mukha, ngunit ipinag sawalang bahala ko na lamang ito.
"Ako nga pala si Nyx," magiliw kong sagot.
"Ah, kailan ka pa dumating dito?" tanong niya at binaling muli ang tingin sa kanyang harapan.
"A-anong kailan? Nasaan ba tayo?"
"Ang sabi ng mga paruparo, nasa kabilang buhay na raw tayo."
Magsasalita pa sana ako ngunit tumingin ito muli sa direksyon ko, dala na ang mukha ng pagdadalamhati.
"Ang sabi nila, nasa timog raw ang lagusan. Humugot muna ito ng lakas bago tuluyang tumayo. "Halika, umalis na tayo habang hindi pa sila dumarating,wika niya, sabay inilahad ang kamay sa harapan ko habang hinihintay ako nitong tumayo.
"Nako ineng. Huwag kang maniniwala diyan binibiro ka lang niyan," wika ng isang matandang lalaki na lumapit sa amin, habang bitbit ang kanyang luma at nasisira ng tungkod.
"Nakita kita kanina na kakadating lamang sa lugar na ito, nakakalungkot lang dahil nadagdagan nanaman kami," saad naman niya.
Medyo naguguluhan pa rin ako sa nangyayari ngayon, ngunit sa kabilang banda mayroon ng ideya na pumapasok sa utak ko, pero hindi maaari. Hindi, hindi ko alam kung bakit, paano, kailan at kung saan.
"Sa pinapakitang ekspresyon ng mukha mo ay naguguluhan ka pa. Ganyan rin ang isang 'yon, hanggang ngayon."Turo niya sa nagwawalang babae kanina. "Hindi pa niya tanggap ang kanyang pagkamatay, kaya kung ano-ano na lang ang ginagawa niya."
Halos gusto ko ng lunukin ang lahat ng laway sa bibig ko para lamang maintindihan ang sinasabi ng matanda.
Pinilit ko namang tumawa kahit napaka seryoso ng mukha niya. "Teka, a-anong pagkamatay? gino-good time mo naman ako lo e,"saad ko.
"Andito na sila," bulong ni Angeline na ngayon ay nasa malayo ang tingin at tila napalitan nang lungkot ang kanyang napaka maamong mukha.
"Sinong sila?"Lingon ko sa direksyon ng kanyang mukha ng mapansin ang paparating na matitikas na lalaking naka itim.
Nasa mahigit trenta ang mga ito, kasing dami nang mga tao sa lugar.
"Pumila na kayo,"sigaw ng lalaki na ngunguna sa kanila.
Napaka lalim ng boses nito.
Pilit ko namang tinitingnan ang mukha niya ngunit dahil sa makapal nilang suot ay pati ang anino ng kanilang mukha ay hindi ko makita.
"Teka," saad ko habang nagsisimula na silang maglakad nang nakayuko.
&Sino ang mga 'yan?"tanong ko kay lolo, ngunit hindi ito sumagot at dumiretso lang sa harapan kung nasaan ang mga ito.
Tinignan ko naman si Angeline na nanginginig na sa takot. "Sila ang mga sundo natin. Sila ang magdadala sa'tin sa huli nating hantungan,"wika nito at mabilis na sinundan si lolo.
Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari, hindi ko alam kung nasaang parte na ba ako ng mundo at bakit may mga ganitong klase ng tao.
Nakaisip naman ako ng paraan upang makatakas sa nangyayari ngayon. Magtatago pa lamang sana ako sa likod nang malaking bato ay laking gulat ko na lamang na nasa likuran ko na ang lalaking nakaitim na nangunguna kanina sa pagsasalita.
"Kahit saang likuran ka pa ng bato magtago, hindi mo kami matatakasan. Malakas ang pang-amoy naming mga taga sundo,"wika niya na hindi pa rin nag babago ang tono ng boses.
Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa nangyayari sa akin ngayon o matutuwa ako dahil parang isang hot papa ang nasa harapan ko ngayon.
Pero teka. Letse naman Nyx! Nasa panganib ka na kinikilig ka pang hindot ka.
"Nasaan ba kasi ako? Kanina pa ako nag tatanong sa mga taong nandito pero wala man lang akong nakuhang matinong sagot," wika ko.
"Malalaman mo mamaya kung anong nangyari at bakit ka napunta rito,"ani nito sabay lakad papunta sa mga kasamahan niya.
Isa-isa namang isinasama ng mga 'sundo' ang mga taong nandito at dumadaan sila sa makapal na hamog at bigla na lamang mawawala.
Ng kaming tatlo na lamang nina Angeline at lolo ang natira, nag-usap naman ang tatlong sundo ng ilang minuti at saka humarap sa aming tatlo.
Una namang tinawag ng isang sundo si Angeline, at isinama ito sa makapal na hamog. Malungkot ang mukha nito habang nakatingin sa amin, si lolo naman ay pirmeng nakatayo na parang handa na sa kanyang pupuntahan.
Pagkalaho nina Angeline at ng sundo, sinunod naman nito si lolo na ngumingiti pa habang naglalakad papunta sa makapal na hamog.
Bago ito pumasok doon, lumingon muna ito sa akin at ngumiti.
"Ako nga pala si lolo Fredd," ani nito.
Ilang minuto lang ang nakalipas at ang lalaking matikas ay lumapit sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagkatakot, o dahil sa maskuladong katawan nito.
Pwe! Hindi pwede, may Callie na ako.
"Handa ka na ba? tanong niya.
Tumango naman ako, at nagsimula na kaming maglakad papasok sa makapal na hamog.