WALANG ibang ginawa ang dalawang abnormal na to kundi ang mag-asaran
"Iniimbitahan pala tayo ni Josh sa birthday ng anak nila sa isang linggo. Pupunta ka ba?" tanong ni Winter kay Jarred. Napahinga ako dahil sumeryoso na din ang mga baliw
Sumimangot ito at nagsalita habang ngumunguya "Pag may shanghai silang handa pupunta ko"
Binato ito ni Winter ng box ng tissue na mabilis nitong inilagan "Gago ka talaga! Ano naman kinalaman ng shanghai sa pagpunta mo dun sa party?!"
"syempre! Kung ang star ng pasko ay ham, ang star ng birthday party ay shanghai!" may pagpitik pa ng daliri sa hangin.
Feeling ko talaga impostor na Judge tong abnormal na to eh. Baka pinagawa lang sa Recto mga papeles.. Haha!
Siniko ko si Winter "Your Majesty, sigurado ka bang Judge yan?" bulong ko dito na kinatawa ni Winter
"Hoy, Mi lady. Ano yang binubulong mo sa damuho na yan?" wika ni Jarred. Nakita kasi nito na bumubulong ako
"Tinatanong ko lang kung Judge ka ba talaga. Hindi kasi halata sayo" wika ko sabay irap dito
Tumawa naman ito sabay inayos ang coat at sinuklay ang buhok ng kamay nito at pinapungay ang mata "Bakit, mas mukha ba kong artista kesa Judge, Mi Lady?"
"Hindi! Mukha kang takas sa mental!" wika ko sabay halukipkip
"Ayyy grabe yun, Mi Lady!" wika nito na nakalabi "Aray!" sabay napasigaw ito. Sinipa kasi ni Winter ang paa nito sa ilalim ng lamesa
"I told you not to call her Mi Lady!" nagbabanta ang mata nito kay Jarred.
Jarred chuckled "Hays! Dapat talaga di na kita tinulungan eh! Ngayon dalawa pa kayong umaaway sakin!"
Nagkatinginan kami ni Winter at nakita ko na umiiling ito. "Matalino naman yang hunghang na yan mataas ang IQ kaya lang ang mental age pang-five years old." palatak ni Winter na ikinatawa nya
Maya maya ay may pumasok sa pinto at may niluwang magandang babae na papalapit kay Jarred. Nakasimangot ito habang may bag na dala na sa tantya nya ay gamit ni Jarred. Chubby ito pero napakaganda ng mukha. Mukhang Barbie Doll.
"Eto na ho ang gamit nyo, kamahalan." wika nito sabay irap. Tumingin ito sa amin at bahagyang tumango para magbigay galang
"Hi!" bati ko dito. Ang ganda ng mata nito at malalantik ang pilikmata. Mukhang natural. Wala din itong make up pero napakacute. Sarap paglihian!
Hoy teka..hindi pa nga nagtatagpo si big bird at cookie monster paglilihi ka agad?? Malay mo baka mamaya magtagpo na..char!
"oh by the way, this is Nivea my PA." Pagwika nito ng PA ay sumimangot ang magandang dalaga. Halatang hindi sang-ayon sa pagpapakilala nito.
Magsasalita sana ako dahil naiintriga ako sa dalawa ngunit natigilan ako ng nagring ang telepono ni Winter na agad naman nitong sinagot. "Hello Mom" wika nito.
"What?!" sigaw nito na napatayo. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala
"Sige Mom, papunta na kami dyan" wika nito bago binaba ang telepono
"what happened?" tanong ko. Alam kong may nangyari dahil halos mabura ang mukha ni Winter sa paghilamos ng kamay sa mukha
"Nawawala si Summer. Lumabas daw saglit papunta sa gate nung may marinig na busina akala daw tayo ang dumating. Pero nang sundan ni Manang ay wala si Summer dun at nakabukas na ang gate at naiwan ang isang sapatos nito" halos nanginginig ang boses ni Winter habang nagsasalita
"Tara na, Your Majesty. Kailangan natin makauwi agad"wika ko.
Dagling sumikdo ang pag-aalala ko. No! Hindi ako papayag na mangyari ulit yun... Hindi ako papayag! Nagwawala ang isip nya
Dali dali kaming nag-ayos ng gamit at lumuwas pabalik ng Maynila. Nakaconvoy samin ang kotse ni Jarred.
"Mi lady, matulog ka muna para makapagpahinga ka." lingon ni Winter sa kanya
"Hindi din ako makakatulog, Your Majesty. Okay lang ako. Pasensya ka na hindi kita mapapalitan sa pagdrive" wika nya
"That's okay, Mi Lady. And please don't worry too much. Makikita din natin si Summer" alo nito sa kanya. Pero ramdam ko din ang labis na pagaalala nito sa kapatid
"Yes Your Majesty. Hinding-hindi ako papayag na may mangyari kay Summer." wika ko dito. Nilingon sya nito at nginitian at hinawakan ang kamay nya
Juice mio! Wag mo ko nginitian ng ganyan.. Baka makalimot ako.. May problema tayo oh.. Pashnea! Ang landi mo talaga eh no?!
Disoras na ng gabi ng narating nila ang mansion ng mga El Grejo. Sumalubong ang umiiyak na mommy nito at si Spring. Ang lahat ay nag-aalala sa pagkawala ni Summer.
Dagli akong lumabas. Masakit pa ang paa nya pag inaapak pero hindi na ito namamaga. Kaya naman nyang tiisin kailangan nya kumilos para mahanap si Summer.
Pinindot nya ang relo at kinontak ang grupo. "Team, there's an emergency. Nawawala ang bunso ng mga El Grejo."
"Larkspur, check mo kung malolocate mo si Summer. Hindi ako sigurado kung suot nya yung hairpin na binigay ko sa kanya may nakadikit na tracking device yun. Update mo ko ASAP"
"Copy, Wolfsbane" sagot ni Larkspur
Nagpasya syang lumabas at maglakad lakad sa area. Baka may makita syang kahina-hinala. Bwisit! Ang hirap magimbestiga pag ganitong pakirot-kirot ang paa nya... Pero kailangan nya tiisin.
Naglalakad sya sa may kalsada ng may humintong van sa tapat nya. Tumigil sya at tinignan ito. Maya maya ay bumaba ang window ng nasa passenger's seat at nilabas ang ulo "Hi Miss! Bakit ang magandang dilag na tulad mo eh nasa gitna pa ng kalsada ng mag-isa ganitong disoras ng gab?" nakangisi ito habang nilalaro ng bibig ang toothpick
Nilingon nya ang lalaki.. Nakadilaw na damit ito gayundin ang kasama nya na nasa driver's seat. Hindi sya sigurado kung uniform ba ito o naka-couple shirt lang sila.. Haha!
Ngumisi din sya dito bago sumagot "Unang-una, hindi ako tanga para maglakad sa gitna ng kalsada. Nasa gilid ako oh dimo ba nakita?" nagmwestra pa sya at tinuro na nasa gilid sya.
Nakita ko na bumukas ang sliding na pinto ng van at bumulaga ang mga nakasakay pa sa loob na pawang nakadilaw din. So family shirt na ito hindi na couple shirt? Haha..
Puro mga lalaki ang mga ito. Napaisip sya. Pakshet! Hindi ako makakatakbo dahil sa paa ko.. At hindi din ako makakasipa ng maayos. Mahihirapan ako makipaglaban sa kalagayan ko. Bwisit!
Nilingon nya muli ang mga ito at pilit pinakalma ang sarili " Pangalawa, hindi ako mag-isa. Kasama ko sila hindi nyo ba nakikita?" wika ko. At tinuro ang katabi ko
"Ano ka ba wag ka nga maingay dyan may kausap ako!" asik ko kunwari sa tabi ko na tila may pinapagalitan at pinalo ko ang braso ko
Natigilan ang mga lalaki at nagkatinginan bago tinignan sya ulit "baliw ka ba? Sayang maganda ka pa naman!" wika nung isa sa kanila
"Naku, pagpasensyahan nyo na ang mga kapatid ko. Hindi kasi sanay makakita ng ibang tao. Kaya pag naiingayan pumapatay!" kita ko ang paglatay ng takot sa mga mata nito. Ngumisi pa ko ng nakakakilabot at nilingon lingon ang katabi ko na tila may sinasaway "Ok na huminahon ka. Hindi mo sila pwedeng patayin, mga kaibigan sila. Oo, hindi na sila mag-iingay" wika ko at tinignan ulit sila habang nilagay ko ang daliri sa labi ko. Sinesenyasan silang tumahimik.
Kita ko ang paglunok ng mga ito. Napaatras din ang ulo papasok ng nasa passenger's seat ng lumapit ako dito. Naramdaman ko din ang pagsara ng sliding door at pagclick ng lock nito. Mukhang tinablan ng acting nya.. Haha!
Kumapit ako sa bintana at nakangisi na nagsalita "nga pala, nakakatuwa naman. Nagreuion pala kayong mga minions?? Kakaproud ang lalaki nyo na!" haha!
Akmang sisigaw ang lalaki ngunit nilagay ko agad ang daliri ko sa labi ko "Shhhhh! Sinabi ng wag maingay eh! Baka magalit ang kapatid ko! Kanina pa nya ang hawak ang kutsilyo baka ubusin nya kayo! Hala sige, umalis na kayo bilis!" taboy ko ng pabulong with matching acting na natataranta.. Beri good actress ka talaga Ghorl! Puri ko sa sarili ko... Haha!
Bigla namang pinasibad ng mga ito ang van.. Naiwan syang natatawa sa mga itsura ng mga ito.. Wew! Nakahinga din sya ng maluwag dahil hindi sya napalaban..
Pagdaka ay nagpasya na din syang bumalik ng mansyon dahil kumikirot na ng sobra ang paa nya. Pashnea! Kelan ka ba gagaling! Lintek!