OFF duty ko at nasa bar kami ng grupo para ituloy ang pagmanman sa grupo ng Blue Shadow. Nalaman din namin na si Majinboo at Piccolo ay myembro din ng shadow gang at nalaman nila ang isa sa mga safe house ng mga ito base sa tracking device na nakabit dito.
"kumikilos na sila. Pitong buwan nalang ang meron sila para alisin sa landas nila ang tagapagmana" mahina kong usal sa kanila
"Wolfsbane, dating gawi ang kalakaran nila. Kung ano gawain nila 3 years ago bago sila bumagsak ay ganun din ang ginagawa nila ngayon" wika ni Larkspur.
Tinitigan ko si Larkspur ng may pait sa mata parang may bumara sa lalamunan ko. Kailangan ko lumunok ng ilang beses para pawiin ito
Marahang lumingon ito sa gawi ko. Tinatantya ang reaksyon ko.
Kinuyom ko ang kamao ko at pumikit ng mariin. s**t! Hanggang ngayon walang kasing-sakit ang ginawa ng mga hayop na yun sakin. Hinding-hindi ko sila palalampasin!
"Oleander, alamin mo sino ang bago nilang leader." lingon nya dito at tumango
"Foxglove and Amaryllis, manmanan nyo ang safehouse nila at baka makakuha pa tayo ng lead sa mga transaksyon nila"
"Copy" sabay na sagot ng mga ito
"Sige na lumakad na kayo. Ako na bahala magmanman dito. Kailangan nyo ng kumilos" pagtataboy ko na sa mga ito. Nagsitayuan na at tinapik sya sa balikat bago lumakad palabas
Habang tahimik na sumisimsim ng alak ay naagaw ang atensyon nya sa kabilang upuan. Pinapalibutan ng limang lalaki ang isang babae sa couch
Binalik nya ang tingin sa alak. Hindi naman sya maglalasing pero umaasa syang kayang pamanhidin nito ang sakit na nararamdaman nya.
Napabalik ang tingin nya sa kabilang upuan ng sumigaw ang babae "ano ba?! Leave me alone you bastards!" sigaw nito. Mukhang nakainom na din ang babae base sa pananalita nito. Hindi nya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya.
Ang limang lalaki naman ay nakapalibot dito katabi sa upuan habang mga nakangisi. Mukhang may foreigner din base sa facial features nito. Madilim ang bar pero dahil natatamaan sila ng ilaw ng strobe lights ay nakikita nya ito ng malinaw
Nakita nyang hinahawak hawakan na ng lalaking katabi nito sa kanan ang babae habang pilit namang pinipiksi nito ang mga kamay ng lalaki. Hanggang nakita nyang hinawakan ng isa pang lalaki ang magkabila nitong braso at pinaharap sa isa.
Tumayo na sya para makialam. Mainit pa naman ulo ko.. Naghahanap ako ng punching bag ngayong gabi..
"Kung ayaw ng babae mga pare koy wag nyo pilitin. Tsaka luging lugi yan oh.. Lima kayo isa lang sya" wika nya habang nakahalukipkip at inaalisa ang mga lalaki
Lumingon ang babae sa gawi nya at nagulantang ng mapagsino ito…
"Ate Harl! Help me!" wika nito.
"Hoy miss kung naiinggit ka bakit hindi ka nalang magjoin samin. Tingin ko naman mukha ka ding masarap" wika ng isa habang tinitignan sya ng may pagnanasa mula ulo hanggang paa.
Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahalukipkip at sinilid ito sa bulsa ng jacket ko bago nagsalita "oo naman.. Masarap talaga to… Manginginig ka sa sarap" wika ko habang nakangisi
"talaga? Lika let's try!" wika ng lalaki habang dinidilaan ang labi at nakatingin sa kanya pababa sa boobs nya
"lapit ka" at sinenyasan ko sya ng kamay bago umupo sa couch at nagcross legs habang si Spring ay nasa kanan ko at nakatago sa likod ko
Ngumisi ito habang nagtatawanan ang apat pa nitong kasama. Mukhang malakas sa bar na ito ang limang hudyo dahil ultimo bouncer ay hindi nangingialam kahit nakikita ng nambabastos sila
Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ang legs ko. Ngumisi ako habang nakatingin sa manyak na mukha nito.
"Taray ng hikaw mo sa ilong ah.. Dati ka bang kalabaw?" wika ko dito
Na-offend yata ang kalabaw…este ang lalaki at nagtangis ang bagang nito. Akmang sasampalin ako ngunit mabilis umigkas ang kamao ko at sinuntok ko ito sa lalamunan
Napaliyad ito at napasandal sa couch habang sapo ang lalamunan na tila hindi makahinga
Nilingon ko si Spring sa likod ko at nagsalita "Lesson no. 1, isa sa weak points ng lalaki ay ang kanilang Adam's apple. Kapag malapit ito sayo ay pwede mo itong suntukin" habang si Spring ay tatango tango habang namamangha sa nakikita
Sunod na sumugod ang isa pang lalaki at akmang dadakmain ako mula sa pagkakaupo ko. "You slut!" sigaw nito..
"ano yung slut?" nakangisi kong tanong. Sinalubong ko ang kamay nito at mabilis hinuli ang pulsuhan nito. Hinila ko ang kamay nito palapit sakin habang pasalubong kong sinipa ng ubod lakas ang p*********i nito. Hindi ito nakahuma at napaluhod habang hawak ang pagitan ng hita nito.
"Lesson No. 2. Groin. Weakness din nila ang pagitan ng hita nila. So pag may chance ka puntiryahin mo with feelings.. Para masaya!" haha! Napapapalakpak naman si Spring sa tabi nya habang tumatango
Nakita nyang sabay sabay ang tatlo na susugod "Hep! Hep!" wika ko habang nakasenyas ang kamay ko ng 'stop'.
"wag kayo magsabay sabay. Kasi baka matapos agad" wika ko.
Pero mapilit ang mga ito at sumugod ang tatlo… Sinipa ko sa gulugod ang isa na nagpaatras dito. Habang ang isa ay padamba na sakin. Tinulak ko si Spring at tumayo naman ito at tumabi sa may bar counter.
Yumuko ako habang nakaupo pa din sa couch at nilagay ang ulo sa pagitan ng hita ng lalaki at inangat ito sanhi para bumagsak ito sa likod ng couch na una ang ulo
Napatingin ang mga tao sa gawi namin dahil sa pagkalabog ng pagbagsak ng lalaki.
Hinuli ko ang pulsuhan naman ng lalaking foreigner at pinilipit ito papunta sa likuran at diniin sa may couch na ang mukha ay nakabaon sa sandalan bago nagsalita sa mga natingin samin "Its okay guys! Mga lasing lang.. We're just having fun" wika ko sa mga ito ng nakangiti
Nilingon ko si Spring at tinawag "Spring halika. Gumanti ka na" wika ko. Inangat ko ang lalaki mula sa pagkakadiin sa couch at pinaluhod sa sahig habang hawak pa din ang kamay na nakapilipit sa likod.
Napanganga si Spring sa sinabi ko pero dagli din nakahuma at Ngumisi. "alalahanin mo yung tinuro ko" wika ko dito
"Yes Ate!" at sabay sinuntok nito ang lalamunan ng lalaki pero napa-aray ito at winasiwas ang kamay pagkatapos. Nang makabawi ay humanda na ulit ito at buong lakas na sinipa ang pagitan ng hita nito
Binitawan ko na ang lalaki dahil namimilipit na ito habang si Spring ay may pag-pagpag pa ng kamay na nalalaman.. Haha!
"Saya ka dyan, Girl?"
"That was cool, Ate Harl!" wika nito at yumakap sa kanya
"Wag mo ko I-cool cool dyan. Sesermunan pa kita mamaya" wika ko dito
Nagpout ito pero kumapit ito sa braso nya at humilig "Please don't tell them Ate please.. Pretty please! Lagot ako kila mommy at kuya" wika nito
"Humanda kayo! Babalikan namin kayo! Hindi nyo alam sino binangga nyo!" nagulat kami ng may biglang magsalita. Yung lalaking kalabaw..
"Sino ba binangga namin?" tanong ko dito
Ngumisi ito "magbabayad kayo."
Tinaas ko ang paa ko at diniin sa leeg nito "sabihin mo, sino ang grupo mo"
"Urrgghh, blue shadow" at ngumisi ulit ito
"Taray, may blue palang shadow?" painosente kong wika. Pasimple Kong binuksan ang body cam ko para I-capture ang mukha ng mga ito at ma-profile. Dinikitan ko din ang mga ito ng tracking device.
"Hihintayin ko ang pagbabalik nyo" wika ko dito at diniin ko muli ang paa ko sa leeg nito bago binitawan
Sinenyasan ko si Spring at lumabas na.