"Ma'am Kore? Ma'am nandito na po tayo." "Ma'am?" Kalabit ni manong. Tiningnan ko si manong habang pupungay-pungay pa ang mata. "Andito na po tayo?" Tingin ko sa paligid at oo nga, itong malaki at itim na gate sa harapan ang palatandaan na nasa village na ako ng mga Cruz. "Opo ma'am, kanina pa po tayo nandito kaso hindi ko lang kayo magising dahil napakahimbing po ng tulog ninyo," aniya at tinitingnan ako ng nakakaloko. Hinawakan ko naman ang mukha ko at medyo basa ito bandang bibig kaya agad kong dinukot ang panyo sa bulsa ko. Kaagad ko namang pinunasan ang bibig ko at nilingon siya. "Ikaw manong ha?" wika ko. Kinapa ko aking wallet na nasa likurang bulsa at akma ng magbabayad nang biglang nagsalita si manong. "Ma'am Kore, huwag na po kayong mag-abala na mag bayad pa, ayos n

