CHAPTER 28

1476 Words
Nagumpisa na magdrive si Winter papunta ng Quezon, Province. Nakuha na din nya ang mapa para malocate ang tracking device ni Summer. Habang nasa daan ay napasilip sya sa langit. Makulimlim at maitim ang ulap. Hays..wag naman sana sila abutan ng ulan o bagyo sa daan. "What are you thinking, Wife?" wika nito. Bigla syang napalingon sa gawi nito. Kinunutan nya ito ng noo "pinagsasabi mo?" "Bakit? Asawa naman talaga kita ah?!" wika nito sa nanunudyo na tono "Sa tingin mo maniniwala akong legit yung Jarred na yun? Kukuha ka na din lang ng magpapanggap yung hindi pa kapani-paniwala..mukhang scammer!" irap nya dito Tumawa ito "Let's just wait for the marriage contract to arrive in a few days" wika nito sabay kindat sa kanya Humalukipkip sya. Hindi pa din talaga nagsisink-in sa utak nya na kasal na sila nito ni Winter. Habang nasa daan ay dagling bumuhos ang malakas na ulan. Halos hindi na makita ang daan. "Dahan-dahan lang ang pagtakbo, Your Majesty. Pasikot sikot ang daan dito at baka bumagsak tayo sa bangin" paalala ko dito. Naging napakahabang byahe ang inabot nila dahil sa hirap magmaneho ng malakas ang buhos ng ulan plus nastuck sila sa traffic dahil sa may gumuhong parte sa highway at ilang oras silang walang galawan. "Your Majesty, wala ka bang balat sa pwet? Dami nating pinagdaanan oh?!" wika nya dito para aliwin ang pananakit na ng balakang nila sa napakahabang byahe na iyon. Tumawa ito ng mahina at nilingon sya "Wala, Mi Lady. Pwede mo ding tignan para makasiguro ka" nanunudyo ang tingin nito Taray! Lumalaban na din talaga toh ng landian eh.. Patulan ko kaya toh? Char! Irap lang ang sinukli nya dito para pagtakpan ang kiliti na dulot ng mapanudyo nitong tingin. Misyon muna Ghorl ha.. Patulugin mo muna yang cookie monster mo, utang na loob!.. Wika nya sa sarili Mas lalong naging mahirap ang byahe nila ng pumasok na sila sa masukal na daan. Tangna! Mukhang aabutan pa yata sila ng dilim. Maputik ang daan at lubak lubak. Yung tipong masakit na balakang mo sa mahabang byahe tapos aalugin pa buong pagkatao mo ng lubak-lubak na daan. "Leche! Feeling ko paglabas natin dito nagkapalit palit na ng posisyon mga organs ko.. Yung bahay bata ko napunta na sa balikat ko..!" reklamo nya Tumawa ito "so pano manganganak kung nasa balikat ang bahay bata?" pagsakay nito sa kaabnormalan nya "Baka sa tenga???" sabay pa kami natawa ng malakas. "Naimagine mo ano magiging itsura ng tenga mo after manganak?" wika nito sa pagitan ng pagtawa "Oh atleast dimo na kailangan ng cotton buds. Pwede mo na kamayin! Char!" ang taba talaga ng utak ko pag ganito usapan eh.. powtah! Kasalanan talaga to ng lubak lubak na kalsada eh.. Naalog nanaman tuloy mga utak namin . Haha! Napatigil kami sa pagtawa ng muntik na kami parehas masubsob sa dashboard ng kotse. Bumaon ang gulong namin sa malalim na putik. "F*ck!" mura ni Winter. Akmang lalabas ito ng pigilan nya "Your Majesty, wag ka muna bumaba. Malakas pa ang ulan at napakaputik" wika ko. Inaalala ko sya dahil baka hindi ito sanay dun "Hindi natin pwedeng paandarin lang ng paandarin ang kotse, Mi Lady. Lalo tayo mababaon sa putik" sagot nito sa kanya "Aww..sayang naman ang pa-dress to kill mo, Your Majesty. Ganyan na ba outfitan pag magtutulak ng kotse at magtatampisaw sa putik?" pang-aasar nya dito Tinignan sya ng masama nito "Joke lang! Toh naman... Sige na itulak mo at ako magpapaandar" wika nya habang naka-peace sign. Baka bigla pa sya ihagis nito sa putikan. Ngunit malas nga yata talaga dahil inabot na sila ng dilim ay nandun padin sila at nakabaon sa putik. Parehas na silang basang basa at puno ng putik dahil lumabas na din sya at tumulong sa pagtutulak. "Mga anak, mukhang nabalahaw ang sasakyan ninyo" sabay silang napalingon ni Winter sa nagsalita sa likod nila. Nakita nila ang dalawang matanda na magasawa. Tantya ko ay nasa sixty na sila mahigit. May hawak ang mga ito ng flashlight at may dalang basket ng gulay ang lalaking matanda. "Ay opo. Nabaon po ng malalim kaya hindi ho kami makaalis" sagot ni Winter "Nakuuu, magpalipas na muna kayo ng gabi dito at bukas ay tatawag ako nang tutulong para maiahon ang sasakyan ninyo" wika ng lalaking matanda. "Ay oo nga mga anak. Sa tantya ko ay hindi