KABANATA I

1437 Words
"Nyx congrats!" bati ni James Lumapit naman sa akin si Kyla, at tinapik ang balikat ko."Ang galing mo talaga!" wika nito. "Nyx!!!" sigaw ng bestfriend ko, mula sa likuran. "Ang ingay mo talaga Nikki," sabi ko sa kanya,ngunit sa sobrang saya nito ay bigla na lamang niya akong niyakap at binuhat. "Ano ba! Ibaba mo nga ako Nikki," sigaw ko, habang nagtatawanan kami at pinag titinginan ng iba naming office mate. Paano ba naman kasi mas masaya pa siya sa na promote. "Alam mo, idol na talaga kita Nyx! Grabe, buwan buwan na lang ata napopromote ka,"saad nito, at umupo sa tabi ko."Biruin mo, dati lang ay pareho tayong proofreader pero ngayon isa ka ng Editor in Chief!" "Ano ka ba, sa susunod ikaw naman ang papalakpakan ko napaka sipag mo rin kaya," sagot ko. Kahit hindi niya sabihin ay ramdam kong gusto rin niya na palakasin ko ang loob niya. "Pero iba pa rin ang sipag mo, Nyx. Biruin mo lahat kami pagod na sa trabaho, pero ikaw tuloy pa rin sa pag po-proofread kahit madaling araw na," ani nito na ikina tawa ko. Bigla naman kaming napatigil sa pag-uusap nang biglang bumungad sa amin ang isang babaeng nakauniporme na katulad ng kay Nikki. Napaka amo ng mukha nito, dagdag pa ang makintab at mahaba niyang buhok. "Hi. Kore nga pala, "wika niya at inilahad ang kanyang kamay. "Bago lang 'yan dito Nyx, pero 'wag kang magtiwala diyan," bulong ni Nikki. Sinamaan ko naman ito ng tingin at tinanggap ang pakikipag kamay ng babae. "Ako nga pala si Nyx," sagot ko at binigyan ko ito ng tipid na ngiti. "Congrats pala sa'yo, sana balang araw maging EIC din ako." "Oo naman, basta maging masipag ka lang,"bulong ko sa kanya. "Eh paano ka mapopromote, napaka ano mo,:sagot naman ni Nikki. Kinurot ko naman ang tagiliran nito at pilit ang ngiti na tumingin ako kay Kore. "Nag bibiro lang 'tong kaibigan ko, 'wag mo siyang pansinin. Hayaan mo baka pag nagtagal tagal ka rito, baka maging close mo rin 'yan."Kindat ko. "Sige congrats ulit ah?" ani nito at yumukong umalis sa harapan namin. Pagkalayo nito, hinarap ko naman si Nikki na mukhang nag iba ang timpla ng mukha. "Hoy Nikki! Ikaw na nga nagsabi na bago pa lang siya, ba't ang init nang mata mo sa kanya?" "Eh paano, bali-balita kasi na pasimple niyang nilalandi si Sir Nicollo,"bulong nito habang nirorolyo pa ang mata. "Yung masungit?" "Oo, yung general manager natin na matagal ko ng crush! 'Tas malalaman ko lang na nilalapitan niya at nginingitian pa. Nakakairita lang," ani nito at kitang-kita mo ang usok na lumalabas sa ilong niya. "Oh, chismis lang naman 'yon e hindi pa naman tayo nakakasigurado. Huwag kangang nega diyan," bulong ko. "Kaya ikaw, bantayan mo 'yang si Callie. Mamaya makita na lang natin na magkaakbayan sila sa daan," ani nito. Tinignan ko naman siya ng masama "Alam mo, sa apat na taon namin ni Callie hindi naging issue ang babae. Kaya malaki ang tiwala ko doon,at saka ano ba 'yang iniisip mo!"sagot ko rito at saka tumayo. "Halika, mukhang gutom ka na e ililibre kita," wika ko. Nagliwanag naman ang mukha ni Nikki at dali-daling napalitan nang saya ang iritableng mukha niya kanina. Habang naglalakad kami pababa sa parking area, naalala ko bigla na may usapan pala kami ni Callie ngayon na lalabas kami dahil hindi ito pwede sa mismong anniversary namin. "Teka lang Niks, mauna kana sa sasakyan,"saad ko rito habang ako naman ay kinakapa ang cellphone sa bag ko. "Hello babe?"saad ko sa kanya ng mabilis niyang sinagot ang tawag ko. "Yep, babe?" sagot naman ni Callie. "Tuloy tayo mamaya hindi ba?" aligagang tanong ko rito, ngunit imbis na sagot ang marinig ko, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kabilang linya. "Uhm, sorry babe pero itatry kong tapusin lahat ng paperworks ngayon. Tinambakan kasi ako ni daddy e, alam mo naman deadline na next week,"paliwanag nito. "Ah, oh sige. Pero babe alam mo ba na,"saad ko ngunit hindi na natuloy nang bigla ito ulit magsalita. "Wait babe, dumating na yung client namin. I will call you later, okay? Be safe!" ani nito, sabay baba ng telepono. Malungkot naman akong pumasok sa loob ng kotse, habang pinagmamasdan si Nikki na tuwang-tuwa sa ka chat niya. "Kumusta? Magkikita raw ba kayo mamaya?" tanong nito, ngunit imbis na sagutin ay sinuot ko na lamang ang seatbelt at pinaandar ang makina ng sasakyan. --- "Siya nga pala Nyx, ilang araw na ba kayong hindi nagkikita ni Callie?"tanong ni Nikki. Tinignan ko naman siya na pumuputok na ang bunganga sa sobrang dami ng kinakain. "Hindi lang araw, siguro mga 1 month na rin simula nang mag-away kami." Subo ko sa salad. "At saka tapusin mo nga muna 'yang kinakain mo bago moko daldalan," saad ko. Paano ba naman kasi,nakasanayan na nitong si Nikki na magsalita habang kumakain, kahit saan ko ito dalhin palagi na lamang siyang ganito. "Sunget mo ha? Siguro di tuloy 'yung date ninyo mamaya no?"bulong pa niya. Humugot naman ako ng napaka lalim na buntong hininga,bago ko ito tignan. & Ano pa nga ba?& malungkot na sagot ko. "Kaya naman pala daig mo pa ang may regla. Pero napapansin mo ba? Parang iniiwasan ka na ni Callie. Siguro may iba na 'yon," ani nito. "Kasi tignan mo. Diba netong nakaraang araw lang dapat ang out of town ninyo? Hindi siya nakasipot. Tapos eto pa, imbis na siya ang kasama mo sa pag cecelebrate ng pagkapromote mo, eto ako ngayon," ani nito sabay lunok ng kinakain niya. " At eto pa!" aniya ngunit hindi ko na siya hinayaang ituloy ang sasabihin niya. "Baka sobrang busy lang, alam mo naman diba. Malaking company ang pinapatakbo ng family niya,"sagot ko. Oo tama, busy lang siya. Wala na nga siyang time sa sarili mambababae pa? Tsaka matagal na kami, baka naghahanda lang siya para sa pag popropose niya. Ng matapos na kaming kumain, kaagad ko namang hinatid si Nikki sa kanila, balak ko rin na magpahinga muna dahil ilang araw na kaming babad sa trabaho. "Ingat Nyx! Salamat at nabusog mo ako. Basta bantayan mo 'yang si Callie," sigaw nito at pumasok na sa kanilang bahay habang pinabaunan ako ng nakakalokong ngiti. --- Maayos naman akong nakauwi nang bahay at masayang bumungad sa akin si Yayi Emma. "Kumain ka na ba iha? Kanina pa kita hinihintay,"magiliw na sabi nito. "Yayi, gusto ko ng kare-kare,"wika ko sa malungkot na boses. "Mukhang may problema nanaman ang alaga ko, kaya nagpapaluto ng paborito niya. Siguro si Callie nanaman 'yan no?" bulong nito. Alam na alam talaga ni yayi kapag may problema ako. "Hindi po, namimiss ko lang sina mommy at daddy,"sagot ko na lang. "Yayi, may good news ako sayo!" wika ko, ng makita si yayi na naghihiwa ng rekado. "Ano 'yon anak?" "Na promote ako! Isa na akong EIC sa AMM!"Masayang sabi ko sa kanya. Humarap naman ito sa akin, dala ang blankong ekspresyon. "Ano ka ba.Bauwan buwan naman na popromote ka," sagot nito, sabay lakad niya sa harapan ko. "Pero proud ako sayo anak! Congrats!" At saka ako nito niyakap. Pagkatapos no'n ay bumalik na siya sa pinag lulutuan niya, habang masaya ko siyang tinitignan na pinag hahanda ako. Napaka swerte ko pa rin kahit papaano dahil andito si yayi Emma. Hindi ko alam, kahit ngayong malaki na ako at kaya ko ng mag desisyon ng sarili ko ay andito pa rin siya sa tabi ko. Simula kasi ng mangyari ang insidente at sabay na kinuha sina mommy at daddy, si yayi na ang nag alaga sa akin. Hindi na nga siya nakapag asawa dahil sa pag-aalaga niya e, kaya sobra sobra ang pasasalamat ko sa kanya. Siya ang nagsilbing mama at papa ko sa bahay na iniwan sa akin. Tumingin naman siya sa akin. "Kumusta na pala kayo ni Callie?" tanong nito. "Mukhang madalang na lamang siyang pumunta dito ah?" Lapag niya ng mainit-init pa na kare-kare. Lumunok muna ako ng napaka raming laway para mapigilan ang pagpatak ng luha ko. " Busy siya yayi e, alam mo naman siya lang ang inaasahan sa company nila,"sagot ko at ibinaling na lamang ang atensyon sa pagkain. "Hindi ba't anniversary na ninyo bukas? Hindi ka ba niya pupuntahan?" tanong ulit nito. Tinignan ko lamang siya at binigyan ng pekeng ngiti. " Hindi po." Hindi na ito muling sumagot, at kung sasagot man siya ay baka matuluyan na ako sa pag-iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD