NAKITA nya na parang mas lalo pang pine-flex ng hudyo ang mga muscles nito. "Epal" mahinang bulong nya. Kabwisit tong lalaking toh.. Mukhang sinusubukan ako ah.. Nakaharap sya sa tokador na may salamin habang nakatayo at nagsusuklay. Mukhang nananadya ang loko dahil lumapit ito sa likod nya at kunwari ay may inabot sa tokador at dumaiti ang hubad na dibdib nito sa likod nya "Your Majesty, epal ka eh no?" inis na wika nya. Ganitong nagpipigil ako wag talaga tong palandi landi.. Baka mapatulan ko toh.. Nilingon sya nito na painosente ang mukha "Why, Mi Lady?" sumampa na ito sa kutson sa lapag at humiga habang minamasahe ang magkabilang braso. Nakaboxers lang ang hudyo at walang damit pantaas. Eto nanaman ang lunok nya.. Baka pati dila nya malunok na nya sa sunod sunod na paglunok..

