INABOT na sila ng alas dyes ng gabi sa opisina dahil sa dami ng trabaho na kailangan tapusin ni Winter.
Sa sobrang tagal ng paghihintay ko ay nakatulog na ko sa couch sa loob ng opisina nito. Naalimpungatan ako sa sakit ng puson ko. Bumangon ako baka naiihi lang ako.. Napansin kong nakakumot sakin ang coat nito..
Ahhhh… Ang sweat diba?? este..sweet pala!
Nilingon ko sya at kasalukuyan pa din itong nagtatrabaho.. Pakshet! Ang gwapo talaga ng hudyo na to!
"Stop staring, Mi Lady."wika nito ngunit hindi padin nag-aangat ng tingin
"Mga ilang years pa tayo dito, Mr. Workaholic?" wika ko dito habang bumabangon para magbanyo
"We'll leave in a while, Mi Lady." Tinapunan sya ng sulyap nito at ngumiti… pakshet! Paki-glue nga ng puso ko… nahulog eh!
Tumayo sya at napaalam "Jingle bells lang ako, Boss"
Nangingiti naman itong tumango
Paglabas nya ay wala na talagang tao sa hallway at madilim na din ang ilang area. Buti ang daan papuntang CR ay may ilaw naman kaya dumiretso na sya..
Naalala nya ang kwento ni Desmond na may nagpaparamdam daw dito sa building na kaluluwa… Hindi naman sya takot pero minsan bigla ka nalang kikilabutan haha!
Nang makarating sa CR ay napamura sya ng malutong.. Kingina! May Bloody Mary!
Wala pa naman syang dalang napkin… Maya maya ay narinig nyang may kumakatok sa CR.
Natagalan na yata sya sa loob kaya sinundan a sya nito.. Binuksan nya ng konti ang pinto
"Mi Lady, bakit ang tagal mo. You okay?" nagaalala ang tono nito.. s**t! Mamaya ka na lumandi babae! Kailangan mo ng napkin!
"Ahmmm.. May problema kasi" wika ko.. Pashnea! Nakakahiya!
"What is it?" kunot noo nitong tanong
"Ahmmm… Ano kasi…" juice colored! Pano ko ba sasabihin..
"Mi Lady" tawag nito sa kanya na tila ba nauubusan na ng pasensya
"Ahmm.. Favor naman pabili ako ng napkin" nakagat nya ang ibabang labi nya.. T*ngina ang dyahe!
Halatang nagulat ito.. "N-napkin?" nautal din nitong tanong..
"O-oo. Yung may wings sana" haha! De Potah! Nakapagrequest pa ng may wings… Pashnea!
"San ba nakakabili nun?" litong tanong nito
"baka sa hardware?" kaloka.. Buti nalang gwapo at yummy… Haha!
"what?"
"Joke lang! Sa convenience store meron"
At nagmamadali na itong umalis.. My Gulay… Ano ba namang nakakahiyang araw toh!
Habang nakaupo sya sa cubicle ng CR at naghihintay sa pagbalik ni Winter ay napapitlag sya ng may marinig syang boses ng babae na umiiyak.. Mahina lang ito parang malayo ang sound… pakiramdam nya ay nagtaasan ang balahibo nya sa batok…
Parang dumadaing ang iyak nito… Niyakap nya ang sarili nya habang nakikiramdam…
Halos mapalundag sya ng may kumatok sa CR… "Mi Lady" tawag nito. Putek!
Napahugot sya ng malalim na hinga at binuksan ng konti ang pinto. Inabot nito ang limang malalaking plastic…
"My Gulay! Nagpanic buying ka ng napkin, Your Majesty?" isang katerbang napkin ang binili nito.. Mga five years supply ng napkin ganern! Kahit 30 days in a month ka pa magkaperiod… Haha!
"Sorry, I don't know what kind of napkin or brand you prefer so I bought all of it" Gusto nya tumawa sa pagkalito ng mukha nito. Ang bongga lang din talaga pag mayaman eh no? Ibang klase malito.. Bilhin nalang lahat haha!
"Thank you sir. Babalik din po ako agad para makauwi na po tayo" wika nya dito
Tumango naman ito at tumalikod na.
Nang makalabas sya ng CR ay narinig nanaman nya ang iyak ng isang babae… Dahan dahan syang lumalakad papunta sa opisina ni Winter habang inuulinigan ang iyak na yon..
Napasigaw siya ng sumulpot sa harapan nya si Winter
"Ayyy kabayong pogi!" sigaw nya
"You okay?" kunot noo nitong tanong. "namumutla ka?"
"hindi mo ba naririnig yung iyak ng babae, Your Majesty?" tanong nya dito na halos pabulong
"Anong iyak?" nilagay ko ang daliri ko sa labi ko senyales na tumahimik ito. At mukhang narinig din nito ang iyak na yun nang lingunin nya ko at tumitig sa mata ko
Naglakad kami ng dahan dahan na tila sinusundan saan nanggagaling ang iyak na yun… Parang minsan ay daing kesa sa iyak.. s**t! Malapit na ko maniwala sa kwento ni Desmond!
Napadako na kami malapit sa opisina kung nasan ang mga cctv at ramdam ko na palapit na kami ng palapit sa iyak na yun. Mukha kaming mga paranormal expert sa mga itsura namin na naghahanap ng kaluluwa…
"Naparito kami hindi para makipagaway!" sigaw ko.. Haha!
Parang nasa cctv room ang iyak na yun.. Palakas na ng palakas… Dahan dahan kong pinihit ang doorknob ng cctv room habang si Winter ay nasa likod ko..
Pag bukas ko ng pinto ay napanganga ako… nakita ko ang cctv operator na nakatalikod at nakataas ang paa habang nakaharap sa mga cctv ng buong building at may hawak na cellphone
T*gnina! Yung iyak ng babae ay galing sa pinapanuod nitong PORN!
"Pakshet ka! Akala ko may multo dahil kanina ko pa naririnig ang iyak ng babae na parang daing… Pashnea ka!" sigaw ko sa cctv operator
Nagulat ang cctv operator at napatayo.. Sa gulat ay hindi din naipause ang pinapanuod kaya patuloy pa din ang paghalinghing nito.. "Sir and maam good evening ho. Sorry ho pampagising lang po" sagot nito
"iba naman magigising dyan sa pinapanuod mong Pashnea ka!" natatawa kong turan dito. "I-pause mo nga yan!"
Natatawa naman din sa likod ko si Winter na tahimik lang habang nakapamulsa habang ang cctv operator ay nakayuko na tila gusto ng lumubog sa kinatatayuan
"Anong lahi nyang pinapanuod mo?" na-curious ako haha!
"J-Japanese po" nakayuko nitong sagot
"Putragis kaya pala ang ingay!" wika ko habang natatawa na si Winter sa likod ko at tinapik na ko sa balikat
"twosome lang yan or threesome?" tanong ko ulit
Napaangat na ng tingin ito kay Winter waring nahingi na ng tulong haha!
Naramdaman ko ang kamay ni Winter na hinihila na ko palabas. Pero lumingon pa ulit ako kay Kuya
"Anong site nado-download yan, Brod?" nakangisi nitong tanong
"sa susunod na manunuod ka ng chukchakan magheadset ka na utang na loob! Pashnea ka!" natatawa kong sigaw na pahabol dito
"Tama na, Mi Lady. Ang ingay mo talaga. Nanunuod ka ng ganun?" kunot noong tanong ni Winter habang hila-hila ang kamay nito
"Hoy hindi ah! Gusto ko lang malaman.. Isusuggest ko sa mga friends ko" palusot.com hahaha!