KABANATA XXIX

1718 Words
Nyx's POV Kitang-kita ko sa mukha ni Nikki ang saya. Nagniningnig na parang diyamante ang mata niya habang sarap na sarap siya sa kanyang kinakain, kasama ang iba pang empleyado. Akala ko tuloy kanina aawayin na naman nito si Joy, buti na lang at medyo naging mabait na siya kahit papaano. Napuno ng tawanan ang buong paligid, habang nagpasabog ng kanya-kanyang conyo na jokes ang bawat isa. Sinasabayan ko na lang ang mga ito, dahil mamaya aalis na rin ako. Gusto ko pa rin sanang mag-stay dito dahil kahit papaano tinulungan ako ng lugar na ito na makalimot panandalian sa mga nararanasan ko. Pero habang tumatagal ako rito, para akong sinasakal sa tuwing hindi ko malaman ang dahilan ng pag-iyak ko sa panaginip. Kahit gustuhin ko mang tingnan araw-araw ang ngiti ng bawat empleyado rito, pati na ang masamyong hangin, kailangan ko rin gawin ang misyon ko. "Mamaya ma'am, igagala ko pa kayo sa Golf Course na isa sa pinagmamalaki ng resort," wika ni Mrs. Rocess. "Parang napakalaki ng lupain niyo na ito 'no? buti na lang pala dito kami nagpunta," saad naman ni Nikki habang sinisipsip ang laman sa ipit ng alimango. "Ah yes Ma'am. 460 hectars or equivalent to 1,100 acre itong community natin, kaya masasabi kong malaki nga," pagmamalaki naman ni Mrs. Rocess. Habang abala ang lahat sa pagkukwentuhan at ang iba sa pagkain, nakakuha naman ako ng tyempo para umalis na. Hindi na mapigilan ng paa ko na hanapin si Callie at malaman kung ano ba talagang nangyari sa akin. "Nikki?" Kalabit ko sa kanya. Katabi ko lang kasi siya kaya. "Oh? Kumain kana riyan, mamaya maliligo raw tayong lahat," bulong niya habang pinupunasan ang bibig sa dami ng mantika. Hinawakan ko naman ang pusod ko para magkunwaring naiihi. "Hindi ko na mapigilan," saad ko habang sinusubaybayan ang aksyon na ginagawa ng iba. "Sige na, umihi kana doon! Baka magkalat kapa rito," aniya. Bago ako tuluyang umalis, sinulpayan ko muna silang lahat nang mapagtantong masama ang tingin sa akin ng janitress na pinagtanungan namin kagabi. Sa bawat tingin nito para akong nanlalambot, hindi ko maintindihan ngunit ang sama talaga ng pakiramdam ko sa kanya. "Teka lang ha?" Tapik ko sa balikat ni Nikki bago tuluyang umalis. "Cr lang po ako," pagpapaalam ko sa kanila kaya tumango naman sila at ani pa nila ay bumalik ako agad dahil mauubusan ako ng pagkain. "Sige po Ma'am Kore, balik agad kayo ha?" Wika ni Alvin. Naalala ko na naman tuloy ang kakulitan niya noong nakaraang araw. Tumakbo naman ako papuntang cr. Buti na lang malayo-layo ito sa dagat. At buti na lang naisipan ni Mrs. Rocess na ipunin lahat ng empleyado para sa isang boodle fight. Matiwasay akong makakaalis nito. Pagkababa ko ng hagdan, tila may napansin na naman akong anino na sumisilip sa akin sa likod ng malalaking puno ng niyog. Saglit ko lang itong tiningnan at bumalik na ako sa dati ang plano ko. "Bahala ka na, kung susundan mo ako. Basta kailangan kong mahanap si Callie," bulong ko bago tuluyang tumakbo papunta sa gate ng resort. Pagkalabas ko rito, sinulyapan ko naman muli ang kabuuan ng Mini Paraiso. Mami-miss ko ang lugar na ito, lalo na ang mga taong tinuruan ako na lalong maging isang mabuti at tunay na tao, kahit na medyo weirdo sina joy at iyong matandang janitress. Buti na lang at bungad lamang ito sa daanan kaya naman agad akong nakakita ng taxi na paparating. Pinara ko ito at kaagad na tumigil naman sa harapan ko. Binaba ng driver ang windshield at tumingin sa akin "Saan po kayo Ma'am?" tanong ng matandang lalaki. "Sa Cruz Village po," wika ko sabay bukas ng pintuan ng sasakyan. Napili ko namang upuan ang backseat dahil kita kong napakaluwang nito. Ayos lang ito dahil mamaya hindi ko mapipigilan na makatulog sa byahe lalo na malayo-layo iyon. Habang papalayo kami sa resort, dahan-dahan kong inalala ang bawat detalye ng mukha ni Callie. