KABANATA VI

2063 Words
"Saan pala tayo pupunta?" nahihiya kong tanong sa lalaki, habang dire-diretso lamang kaming naglalakad sa mahamog na daan.Hindi ako kumbinsido sa pagiging tahimik nito, kaya napilitan akong lumapit sa kaniya. "Hello? Naririnig mo ba ako? Kanina pa kasi tayo naglalakad e, pagod na rin ako," pag-angal ko. "Ni hindi ko na nga makita ang daan, tapos ikaw hindi ka pa nagsasalita." Umupo naman ako sa damuhan, dahil baka umepekto itong gagawin ko. "Sige. Kung ayaw mo akong sagutin, dito lang ako. Hindi ako aalis sa pwesto na 'to," pananakot ko sa kaniya. Tumigil naman ito sa paglalakad at unti-unting humarap sa akin. Heto na, mahuhulog na siya sa kaartehan ko. "Kung hindi ka pa tatayo diyan, maya-maya lang ay darating na ang mga lalapa sayo. Baka hindi kana makarating sa kabilang buhay at pati kaluluwa mo makain nila," wika nito tsaka tuluyan akong iniwan. Nanlaki naman ang mata ko at dali-dali akong tumayo para habulin siya. "Teka lang kasi. Ano ba kasing ginagawa ko rito? Pauwiin mo na lang kaya ako 'no? Kasi panigurado hinahanap na ako ni yayi Emma, tapos si Callie naman marami ng missed call sa cellphone ko 'yon." dire-diretso kong sabi sa kaniya. Hindi naman ito muling sumagot, bagkus binilisan pa niya ang paglakad upang hindi ko na ito makita sa kapal ng hamog. "Teka lang naman! Hintayin mo ako," sigaw ko ng maramdaman kong unti-unting manlambot ang tuhod ko sa hindi inaasahang bagay. "Sa islang 'to. Kung hindi mo bibilisan ang paglalakad, dalawa lang ang kahihinatnan mo. Kung hindi ka mamamatay sa loob ng hamog na 'to, mamamatay ka sa malalaking asong lobo na nagbabantay sa gilid," wika niya. Tingnan mo 'tong sundo na 'to, kapag trip lang akong takutin doon lang magsasalita. Pero kapag mahalagang bagay ang tinatanong ko tameme naman siya. "Hindi ako ang nararapat na sumagot niyan," bulong nito sa kawalan. Teka lang, anong pinagsasabi nito? "Nababasa mo ang nasa isip ko?" manghang tanong ko sa kaniya. Ngunit bago pa ako nito sagutin, tumigil naman kami sa napaka laking puno na tingin ko'y mas mataas pa sa ulap. "Ano gagawin natin diyan?" takang tanong ko habang tinitignan itong nakayuko. Sa ilang minuto naming pagtambay sa harapan ng malaking puno, bigla na lamang umugong ang lupa, kasabay ng pagkabagsak namin kung saan. "aaaAHH!!!" Halos mahiwalay ang kaluluwa ko sa ginawa ng lalaking ito, biruin mo hindi man lang ako sinabihan na mayroon pa pala kaming babagsakan na ganito kalalim. "Aray ko ha? Sana sinabihan mo man lang ako kahit kaunti tungkol dito ng hindi man lang sumakit ang pwetan ko!" Hawak ko sa pwet ko na mukhang nalamog na. "Wala ka namang gano'n kaya hindi ako nag-alala sa'yo," bulong nito. Bigla namang nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya. "Anong sabi mo? Hindi ka lang pala suplado. Manyak mo pa!" Hawak ko pa rin sa pwet ko habang sinusundan siya sa pag lalakad. "Kaunting minuto na lang at naroon na tayo. Mag bigay galang ka sa pinuno," aniya sabay tingin sa kawalan. "Eh paano kung ayaw ko?" maldita kong sagot sa kanya. Tumawa naman ito ng marahan at humarap siya sa akin. Nakakapagtaka lang dahil kahit ilang beses pa siyang humarap, bakit hindi ko pa rin makita ang mukha niya. "Mamamatay ka kahit nasa kabilang buhay kana," malamig ngunit nakakatakot na pagbabanta nito. Hindi na ako muling sumagot dahil ramdam ko ang kilabot sa buong paligid. Pero totoo kaya 'yon? Kahit patay kana, mamamatay ka ulit? Teka... Anong patay ang pinagsasabi niya? Buhay na buhay pa ako oh. I'm alive! Pagkababa namin ng bundok, medyo lumiwanag na rin ang paligid at nawala na ang mga hamog. Nakikita ko na rin ang ibang sundo na nakapila habang nasa kanan nila ang mga kaluluwa na sinundo nila kanina. "Pipila rin ba ako doon?" Turo ko sa pinakahuling linya. Kaagad ko namang hinanap sina lolo Fredd at Angeline, ngunit sa dami ng nakapila dito kahit anino nila ay hindi ko makita. "B-bakit wala sina Angeline dito-- Hoy!" tawag ko sa kaniya, ngunit hindi ako nito pinapakinggan at tuloy-tuloy lang pumasok sa loob nang isang simentado at puting bahay. Dahan-dahan kong sinilip mula sa pintuan si supladong sundo habang nakikipag-usap ito sa pinaka pinuno nila. Pilit kong isiniksik ang ulo ko, upang marinig ang pinag-uusapan nila, ngunit bigla naman akong napaurong sa kinatatayuan nang sabay silang lumingon sa direksyon ko. Sumignal ang isang matandang may mahaba at puting buhok na lumapit ako sa kanila, kaya nakayuko akong pumasok sa loob. "Magandang umaga po pinuno," pagbati ko rito habang hindi pa rin tumitingin sa mukha niya. Bigla naman akong nanginig nang unti-unti itong humagalpak sa tawa. "Anong pinuno?" tanong niya, kaya napatingin ako rito. Pero bakit gano'n? Katulad din siya ng iba. Hindi ko rin masilayan ang mukha niya. Nakakaasar na ah. Napakatanda na rin ng boses niya, wari ko'y nasa 70's o 80's na ang isang ito. Hindi naman siguro ako nagkamali sa pagtawag sa kaniya ng pinuno hindi ba? "E sabi po kasi nang supladong 'to na kayo po ang pinuno kaya magbigay galang dapat ako," dipensa ko naman. "Oh siya sige. Halika sumama ka sa'kin," aniya sabay lakad papunta sa tapat ng isang panibagong pintuan. "Teka, saan na naman po ba tayo pupunta? baka dalhin niyo na naman ako sa hamog na 'yan a? Ayoko na po doon," reklamo ko. Tumawa naman ulit ang matanda habang umuubo-ubo pa ito. "Susunod ka ba o babalian pa kita ng ulo?" sabat naman ni supladong sundo. "Oo eto na nga e oh," pagdadabog ko. "Eto o, binibilisan ko pa." Pagkapasok namin sa isang panibagong silid. Umupo naman si pinuno sa kabisera kung saan naroon ang isang gintong upuan. Inilahad nito ang kaniyang kamay sa isang bakante at itim na upuan sa gilid niya. "Maupo ka riyan, at tayo'y manunuod," ani nito. "Anong papanuorin? Baka po ano 'yan ah?" bulong ko. Bigla na namang humagalpak ito sa tawa. Seryoso naman ako sa sinasabi ko ah? Napakasaya naman pala ng pinuno nila. "Ikaw talaga. Hindi na ako magtataka bakit napakalungkot ng buhay mo sa lupa," ani nito. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi ko talaga maintindihan. Kanina pa ako nagtataka bakit ako nandito e. Pwede bang diretsuhin na ninyo ako?" pangungulit ko sa kaniya. Ilang minuto namang natahimik ang buong paligid. Halos nakakabingi ang katahimikan ng biglang... "Ano sa tingin mo?" "Mababawasan ba niyan ang kasalanan ni Callie sayo? Kahit magdamag mo'kong isubsob dito, kung mahal ka talaga niya hindi siya maaakit sa iba!" Bigla na lamang tumulo ang luha ko nang mapanuod ko sa puting pader ang nangyari sa akin kahapon. Hindi pa rin ako makapaniwala na ipinagpalit ako ni Callie sa babaeng 'yon. Sa apat na taon namin, pinag palit lang niya ako sa demonyong 'yon. "Teka lang, ibalik po ninyo diyan," saad ko ng mapanuod ko ang huling nangyari pagkatapos kong mabaril. "Kore! Anong ginawa mo sa kanya?!" Sigaw ni Callie habang patuloy na tumutulo ang luha sa kaniyang mata. Dali-dali naman akong binuhat ni Callie papunta sa sasakyan, hindi nito alintana ang dugong dumikit sa puting damit nito. Si Kore naman ay mukhang nabigla pa rin sa ginawa niya sa akin. "Teka...teka lang!" sigaw ko ng biglang mawala ang pinapanuod ko. "Ayon lang?" tanong ko sa pinuno. Tumango lamang ito. "Doon na ako namatay? "Pero bakit hindi ko 'yon maalala noong pagpunta ko dito? Tsaka bakit ang tagal ko nang nandito pero hindi ko man lang alam kung anong lugar ba ito, baka iniiscam niyo lang ako ha? Nako humanda talaga kayo," pananakot ko pa. Tumayo naman sa harapan si pinuno at humarap sa akin kahit hindi ko kita ang kaniyang mukha. "Nandito ka sa La Ciera Paraiso," panimula niya. "Bago ka dumating dito, tinanggal na namin lahat ng masasakit mong alaala. Tanging mga masasayang alaala at mga taong tumulong lamang sa iyo ang iniwan sa isipan mo. Hindi rin magtatagal at mawawala na ang lahat ng 'yan, kaya didiretsuhin na kita ngayon." Tumayo na rin ako dahil hindi gulong-gulo na ako sa pinagsasabi niya. "Pero teka nga lang," sabat ko. "Paano naman 'yung pumatay sa akin? Anong gagawin sa kaniya? Ano, eto ako patay habang siya masaya sa buhay niya? Paano na lang si Yayi Emma? Si Nikki? Paano na lang ang mga naiwan ko?" sunod-sunod kong tanong. Huminga naman ito ng malalim. "Iyan nga ang nais kong sabihin sayo." wika niya. "Habang tinatanggal ko ang alala mo, nakaramdam ako ng awa at takot sa pagkatao mo. Naawa ako dahil hindi mo makamtan ang hustisyang hinihiling mo bago ka tuluyang mawala sa mundo. Takot, dahil baka sa nangyari sa'yo isang buwan makalipas ay ikaw pa ang magdadala ng gulo rito," aniya. Medyo napaisip naman ako sa sinabi niya, pero teka... "Isang buwan?" Gulat kong sabi, tsaka naman ito tumango. "Isang buwan ka nang narito. Hindi mo lang pinapansin dahil nalilibang ka sa pag gagala-gala mo habang tinatanggal ko ang memorya mo. "Ngayon, bibigyan kita ng isang kondisyon upang maging patas ang pagkamatay mo. Handa ka na ba sa misyon at magiging kapalit ng gagawin mo?" nakakabang tanong nito. "Ang lugar na ito ang tinatawag na La Ciera Paraiso. Kapag ang isang tao ay nasa hantungan na ng kaniyang kamatayan, dito muna nila ito dinadala hanggat hindi pa purong malinis at masaya ang kanilang mga puso. "Sa lagay ninyo ng mga kasama mo, ang iba doon ay natapos na ang kanilang misyon at bumalik na sa pagiging busilak ang kanilang puso, para na rin tanggapin ang kanilang kinahinatnan," paliwanag nito. "Eh teka lang, paano naman 'yung isang babae doon na parang kakatapos lang ata sa kasal niya? Ibig bang sahihin no'n ay tapos na rin ang kaniyang misyon?" naguguluhan kong tanong. "Pero bakit gano'n. Sa inaasta niya kanina parang hindi pa niya tanggap?" saad ko habang hindi pa rin pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya. "Isang taon na rin ang nakalipas simula nang mamatay siya. Nagpakamatay ang babaeng 'yon sa araw ng kanyang kasal dahil hindi nito gusto ang kanyang mapapangasawa. Isang napaka walang kwentang desisyon ng buhay niya," paliwanag naman ni pinuno. "Sa parteng iyon na sapilitan niyang kinuha ang kanyang buhay.Habang buhay na pgkakabilanggo sa loob ng isang paru-paro ang karampatang parusa. Hindi na siya dadalhin o ihahatid sa kabilang buhay dahil sa kanyang ginawa." Medyo naliliwanagan na ako ng pakonti-konti sa mga ipinapaliwag niya sa akin. "Pero teka.Paano si Angeline? Ibig bang sabihin totoo lahat ng sinasabi niya? Pati 'yong lagusan sa timog? Si lolo Fredd ano ng nangyari sa kanya?" sunod-sunod kong tanong. "Totoo ang sinasabi ni Angeline. Nasa timog ang lagusan pabalik sa mundo ng mga tao. Ngunit wala pa akong nababalitaan na nakatakas sa mababangis na asong lobong kumakain ng kaluluwa, kaya 'wag mo ng tangkain. "Tsaka ang batang si Angeline, magkasabayan lamang silang namatay nang bagong kasal. Ang kaso lang ay binaril naman siya katulad mo." Naglakad naman si pinuno palapit sa akin at hinawakan ang balikat ko. "Sa ngayon ay ihahatid na siya sa kabilang buhay dahil nagampanan na nito ang kanyang tungkulin. Napakabait na bata," masayang sabi nito. "Eh si lolo Fredd?" tanong ko. Hindi naman nito sinagot ang tanong ko, bagkus tumingin ito sa malayo. "Sa lugar mo. Hindi kita maaaring ihatid kaagad sa kabilang buhay, dahil mabigat pa rin hanggang ngayon ang iyong dinadala. At basa ko sa isipan mo nais mong makamtan ang hustisya." wika niya. "Sa ngayon ay tatanungin na kita. Nais mo bang manatili na lamang dito at maging isang paru-paro o nais mong makatawid sa kabilang buhay at maging masaya kasama ang mama at papa mo?" Bigla namang nagliwanag at nanlaki ang mata ko sa sinabi ng pinuno. Ibig bang sabihin nito, alam niya kung nasaan sina mommy at daddy? "Oo. Ako rin ang naghatid sa mga magulang mo sa kabilang buhay. At bago sila nakatawid doon, sinigurado muna nilang may mag-aalaga at magbabantay sa'yo hanggang sa paglaki mo." Nakaramdam naman ako ng tuwa sa aking puso, pero nandoon pa rin 'yong takot at pangamba. Pangamba na paano na lang kapag nasa kabilang buhay na ako, makakasama ko nga sina mommy at daddy, pero hindi ko naman na makikita si Yayi. Palaisipan pa rin sa'kin ang kalagayan ngayon ni Yayi, lalo na't nalaman kong isang buwan na pala akong wala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD