Umupo sa may bench ang mga armadong lalaki na tila nagpupustahan pa sa laban namin ni Jenny. Gayundin si Theo na panay naman ang kuha ng stolen shots nya habang nakadekwatro na nakaupo at nakangisi. Yun ay dahil kanina pa kumikislap ang flash ng cellphone nito habang nakatutok sa gawi ko. Tinaasan ko ito ng kilay. Mukhang gusto pa magpatayo ng fans club ko ang hinayupak na to. Siguraduhin lang nito na maganda ang kuha ko. Baka mamaya nyan eh mga nakanganga at nakapikit ako sa picture sasampalin ko talaga to ng armalite. Bumuga sya ng hangin ng ilang beses para ikondisyon ang sarili sa laban nila. Hindi pa sya sigurado kung gano kagaling si Jenny sa pakikipaglaban pero isa lang ang alam nya, dapat ay handa sya at huwag ito maliitin. Sinimulan nyang lagyan ng benda ang kamao nya at pina

