Hindi pa rin mawala ang ngiti sa kaniyang labi, habang taimtim akong tinitingnan. Kumaway naman ito saglit sa isang waiter at dali-dali nitong nilagyan ng wine ang mga baso namin.
Uminom muna siya bago magsalita. "Kanina ka pa ba rito?" tanong nito.
"H-hindi kita maintindihan? Si Callie ang hinihintay ko dito, excuse me?"
Pagkabigkas ko ng huling salita,bigla na lamang siyang tumawa ng napakalakas, sabay lapag ng kaniyang wine glass at tinitigan ako.
"Hindi pa ba sumiksik diyan sa kokote mo na ako 'yung nagtext sayo?" wika niya sa maarteng boses.
"P-paano? Bakit? Anong nangyari? Nasaan si Callie? At saka bakit hawak mo ang phone niya kagabi?" sunod-sunod kong tanong habang pinipigilan kong tumulo na naman ang luha ko.
"Sabagay, slow ka nga pala. Hindi ko alam bakit ka napo-promote palagi sa bulok na publishing house na 'yon, e napakabobo mo naman," ani nito.
Tiim bagang ko naman siyang tinitingnan. Sarap na sarap pa siyang umiinom.
"Ano, wala ka na bang tanong? Hinihintay na ako sa condo ni Callie," pang-aasar pa niya.
Habang sinasabi niya ang katagang iyon, iniipon ko na lahat ng lakas at galit sa kamao ko para kapag nagsalita pa siya, baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong bigwasan siya.
"Bakit?" tanging nasabi ko sa kanya.
"Bakit sa dami ng lalaki, si Callie pa?" Unti-unti ng tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Pati ang lakas sa kamao ko tila nawala at naging kasing lambot na lang papel ang kamay ko.
"Bakit?"bulalas niya. "Itanong mo kaya sa boyfriend mo. Siya lang naman ang nang-akit sa'kin, plus siya rin ang nakauna. Grabe ang galing pala niya," patawa-tawang sabi nito.
Sa galit ay hinampas ko bigla ang mesa. "Stop. Nagsisinungaling ka lang hindi ba?" saad ko.
Kahit sobra na ang buhos ng luha ko, pinilit ko pa rin maging matapang. Pinilit ko pa ring hindi pakinggan ang sinasabi ni Kore. Gusto ko lahat ng 'to manggaling mismo sa bibig ni Callie.
"Here," aniya sabay ipinakita sa akin ang ang isang video na lalong nakapagpalambot ng katawan ko.
Sex video nilang dalawa ni Kore.
"No, hindi siya 'yan!" Tulak ko sa kamay niya.
"Really? gusto mo ipasa ko pa sa'yo, para makita mo kung gaano kagaling ang 'boyfriend' mo?" sabay halaklak nito ng napakasakit hindi lang sa tenga, pati na rin sa puso.
Tumayo naman siya at naglakad palapit sa akin. "Gusto mo pa bang malaman ang iba pang sikreto ni Callie?"bulong nito.
Biglang nagdilim ang paningin ko kaya bigla kong dinakma ang leeg niya. Nagpumiglas naman ito, kaya bigla kaming napahiga sa lupa.
"Ganiyan ka ba talaga pinalaki ng magulang mo ha?" Diin ko ng daliri sa leeg niya. "Ang akala ko pa naman napakabait mo. Binati mo pa ako no'ng na-promote ako. Sana naniwala na lang ako sa sabi-sabi," nanggagalaiti kong tugon.
"Sabi-sabi na isa kang malanding haliparot, mang-aagaw, ahas, anghel na nagbabalat kayo, nagbabait-baitan na akala mo kung sino!" Subsob ko sa kaniya sa buhangin.
Wala na akong pakialam kung may makakita man sa'min ngayon. Kung matanggal man ako sa trabaho kinabukasan, basta ang gusto ko lang mabawasan kahit kaunti ang sakit na dinulot nila sa'kin. Gusto ko siyang patayin sa konsensya kung bakit niya ginawa sa'kin 'to.
Sa relasyon namin ni Callie.
Tumingin siya sa akin habang binuga ang kaunting buhangin na dumapo sa kaniyang bibig. "Ano sa tingin mo? Mababawasan ba niyan ang kasalanan ni Callie sayo? Kahit magdamag mo'kong isubsob dito, kung mahal ka talaga niya hindi siya maaakit sa iba!" sigaw niya.
Tila natauhan ako sa huling katagang binitawan ni Kore at nagising ang buong kalamnan ko sa sinabi niya. Nanlalaambot ang tuhod kong tumayo mula sa pagkakadagan sa kaniya at tulalang naglakad palayo.Tama nga siya. Kung ako talaga ang mahal ni Callie, hindi siya maaakit sa iba.
"Akala mo tapos na tayo?" sigaw pa niya nang makalayo na ako. Pagharap ko sa kaniya, halos lumubog ang isang paa ko sa hukay pagkakita ko sa hawak niya.
Isang baril.
Hindi ko alam kung matatakot ba ako, kung tatakbo, o kung tatanggapin ko na lang at sasalubungin ang bala ng baril na gusto niyang ipatama sa'kin.
Nakapag desisyon na ako.
Marahan akong tumalikod sa kanya at humakbang papalayo ng biglang...
"I'm so sorry, Nyx. You deserve it," saad niya,bago tuluyang kalabitin ang gatilyo ng kaniyang baril. Isang alingawngaw naman ang narinig ko bago ako makaramdam ng hapdi sa aking puso. Pagkahawak ko rito, nakakaramdam na rin ako ng hilo habang tinitingnan ang palad ko na punong-puno ng dugo.
"N-nyx!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Nasilayan ko pa ang gwapo nitong mukha bago ako tuluyang mawalan ng malay.
"Callie."
****
ILANG araw na rin akong nagpapalinga-linga sa lugar na ito, hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahinuhang sagot kung nasaan ako. Habang iniikot ang tingin sa buong lugar, unti-unti kong papansin na parang nasa ibanng lugar ako? Parang nasa alapaap na ako? Bahagya kong sinampal ang mukha ko dahil kung ano-ano nanamang naiisip ko.
Pero hindi e, para talaga akong nasa paraiso kung saan maliliit na damo ang aking tinatapakan at tanging mga tipak ng bato lamang ang bumabalot sa lugar na ito. Nakakapagtaka rin na sa mga oras na ito ay dapat napakainit na, ngunit sa lugar na ito ay parang walang sumisilip na araw at kitang-kita mo na masaya ang langit. Tanging masamyong hangin lamang ang siyang dumadaplis sa buhok ko, paikot sa buong katawan ko.
Lumingon naman ako sa aking paligid at nakita ang iilan pang tao na nagtatago sa malalaking bato at naghihinagpis sa kani-kanilang pwesto.
Pinili kong puntahan ang isang matanda na nakasuot ng puting bestida, habang nakayuko ito at tinatakpan ng mahabang buhok ang kaniyang mukha.
"Ale, maari ba akong makiupo?" wika ko, at saka ako umupo sa tabi niya. Mukhang hindi ata ako nito narinig, kaya minabuti kong ulitin ang sinabi ko ngunit bigla naman siyang nagsalita.
"Iwan mo na ako," sagot nito na may malamig na tono ng pananalita.
"Itatanong ko lang sana kung saan tayo?"
Humarap naman ito sa akin, dala ang nangagalaiting mukha. "Ang sabi ko, iwan mo na ako!" Titig niya ng masama sa akin, dahilan para mapa atras ako.
"Ah-e, oh sige," dali-dali kong sabi habang mabilis akong tumayo at umalis sa tabi niya.
"Anong meron? bakit parang ang init ng ulo ng mga tao dito ngayon."
Sunod ko namang pinuntahan ang isang babae na hula ko'y sa sobrang bagot ay hinihintay na lamang dumapo sa kanyang kamay ang kanina pa nito tinitignang puting paruparo.
Umupo naman ako sa tabi niya. "Hi," bati ko.
Ngumiti lamang siya sa akin, habang hindi pa rin naaalis ang tingin sa paruparo na nakadapo na sa damuhan.
"Ang ganda nila hindi ba?" bulong nito. "Ilang minuto lang ay magiging ganito na rin tayo," dugtong pa niya.
Hindi ko naman pinansin ang sinasabi nito at nagpatuloy lamang ako sa pagsasalita.
"Siya nga pala, anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya, habang busy pa rin siya sa pagtitig sa paruparong nasa harapan niya.
"Ako nga pala si Angeline," sagot nito. Humarap naman siya sa akin dala ang napaka gandang ngiti habang kumikislap ang mala diyamante at bilugan nitong mata. " Ikaw?"
Bago ko sagutin ang tanong niya, tila may napansin akong kakaiba sa kanyang mukha, ngunit ipinag sawalang bahala ko na lamang ito.
"Ako nga pala si Nyx," magiliw kong sagot.
"Ah, kailan ka pa dumating dito?" tanong niya at binaling muli ang tingin sa kanyang harapan.
"A-anong kailan? Nasaan ba tayo?"
"Ang sabi ng mga paruparo, nasa kabilang buhay na raw tayo."
Magsasalita pa sana ako ngunit tumingin ito muli sa direksyon ko, dala na ang mukha ng pagdadalamhati.
"Ang sabi nila, nasa timog raw ang lagusan." Humugot muna ito ng lakas bago tuluyang tumayo. "Halika, umalis na tayo habang hindi pa sila dumarating," wika niya, sabay inilahad ang kamay sa harapan ko habang hinihintay ako nitong tumayo.
"Nako ineng. Huwag kang maniniwala diyan binibiro ka lang niyan," wika ng isang matandang lalaki na lumapit sa amin, habang bitbit ang kanyang luma at nasisira ng tungkod.
"Nakita kita kanina na kakadating lamang sa lugar na ito, nakakalungkot lang dahil nadagdagan nanaman kami," saad naman niya.
Medyo naguguluhan pa rin ako sa nangyayari ngayon, ngunit sa kabilang banda mayroon ng ideya na pumapasok sa utak ko, pero hindi maaari. Hindi, hindi ko alam kung bakit, paano, kailan at kung saan.
"Sa pinapakitang ekspresyon ng mukha mo ay naguguluhan ka pa. Ganyan rin ang isang 'yon, hanggang ngayon." Turo niya sa nagwawalang babae kanina. "Hindi pa niya tanggap ang kanyang pagkamatay, kaya kung ano-ano na lang ang ginagawa niya."
Halos gusto ko ng lunukin ang lahat ng laway sa bibig ko para lamang maintindihan ang sinasabi ng matanda.
Pinilit ko namang tumawa kahit napaka seryoso ng mukha niya. "Teka, a-anong pagkamatay? gino-good time mo naman ako lo e," saad ko.
"Andito na sila," bulong ni Angeline na ngayon ay nasa malayo ang tingin at tila napalitan nang lungkot ang kanyang napaka maamong mukha.
"Sinong sila?" Lingon ko sa direksyon ng kanyang mukha ng mapansin ang paparating na matitikas na lalaking naka itim.
Nasa mahigit trenta ang mga ito, kasing dami nang mga tao sa lugar.
"Pumila na kayo," sigaw ng lalaki na ngunguna sa kanila.
Napaka lalim ng boses nito.
Pilit ko namang tinitingnan ang mukha niya ngunit dahil sa makapal nilang suot ay pati ang anino ng kanilang mukha ay hindi ko makita.
"Teka," saad ko habang nagsisimula na silang maglakad nang nakayuko.
"Sino ang mga 'yan?" tanong ko kay lolo, ngunit hindi ito sumagot at dumiretso lang sa harapan kung nasaan ang mga ito.
Tinignan ko naman si Angeline na nanginginig na sa takot. "Sila ang mga sundo natin. Sila ang magdadala sa'tin sa huli nating hantungan," wika nito at mabilis na sinundan si lolo.
Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari, hindi ko alam kung nasaang parte na ba ako ng mundo at bakit may mga ganitong klase ng tao.
Nakaisip naman ako ng paraan upang makatakas sa nangyayari ngayon. Magtatago pa lamang sana ako sa likod nang malaking bato ay laking gulat ko na lamang na nasa likuran ko na ang lalaking nakaitim na nangunguna kanina sa pagsasalita.
"Kahit saang likuran ka pa ng bato magtago, hindi mo kami matatakasan. Malakas ang pang-amoy naming mga taga sundo," wika niya na hindi pa rin nag babago ang tono ng boses.
Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa nangyayari sa akin ngayon o matutuwa ako dahil parang isang hot papa ang nasa harapan ko ngayon.
Pero teka. Letse naman Nyx! Nasa panganib ka na kinikilig ka pang hindot ka.
"Nasaan ba kasi ako? Kanina pa ako nag tatanong sa mga taong nandito pero wala man lang akong nakuhang matinong sagot," wika ko.
"Malalaman mo mamaya kung anong nangyari at bakit ka napunta rito,"ani nito sabay lakad papunta sa mga kasamahan niya.
Isa-isa namang isinasama ng mga 'sundo' ang mga taong nandito at dumadaan sila sa makapal na hamog at bigla na lamang mawawala.
Ng kaming tatlo na lamang nina Angeline at lolo ang natira, nag-usap naman ang tatlong sundo ng ilang minuti at saka humarap sa aming tatlo.
Una namang tinawag ng isang sundo si Angeline, at isinama ito sa makapal na hamog. Malungkot ang mukha nito habang nakatingin sa amin, si lolo naman ay pirmeng nakatayo na parang handa na sa kanyang pupuntahan.
Pagkalaho ni Angeline at ng sundo, sinunod naman nito si lolo na ngumingiti pa habang naglalakad papunta sa makapal na hamog.
Bago ito pumasok doon, lumingon muna ito sa akin at ngumiti.
"Ako nga pala si lolo Fredd," ani nito.
Ilang minuto lang ang nakalipas at ang lalaking matikas ay lumapit sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagkatakot, o dahil sa maskuladong katawan nito.
Pwe! Hindi pwede, may Callie na ako.
"Handa ka na ba?" garalgal na tanong niya.
Tumango naman ako, at nagsimula na kaming maglakad papasok sa makapal na hamog.