NAGMULAT ako ng mata at inikot ang paningin sa paligid. Napakunot noo ako, bakit parang ang usok? Nasan ba ko? Shit! So, eto na ba ang langit? Natutop nya ang bibig nya nang maisip ang "langit" dahil napamura pa sya. Baka bigla syang hindi tanggapin at ilaglag sa baba! "Ate!" napalingon sya at hinanap ang tumawag sa kanya. Pamilyar ang boses nito pero pilit nya pa din inaaninag kung sino para makumpirma. Lintek naman kasing mga usok toh! Nasa Baguio ba ko? Inis na turan nya. Hindi kasi sya makaaninag. "Ate!" tawag muli nito. "Pashnea! Asan ka ba?" sigaw nya na naiinis na. Maya-maya ay nakita na nya ang bulto nito. Nanlaki ang mata nya ng mapagsino ito. "Hailey?!" bulalas nya Nakangiti ito na lumapit sa kanya. Napakaganda nito lalo at tila kumikinang. Nag-gluta kaya ito? Naisip n

