Hindi pa man sumisikat ang araw nang gumising na ako. Gusto ko kasi kahit na hindi kami mag celebrate ni Callie ng Anniversary ay may maipapabaon ako sa kanya sa pag punta niya sa Cebu.
Hindi ko na inabala si yayi Emma dahil siguradong nananaginip pa 'yon sa mga oras na 'to. Nanuod na lamang ako sa youtube kung paano mag bake ng cookies para dadalhin ko mamaya sa office ni Callie.
Sa unang subok, tama naman ang procedure na sinunod ko ngunit kulang sa tamis kaya itinapon ko ang mga ito. Sa pangalawa naman ay nakalimutan kong lagyan ng kaunting asin, kaya hindi pantay ang lasa.
"Last ka na, sana sure na 'to!"
Habang hinuhulma ang huling cookies sa pa-pusong lalagyan, bigla na lamang akong napangiti ng maalala ko nang mga unang buwan pa lang namin ni Callie.
"Sorry kung eto lang ang regalo ko ha? Hayaan mo next time singsing na ang laman niyan,"wika niya habang isinusuot sa akin ang isang kwintas na may paruparong pendant.
"Ano ka ba, kahit nga walang ganito e."Turo ko sa bulaklak."At kahit walang regalo, masaya ako basta magkasama tayo," sagot ko sa kanya.
Nag-aaral pa lamang kasi kami no'n, kaya mahaba pa ang oras niya para magkasama kami. Hindi tulad ngayon na kailangan na niyang ipriority ang kumpanya nila sa relasyon namin.
Sa pagkalibang ko sa pag-aayos ng tatlo pang natitirang cookies, naka amoy naman ako ng...
"Hala, nasunog!Dali-dali ko namang inilabas ang kulay uling na mga cookies.
"Kanina walang lasa, tapos yung isa kinulang naman sa ingredient, tapos eto sunog naman. Wala na akong mabibigay na matino kay Callie!"
Tinignan ko naman ang tatlo pang natitirang cookies na hindi pa naluluto. &Wala na akong gamit, paano ko pa matatapos 'to? Alangan namang tatlong piraso lang ang ibigay ko.& Napahilamos na lang ako sa sarili habang tinitingnan ang mga nasirang cookies.
Isang sampal sa mukha ang iginawad ko sa sarili bago tuluyang mawalan nang gana.
"Hay nako Nyx!"
Papungay-pungay namang lumabas mula sa kwarto si yayi Emma habang tinitignan ang mga kinalat ko. "Hindi mo naman ako tinawag anak, sayang 'yang mga gawa mo oh."
"Yayi ako na diyan. Maaga pa naman e, kaya magpahinga ka muna."Kuha ko sa isang cookies na kinakagat niya.
"Hala siya, sige kuhanin mo 'yong ibang harina doon at tayong dalawa ang gagawa nito," aniya.
Bigla namang nagliwanag ang mukha ko at dali-daling kinuha ang gagamitin namin para sa pag gawa ulit ng mga cookies.
"Saan mo ba kasi natutunan 'yang pag gawa niyan? E mali mali naman 'yang tinuturo sayo e,"saad niya habang hinahalo ang harina.
"Pinanuod ko lang sa youtube yayi, ayaw kasi kitang istorbohin para makapag pahinga kapa ng matagal," wika ko.
"Eh, wala naman akong ginagawa sa maghapon e, tapos nahihiya kapa na gisingin ako," ani nito.
Ilang minuto lamang niyang sinangkap ang cookies, at nakagawa ito ng bente piraso.
"Sigurado maiinlove sa'kin neto si Callie," saad pa niya habang tumatawa ng nakakaloko.
Ikaw yayi ah? Aagawan mo pa ako," sagot ko at sabay kaming nagtawanan.
Ng matapos na namin itong hinanda, nag presinta naman si yayi na siya na lang ang mag-aayos ng dadalhin ko, at ako naman ay mag aayos na rin dahil baka hindi ko maabutan sa office si Callie.
---
Pagkapasok ko pa lang sa loob ng kumpanya nila Callie, nginitian na ako ng ibang mga staff nila, habang ang iilan naman ay pinag titinginan ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa suot kong wrapped dress na brown o dahil sa napaka pale kong mukha.
Lumapit naman ako sa desk ng assistant ni Callie ng makita ko ito na busy sa kanyang ginagawa. "Adelle, nandyan pa ba si sir mo?"Tanong ko.
"Ah opo miss Nyx, nasa loob pa po siya," magalang na sagot nito.
Halos lahat kasi ng mga tauhan nila dito sa kumpanya ay kilala na ako, dahil madalas akong dalhin noon dito ni Callie.Naging close ko na rin ang iba sa kanila kaya hindi na ako nahirapang mag labas pasok pa sa kumpanya nila.