pa din kayo naghahapunan. Dyan lang ang bahay namin sa pagtawid ng palayan. Kayo ba ay mag-asawa?" tanong ng babaeng matanda "Oho" magiliw na sagot ni Winter. Shemay! Enebe...keneleg ako.. "Syanga pala, ako si Nanay Karing at eto naman ang asawa ko ay si Lando." pakilala ng mga ito Sumama kami sa kanila at narating namin ang simple nilang tahanan. Napakalinis nito. Ganito talaga ang gusto ko sa probinsya, yung payak na pamumuhay at may masarap na amoy ng hangin. Namilog ang mata ko sa inihaing pagkain ng dalawang matanda. Nilagang okra at talbos ng kamote na may sawsawang bagoong isda na may kalamansi. May ensaladang talong pa at hilaw na mangga. Wew! Nanunubig ang bagang ko parang gusto ko na agad lantakan! "Nay Karing, napakasarap ho ng ulam! Ang fresh pa!" bulalas ko habang binabasa ng dila ang mga labi ko. Napaangat ang tingin ko kay Winter na mataman na nakatitig lang sa kanya. Ngumiti ito ng makalaglag panty ng magtama ang mata nila. Hayop na toh! Apaka pa-cute! Wag ngayon bebeko..pagod tayo..char! "yan lang maihahanda namin mga anak ha. Pagtyagaan nyo nalang muna" hinging paumanhin ni Tatay Lando "Ayy Tay panalo po ito. Sobrang the best ng pagkain po na ito. Marami hong salamat sa pagpapatuloy sa amin kahit hindi nyo ho kami kilala" wika ko sa mga ito. "Wala yun iha. Magpahinga na kayo pagkatapos kumain. Alam naming pagod kayo. Maari kayong matulog dun sa may tree house. Dito kasi ay wala kaming kwarto dun ay may maayos na higaan" wika ng matandang babae "Tree house ho?" parang naexcite ako sa tree house. Pangarap ko magkaron ng ganun nung bata pa ko. "Oo iha. Dun natutulog ang mga anak namin pag nadalaw sila. Pero lahat sila ngayon ay may mga pamilya na kaya bihira silang magawi dito. Pero lagi ko naman nililinis iyon kaya sana ay maging kumportable kayo" napakagiliw ng magasawang matanda na ito sa kanila. Apat ang anak nila Nanay Karing at Tatay Lando at lahat ng mga ito ay may mga pamilya na. Paminsan ay dumadalaw ang mga ito sa kanila para tignan ang kondisyon nila. Nang matapos sila kumain ay inihatid na sila ng mag-asawa sa tree house. Ilang metro lang din ang layo nito sa tahanan ng mag-asawa. Nakaawang ang labi na pinagmasdan nya ang treehouse sa labas, oo madilim ngunit makikita mo ang ganda nito. Nagpaalam na ang mga matanda matapos sila ihatid at nangako na magtatawag ng tutulong mag-ahon ng kotse nila bukas ng umaga. Nagumpisa na sila umakyat sa matarik na hagdan. Yung klase ng hagdan na ginagamit pag aakyat ng bubong. Ang cool! Pagdating nila sa taas ay sumalubong sa kanila ang malamig na ihip ng hangin. Probinsya feels! Sarap.. Hays.. Namangha sila pagpasok sa loob. Napakalinis nga, namaintain nila Nanay Karing at Tatay Lando ang tree house. Merong Kutson na nakalatag sa floor na may kobre kama na brown na terno din sa punda ng unan at kumot. Humanga din sya sa mga sanga ng puno sa loob ng bahay na nagbigay ng accent sa kwarto. Tila ito naging disenyo ng bahay makapal ang mga sanga at maari ding umupo o humiga dito habang nakatanaw sa labas. "Mi Lady, mauna ka na maligo para makapagpalit ka na" untag ni Winter sa kanya. Nakalimutan na nya na may kasama pala sya sa sobrang mangha nya "ah sige, Your Majesty" sagot ko at nagmamadali na pumasok ng banyo Kasalukuyan syang nagsusuklay ng buhok ng lumabas na si Winter sa banyo. Halos mabitawan nya ang suklay na hawak nya ng makita ito.. Nakatapis lang kasi ito ng tuwalya habang tumulo tulo pa ang tubig sa katawan nito at buhok Napapikit sya at napalunok pero dumilat din sya.. Sayang ang view! Haha! "Your Majesty, kailangan talaga nakatapis ka lang ng ganyan habang nagpapalakad lakad dito? May babae kang kasama ipapaalala ko lang sayo" sita nya dito Lumingon ito sa kanya habang kumukuha ng damit sa bag nito "why, mi Lady? Naakit ka ba sa katawan ko?" ngumisi ito at tinitigan sya. Nilabanan nya din ng titig ito pero parang wrong move yata kasi nagising ang cookie monster nya. Ramdam nya ang pagpintig nito sa pagitan ng hita nya. Wari ba ay nagpaparamdam na gising na sya.. Haha! Napalunok sya. Lunok sya ng lunok dahil pag hindi nya ginawa yun ay baka lumabas sa bibig nya at tuluyang tumulo ang laway nya... Pashnea!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD