CHAPTER 13

837 Words
"Harl!" napalingon ako sa tumawag sakin. Kasalukuyan ako nakatambay sa cubicle ng mga empleyado. Nakapalagayan ko na sila ng loob at madalas kachikahan pag busy ang boss nya at walang meeting sa labas. Kaya hindi din sya naiinip "Yes Jas?" sagot ko dito "Tawag ka ni Mr. El Grejo" "Ah okay sige. Thanks" tumayo na ko at lumakad papunta sa opisina "Your Majesty, tawag mo ko?" "Yes, Mi Lady. We need to go to the airport."wika nito "may flight ka?" takang tanong ko "Nope. May susunduin tayo" at ngumiti ito. Taray parang good mood to ngayon ah.. "ngayon na po ba?" "Yep" at tumayo na ito. "but we need to drop by first to flower shop so we could buy a bouquet of flowers" dugtong nito. Hmmm.. May excitement akong nararamdaman sa tono nya "tingin mo maganda tong bouquet?" untag nito sa kanya ng nasa flower shop na sila. Hiwaga sa kanya bakit ganun ito ka excited sa susunduin nila sa Airport at may pa-flowers pa "Oo. Maganda" tipid nyang sagot. Inis ka girl? Haha! Isang balingkinitang babae ang sinalubong namin sa Airport. Napaiwas sya ng tingin ng maghalikan ang mga ito sa labi. Ba yan.. PDA! Mukhang sosyalera ang itsura nito. Matangkad at maputi. Pero mukhang may something akong nararamdaman dito. Bumaling ito sa kanya ng nakataas ang kilay "Who is she, Babe? Your new muchacha?" wika nito. Pakshet to ah! "She's my personal assistant, Babe" sagot nito at hinawakan nya ito sa beywang "by the way, this is Harlene. And Harlene, this is Jenny Dela Cruz, my girlfriend" wika nito ng nakatitig sa mukha ng impaktang labanos Nak ng putspa! Ouch my heart! Hindi halos pinansin nito ang pagpapakilala sa kanya at umismid lang "Babe, let's go shopping naman oh. Minsan lang ako makadalaw dito sa Pilipinas" maarteng wika nito. Naglalakad na sila at nasa likod sya ng mga ito.. San kaya to nakatira at bihira sa Pilipinas? Baka sa impyerno.. Charot! Napatigil sya ng lingunin sya ni Winter "Harlene, can you accompany her? May meeting kasi ako mamaya baka pwede samahan mo sya magshopping sa mall" So, Harlene nalang talaga??? Asan na ang Mi Lady? Pashnea ka! Ngumiti sya ng fake. Kasing fake ng plastic na kapitbahay mo.. "No problem, Your Majesty" tipid nitong sagot NAKAKUNOT ang noo ng lahat ng dumating kami mula sa Airport. "Jas, bakit ganyan mukha nyo? Kahit si Da Vinci mahihirapan kayo ipinta" untag ko dito dahil mga nakabusangot sila "Naku, magingat ka sa babaeng yan, Harl. Ibang klase ang attitude nyan" bulong nito sa kanya "pansin ko nga" sagot ko "May pagka-impakta yan. Diba nga sabi ko sayo lahat ng dinadala na babae ni Boss dito may attitude? pero yan...yan ang reyna nila sa kasamaan ng ugali" mahabang litanya nito "ow? Tignan nga natin" sabi ko sabay ngisi dito UMALIS na sila para samahan ito magshopping sa mall at mukhang tama nga ang hinala nya at nila Jasmine. May sa impakta nga ang maputlang labanos na to. Lahat ng pinapamili ay sya ang tagabitbit. Kasalukuyan kaming nasa store ng mga sapatos. Na shock ako ng bumili ito ng sampung pares ng stilettos… Anak ng Leche Flan! Feeling ba nya centipede sya? Haha! Nakita kong tumaas ang sulok ng labi nito ng makitang hindi ako magkandaugaga sa pagbitbit.. Napangisi ako.. May naisip nanamang kalokohan… Humanda ka sakin…! "Ms. Jenny, CR lang po muna ako" paalam ko dito "What?? Dalian mo. Wag mo paghintayin ang amo mo!" sigaw nito Amo your face! Haha! Mabilis akong umalis para mag-CR kuno.. Pagbalik ko ay may escort na kong dalawang clinic personnel ng mall at may benda ang kamay.. "What took you so long?" galit na sigaw nito.. Napabaling ang tingin nito sa kamay ko at sa dalawang clinic personnel "Ahm Miss, napilayan po ang kasama nyo ng madulas sa CR ng mall. Naitukod ho nya ang mga kamay kaya namaga po dahil sa sprain kaya hindi po pwede mapwersa ito" paliwanag ng isa "What???" yung 'what???' nya ay hindi dahil nag-aalala ito kundi dahil namrublema sino magbibitbit ng lahat ng pinamili nito… Wahaha! "sino magbibitbit nitong pinamili ko?!" sigaw parin nito.. Iritang irita na toh.. Namumula na sa galit.. Konti nalang baka magtransform na tong dinosaur haha! "may kamay naman ho kayo Miss" wika ng isa pang clinic personnel.. Yown oh.. Palaban dennn.. Haha "Kayo, kayo nalang magbibit nito papunta sa kotse" utos pa nito sa mga clinic personnel" attitude talaga. Naturingan may pinagaralan pero walang modo. "Sorry Miss. Wala yan sa Job Description namin. Mauuna na kami" at umalis na ang mga ito. Binigyan ko pa ang mga ito ng matamis na ngiti at tumango para magpasalamat Wala naman talaga syang sprain.. Chinika nya lang yung mga masahista na nakaputi dun sa mall at binayaran. Haha! Gigil na gigil nitong pinulot isa-isa ang mga paper bags at binitbit papunta sa kotse.. Ito din ang nagdrive dahil nga may sprain kuno ako.. Kala mo ha.. Wag ako Miss Impakta… wag si Wolfsbane.. Evil laugh! Haha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD