"Hay Callie. Hindi ko alam bakit nagawa ko pang magtampo sa'yo sa kabila ng ginagawa mong ka-sweet-an sa'kin e? Siguro iyong pinapakita sa panaginip ko na pagtatampo, parte lang naman iyon ng pagiging mag boyfriend at girlfriend namin." Nakaka-miss tuloy si Callie. Sisiguraduhin kong yayakapin ko siya kapag nagkita na kami. Sa aking paglalakad-lakad, napatigil naman ako sa paglalakad habang iniisip ang mga binitawan kong salita. "Paano ko nga pala siya mayayakap, e nasa ibang katawan ako. Baka akala pa niya patay na patay si Kore sa kanya at pati sa simenteryo sinusundan siya." Mali, mali. Dapat pigilan ko ang sarili ko. Ilang beses na akong napahamak dahil sa padalos-dalos kong desisyon, at hindi ako papayag na hanggang sa huli ay ganito pa rin ang mangyari. Pagkalabas ko ng gate, naki