Dumiretso naman ako sa conference room kung saan tinuro ni Adelle na naroon si Callie. Pagkapasok ko doon, nakita ko naman siya na nag hahanda ng kanyang mga dadalhing gamit habang pumipirma sa napaka raming papeles.
Napangiti nalang ako ng makita ko ang napaka gwapo kong boyfriend na nakasuot ng tuxedo, habang naka one side ang kanyang buhok. Kumalat na rin ang kanyang panlalaking amoy sa loob ng conference room.
"Hi babe," bati ko. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat, gano'n pa man tumayo ito at sinalubong ako.
"Oh babe, what brings you here?" ani nito at saka hinalikan ang noo ko.
Iniabot ko naman sa kanya ang bitbit kong box na naglalaman ng cookies. &Happy anniversary!& wika ko.
"Nag abala ka pa, ang sweet mo naman!"ani nito.
"Happy anniversary. I'm so sorry babe, gusto ko man makasama ka sa mga oras na ito, pero kasi kapag hindi namin sinipot ang client baka hindi na siya mag invest sa company namin," paliwanag niya.
Binigyan ko naman ito ng tipid na ngiti. "It's okay, bawi ka na lang pagkauwi mo ha?"saad ko.
"Yes, I promise!" sabi niya at niyakap ako ng napaka higpit.
"By the way babe. You're so gorgeous! Napaka ganda mo talaga kahit anong suotin mo,"saad niya. Hindi ko naman maiwasang hindi mamula sa papuri nito, kaya hinampas ko na lang ng mahina ang kamay niya.
"Ano ka ba, ngayon mo lang ata ako naappreciate e,"mahinang sabi ko, gayong araw-araw ako nitong sinasabihan ng maganda.
Habang nagtatawanan kami ni Callie, bigla namang pumasok sa loob si Adelle at mukhang nagmamadali.
"Sir, Ma'am. I'm sorry to interruped you, but sir Callie need to go now, nasa flight na raw si Mr. Ramirez," ani nito.
"Gano'n ba?" Tingin niya sa akin.
"Mag ingat ka," saad ko at akmang hahalikan na siya sa labi ngunit umiwas ito at hinalikan na lamang ako sa noo.
"I have to go, promise babawi ako pagbalik," wika niya sabay sukbit ng kanyang bag sa balikat habang dala-dala ang bigay kong cookies sa kanya. Pinabaunan pa ako ng kiss sa aking pisnge bago tuluyang lumabas.
Nginitian ko naman ito hanggang sa kanyang pag alis at pag sarado ng pintuan sa conference room.
"Hay, mag-isa nanaman ako."
Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ulit lumabas ng conference room. Hindi ko maiwasang hindi tignan ang mga matang kanina pa may gustong ipahiwatig sa akin.
Humugot naman ako ng lakas ng loob at hindi na pinansin ang mga taong 'yon.
Buti na lang at sabado ngayon, masusuot namin ang gusto naming damit. Tama lang siguro ito, at 'di naman kita ang kasulok-sulukan ng katawan ko na mahigpit na ipinagbabawal sa opisina.
---
Pagkarating ko sa aming opisina, umupo kaagad ako sa aking trono habang tinitignan ang tambak ko pang mga gawain.
Lumapit naman sa akin si Jr, dala ang ang nakakapangilabot na ngiti. "Wow, si Nyx niyo pagod na."
"Alam mo Jr kung ako sayo, tatapusin ko na lang lahat ng gawain ko para maaga akong makauwi mamaya," tamad na sabi ko rito at hindi man lang binabalingan ng tingin.
"Alam mo Nyx, kung ako sayo ako na lang jowain mo. Lahat ng time ko sayo lang wala kang kaagaw ng oras ko,: ani nito at kinindatan pa ako.
Sumabat naman si Nikki na nasa harapan na namin ngayon. "Alam mo, kung nililibagan mo lang sana 'yang maitim at matigyawat mong mukha, edi sana may chance ka pa sa bestfriend ko. Eh kaso mas dugyot ka pa sa asong kalye e," wika niya. "Tsaka kung sanang tinanggap mo ang suggestion ko na gawin mong sipilyo ang escoba sa inyo, edi sana kahit kaunti pumuti 'yang ngipin mo," dagdag pa nito na ikina tawa ko.
"Ang sama mo talaga sa'kin Nikki," sabi nito na mukhang nabagsakan ng matigas na bagay sa kanyang mukha.
"Masama talaga ako, ganyan ba naman ang bubungad sa umaga ko," pambabara pa niya. Hindi na lang sumagot si Jr at diretso na itong umalis pabalik sa kanyang pwesto. Pinag tatawanan naman siya ng iilan kaya medyo nakonsensya ako sa ginawa ni Niks sa kanya.
"Ikaw talaga, walang preno 'yang bunganga mo. Napahiya tuloy si Jr,"bulong ko sa kanya.
"Bagay lang sa kanya 'yon, palpak kasi lahat ng gawa niya kanina puro kayabangan lang ang alam," iritang sabi nito sabay ikot pa ng mata niya.
"Siya nga pala. Ayos na ayos ka ngayon ah? mukhang nag date muna kayo ni Callie bago siya lumarga. Ano, meron bang ano diyan?"wika niya, sabay kinindatan ako.
"Huy, w-wala no. Hindi na nga niya ako nahalikan e," malungkot kong sabi.
"Alam mo, nagdududa na talaga ako doon. Katulad siya ng ex ko, bigla na lang nanlamig sa akin tapos ayun nahuli ko na lang na may ka holding hands sa mall,"malungkot na sabi niya. Napatingin naman ako dito at binigyan siya ng kataka-takang tingin.
"Teka, sinong ex ba? Si Marco, Adrian, Carlo, Gabriel o Michael?"
"Grabe ka naman Nyx! Isa lang binanggit ko, andami mo ng sinabi. Ex lang, hindi Ex's!"bulong nito.
Kahit kailan talaga hindi nag babago 'tong kaibigan ko. Hangga ngayon kasi hindi pa rin siya nakakahanap ng matinong partner. Kung hindi ito peperahan, lolokohin naman siya o di kaya pag di pa nakuntento, makikipag s*x lang sa kanya sabay iiwan na siya.
Tinulak ko naman siya palabas ng pwesto ko. "Malapit ng dumating si Sir Nicollo, bumalik kana sa lungga mo at magpakitang gilas na."
Habang iniiscreen ko ang mga natapos ng department ni Niks, napukaw naman ng atensyon ko ang isang nakahiwalay na papel. Medyo makapal kapal din ito, kaya inuna ko nang tinignan.
Sa unang page pa lamang, napakunot na ang noo ko sa sobrang dami ng errors. Tiningnan ko naman ang pangalawa hanggang sa kahuli-hulihan ng page ay parang hindi man ito pinroofread at diniretso na lamang dito sa table ko.
Tumayo naman ako upang pumunta sa department nila Nikki dala-dala ang copy na parang nilaro lamang.
Itinaas ko ang papel sa harapan nila, dahilan para matigilan ang iba sa pagtatrabaho. "Sino ang nag proofread nito?I mean pinroofread niyo na ba ito?"Wika ko. "Hindi ba't ang sabi ko sa inyo, screen niyo muna ng maige bago niyo idretso sa table ko? At saka nasaan na ba si Myra?" dire-diretso kong sabi.
Unti-unti namang itinaas ang kamay nito kaya bumaling lahat ang tingin sa kanya.
"Bakit nakalusot 'to? Hindi ba't bago mapunta sa'kin, iniiscreen mo muna 'to? Ginagawa mo ba talaga ang trabaho mo?" sigaw ko.
"Ma'am. Pasensya na po pero lahat po ng nasa desk ninyo ay na screen ko na," malumanay na paliwanag nito.
Tumayo naman si Nikki kaya lumipat ang tingin namin sa kanya.
"Nyx, pasensya ka na sa kapalpakan ng department ko, pero pwede ko bang malaman kung anong title ng hawak mo? Binigyan ko kasi sila isa-isa ng mga gagawin,kaya madali lang malaman kung sino ang naglagay niyan sa desk mo,"wika naman nito.
Tinignan ko naman ang sinasabi ni Nikki. "Bloodlust,"mahinang sabi ko.
"Ah, Ma'am! Kay Kore po 'yan, yung bago dito sa department." Wika ni James
"Opo Ma'am, 'yung mukhang anghel pero malandi,"dagdag pa ni Ashlei.
"Sabi ko na nga ba e, nasaan na ba 'yang magaling na si Kore?"sigaw ni Nikki habang nakapamewang itong hinahanap si Kore.
"Ma'am Nikki, wala po ngayon si Kore e. Hindi po alam ang dahilan," sabat naman ni Jeff.
"Siguro binilad nanaman no'n 'yung bilat niya," bulong ni Jane sa katabi.
Natulala na lang ako nang malamang wala rin si Kore sa opisina ngayon. Hindi kaya...
Hindi. Hindi naman niya kilala si Callie e, baka nagkasabay lang sila ng leave.
"Okay sige sorry. Bumalik na kayo sa trabaho ninyo,"mahinahong sabi ko. Bumalik naman sila sa kani-kanilang mga pwesto, habang ako ay parang lutang na nag iisip-isip sa walang kwentang bagay.