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip ko iyong napakatamis niyang ngiti, ang napakatangos na ilong at ang matapang nitong panga na bumabagay sa napakagwapo niyang mukha. Ang pilikmatang napaka kapal sa twing pumipikit at tumatawa siya. Ang kilay niya na tumataas kapag may hindi siya nagustuhan sa akin, pero ang mata niya... ang mata niyang napakasarap titigan ngunit napakasakit kapag katagalan. Matagal-tagal ko na rin na siyang hindi nayayakap at nahahawakan, kaya nakalimutan ko na ang amoy niya. Miss na miss ko na si Callie, pero bakit para akong dinudurog tuwing naalala ko siya. Sa lahat ng alala na bumalik sa akin, wala man lang masasakit na nangyari ang ipinakita, bukod tangi iyong pagtatampo ko lang ang naalala ko. "Bakit kaya ako nagtampo?" bulong ko sa sarili. "Kasi ma'am, hindi maintindihan 'yang mga ugali ninyo. Napaka-moody ninyo," sagot ni manong na nakatingin sa rear view mirror. Mukhang napalakas ata ng bulong ko. "Si manong talaga," saad ko sabay binigyan siya ng tipid na ngiti. "Matulog po muna kayo ma'am, medyo matagal pa po ang byahe. Gisingin ko na lang po kayo pag nasa tapat na tayo ng village." "Eh baka po saan ninyo ako dalhin?" pabiro kong sabi. "Hindi Ma'am. Kung naalala niyo pa po ako, ako 'yung tinulungan ninyo noon na makapasok sa kumpanya ninyo, kaya dapat ko lang palitan ang kabutihan na binigay ninyo," masayang sabi nito. Natulala na lamang ako sa sinabi niya. Seryoso ba? Si Kore? Tinulungan itong si manong para makapasok sa kumpanya nila? Sabi ko na nga ba at may mabuting anggulo rin ang ugali ni Kore. "Talaga po? Hindi ko na matandaan e, pero paano? 'Tsaka bakit po nagda-drive na kayo ngayon ng taxi?" naguguluhan kong tanong. "Medyo malabo na kasi ang mata ko, at saka alam mo naman, tumatanda na kaya hindi na makapagbuhat ng mabigat, kaya ayun nag-resign ako. Nagpasa naman po ako ng resignation letter sa office ninyo, baka hindi niyo lang napansin," ani nito. Sumang ayon na lang ako sa sinabi nito at dinamdam ang napaka tahimik naming byahe ng biglang... "Naku, kadalasan ganyan ang mga nadidisgrasya e. Hindi sila makapag hintay kaya kung makapag patakbo napaka bilis," wika ni manong habang sinusundan namin ng tingin ang isang itim na motor dala ang isang lalaki na nakaitim din. "Yabang," inis na sabi ko. Napaka tahimik ng paligid, tapos bigla na lang mag iingay ng gano'n, akala mo hindi makakarating sa pupuntahan niya. Pero...sino kaya 'yun? Nakakapag taka rin kase 'yung anino na laging nakasunod sa akin, mapa umaga o gabi. Matapos lang talaga 'tong misyon ko kay Callie, haharapin ko iyong asungot na aninong yun. Habang nagmumuni-muni at tinitignan ang paligid, bigla namang tumunog ng sunod sunod ang cellphone ko. Alam ko naman na si Nikki ito, pero saka ko na lang ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Nang dukutin ko ang cellphone, walang sawa pa rin itong tumatawag kaya napag pasyahan ko na lang na patayin ang cellphone ko. "Sorry Niki, saka ko na lang ipapaliwanag sa'yo lahat." Medyo malayo layo pa ang byahe namin at sa pagkakakalkula ni Nikki nang nagpunta kami sa resort, 3 hanggang apat na oras pa bago kami makarating doon. Siguro naman kung itutulog ko muna lahat ng iniisip ko, malaking tulong 'to mamaya sa'kin. "No Callie. You can't do this to me, right?" Pagtangis ng luha ko,habang nagmamaneho ako ng sasakyan. "Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo wala ako dapat ika bahala dahil ako lang ang mahal mo, pero ano 'to?" "Callie naman e, ano pa bang mali sa akin?" "Ma'am? Ma'am Kore?" Yugyog sa balikat ko ni Manong. "Ma'am, mukhang ang sama po ng panaginip ninyo," ani nito habang alalang alala na tinitignan ako. Nahawakan ko naman ang mukha ko at totoo ngang basang-basa ito ng luha. "Pasensya na po kayo ma'am, hindi ko na po kasi alam ang gagawin ko kaya inihinto ko muna ang sasakyan rito," aniya. Tinignan ko naman ang buong kapaligiran at mukhang nasa kalagitnaan kami ng highway. Buti na lang at hindi mainit dito gawa ng malalaking puno na nakaharang sa sikat ng araw. "Pasensya na po kayo manong kung pinag-alala ko kayo. Binangungot lang po ako," wika ko ngunit kumunot naman ang noo nito. "Siguro ma'am, kasi po sumisigaw kayo e. Tapos parang galit na galit kayo doon sa pangalan na...basta, hindi ko po maintindihan e," paliwanag niya. Isang masamang panaginip nanaman ang nangyari sa akin. Madalas nakakatakot na rin matulog dahil kakambal nito ang masasamang panaginip na naranasan ko. "Saan po nag umpisa nang sumisigaw na ako?" tanong ko rito habang pinupunasan ng panyo ang mukha ko. "Ilang minuto pa lamang po kayong nakakatulog ma'am. Kinakabahan nga po ako akala ko sinapian na kayo e." Magsasalita pa sana ako kaso bigla nanamang sumakit ng husto ang dibdib ko. "Ma'am? Ano nanaman po ang nangyari sa inyo? Ma'am!" Labas niya ng kotse at saka binuksan ang pintuan ko. "Ma'am! May sakit ba kayo sa puso? Ano pong masakit? Teka lang." Takbo niya sa harapan sabay kuha ng kung ano, habang ako ay unti-unti nanamang nagdilim ang paningin. "Mam inumin niyo ito, jusko anong nangyayari sa inyo sobrang putla niyo na!" Abot niya sa akin ng tubig habang hinahaplos ang likuran ko. Medyo nawawala naman ang itim sa paningin ko nang ubusin ko ang maliit na lalagyan nang tubig. Tinignan ko rin si manong na pawis na pawis sa sobrang kaba habang inaalalayan niya ako. "Manong...medyo okay na po, pwede bang matulog muna ako?" saad ko, habang nanlalambot akong nakatingin sa kanya. Kabadong-kabado naman itong nakatingin sa akin habang inaalalayan pa rin niya ako. "Huwag! Baka kung anong mangyari sayo! Diyos pabor, ayokong makulong. Baka akala nila pinatay kita kapag nagkataon," sigaw niya. Nginitian ko lang ito habang unti-unti kong inuusog ang katawan ko sa pinaka gitnang bahagi. "Ayos na po ako, salamat manong ha?" wika ko sa kanya nang tumigil na ang pag papawis nito. Nag alala din ng husto sa akin si manong kaya kung ano ano na lang ang ginawa niya sa akin. Kulang nalang ay kabugin nito ang likod ko para hindi ako makatulog. "Ayos ka lang ha?" pag uulit nito sa ika sampung beses bago paandarin ulit ang sasakyan. Tumango naman ako saka ngumiti bago tuluyang ipikit ang mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD