CHAPTER 27

1032 Words
KINABUKASAN ay maaga syang gumayak. Kailangan nyang mahanap at mailigtas si Summer. Binalutan nya ng patong patong na benda ang paa nya at nagsuot ng rubber shoes. Siniguro nyang mahigpit ang pagkakatali nito para hindi masyado sumakit pag inaapak. Okay lang yan! Yung iba nga kahit nasasaktan ng paulit ulit nagmamahal pa din eh.. Yan pa kayang pilay lang?! Char! Tumunog ang relo nya at agad nyang pinindot ito. "Larks, balita sa tracking device ni Summer?" "Na-trace ko na, Wolfy. Nasa Quezon Province ang location base sa device. Dun ito tumigil" wika ni Larkspur "T*ngina! Ang layo naman nun? Daig pa magbabakasyon sa layo!" reklamo nya. "Baka gusto din mag-unwind ng mga kidnappers" sagot naman ni Larkspur para dagdagan ang inis nya "Ikaw ngayon ang hindi makakapag-unwind dahil tututukan mo ang pagbabantay sa tracking device ni Summer!" sigaw ko dito. "O chill! Aga-aga nagsusuper saiyan ka dyan.. Baka malampasan mo na si son gokou." gatong pa nito sa pang-aasar "Tigilan mo ko Larks...nanggigigil ako sayo!" banta ko dito. Pero tinawanan lang sya nito sa kabilang linya "iconnect mo sa mapa yung location" wika nya bago pinutol ang tawag. Baka mabaril nya pa ito sa bwisit.. Mabilis syang lumabas ng kwarto at lumakad papunta sa taas ng mansyon para katukin si Winter. Sigurado syang tulog pa ang lahat dahil mag-aalasingko palang ng madaling araw. Mahina syang kumatok sa pinto ng kwarto ni Winter ""Your Majesty" mahinang tawag nya dito kasabay ng katok. Ngunit walang sumasagot. Sa panglimang katok nya ay naramdaman nya ang pagikot ng doorknob ngunit nanatili sa hangin ang kamay nya at bumukas ang pinto. Dumungaw ang pupungas-pungas na si Winter Pakshet ng 100x! Ang gwapo pa din ng hudyo kahit bagong gising! Sarap romansahin sa umaga! Char! Yung cookie monster ko ramdam ko ang paglalaway... Gusto kong mag-ala Aegis at kumanta.... Heto akoooo ohhh..basang-basa ang p*day.... Char! "Mi Lady?" napakurap sya at napabalik sa ulirat ng tawagin sya nito. Nakakunot noo ito Tinunghayan nya ang mukha nito. Mukhang pagod ang itsura at malungkot ang mata. "Are you okay, Mi Love?" wala sa loob na nasambit nya Tumaas ang dalawang kilay ni Winter. Tila inuulit sa isip kung tama ba ang narinig nya "What did you say, Mi Lady? You called me Mi Love?" Powtah! Pwede bang lumubog nalang ako? Ngayon na please! Pakshet! "Ayyy I mean Mi...jisty..oo tama Mijisty" palusot nya sabay ngiti ng alanganin.. Leche! San galing yung Mijisty?? Haha! Tumaas ang sulok ng labi nito at niluwagan ang pagbukas ng pinto.. Holy molly! Napalunok ako.. Mga limang lunok... Wala kasi itong suot na pantaas at halos magsumigaw sa mukha nya ang nagmumura nitong muscles at abs... Ang sherep! Gusto kong kagatin ang daliri ko habang pinagmamasdan ang langit sa harap ko.. Bumaba ang tingin ko at huminto sa pagitan ng hita nito.. Nakaboxers lang ito at literal na nakabakat si Big Bird.. Tila nasisikipan sa pagkakakulong sa boxers at gusto ng makalaya.. Haha! Huwag ka mag-alala big bird..palalayain kita dyan sa tamang panahon... Hinihintay ka ng cookie monster ko.. Piping sambit nya habang tinatapik tapik sa isip ang pagitan ng hita nya.. "Mi Lady, I said Im not okay" untag muli nito sa paglalakabay ng isip nya Tinignan nya ito sa mukha at tila ito bata na nagsusumbong sa nanay nya.. "comfort me, Mi Lady" wika nito. Nanlaki ang mata nya ng bigla syang hatakin nito papasok sa loob at isara ang pinto. Naramdaman nya ang lamig sa likod nya ng isandal sya nito sa pader. "Your Majesty" nasambit nya. Napakalapit ng mukha nito sa mukha nya. Halos bumaon na din sya sa katawan nito sa pagkakaipit nito sa kanya habang nakasandal sa pader.. "Hmmmm?" he answered habang namumungay ang mata at naglalakbay sa mukha nya ang titig nito "Ahmm..nagtoothbrush ka na?" gusto nya batukan ang sarili sa kawalang-kwenta nyang tanong Napatawa ito ng mahina "Hindi pa eh. Check mo nga kung kailangan ko na magtoothbrush" sagot nito bago mabilis na tinawid ang pagitan nila at dumampi ang labi nito sa labi nya.. Marahan ang bawat hagod ng halik nito at masuyo. At kung sya ang tatanungin..kahit yata isang linggo ito hindi magtoothbrush lavern pa din sa tukaan.. Haha! Kapwa habol nila ang paghinga ng maghiwalay ang mga labi nila. Dinampian sya nito ng halik sa noo at pagkatapos ay dinantay nito ang noo nya sa noo nito. Kinuha nito ang mga kamay nya at inikot sa beywang nito "Hug me, Mi Lady" utos nito sa malambing na tono Nagpatinaod naman sya at lalo lang sya nito binaon sa katawan nito habang nakasandal sya sa pader. Nanlaki ang mata nya ang maramdaman ang pagtibok ni bigbird na tumutusok sa puson nya.. "Ahmm Your Majesty, baka mabaon na ko sa pader sa sobrang pagdiin mo.. Hindi na ko makahinga" reklamo nya kunwari para supilin ang kakaibang init na namumuo sa kaibituran nya.. Baka maglawa na ang underwear nya sa pagtutubig dahil sa posisyon nila. Mahina itong natawa at niluwagan ang pagkakadiin nya sa pader. "Why are you here, Mi Lady?" pagdaka ay tanong nito. Hindi padin sya nito binibitiwan "Ahm..nalocate na namin kung nasan si Summer" pilit kong pinapatatag ang boses ko.. Nanginginig din ang tuhod ko.. Nakita ko na nagliwanag ang mukha ni Winter "Oh good heavens! San , Mi Lady?" "Quezon Province, Your Majesty. Mag-ayos ka na para maaga tayong makarating." Agad itong tumalima. Ngunit bago sya nito tuluyang bitawan ay hinatak sya nito at mabilis na kinuyumos ng halik.. Impaktong toh! Mapagsamantala ng kahinaan! Char! Lumabas na sya ng kwarto nito dahil baka kung saan pa sila mapunta dahil sa kaabnormalan nito. Alam kasi nya na marupok sya at madaling bibigay.. Haha! Ilang saglit lang ay tapos na ito at lumabas na may bitbit na bag.. "Your Majesty, ipapaalala ko lang sayo na misyon ang pupuntahan natin at hindi bakasyon" taas kilay nyang turan. Posturang postura kasi ito. "I know Mi Lady. Let's go" napakalapad ng ngiti nito. "Bat dika na din kaya mag-leather jacket para mas mukha kang action star" ingos nya dito. Bago tuluyan ng lumabas at sumakay sa kotse
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD