Dalawang linggo ang matulin na lumipas at naging smooth ang takbo ng pagbabantay nya kay Winter. Linggo ngayon at makakapahinga sya ng mahaba haba dahil off nya. Maya maya na sya makikipagmeeting sa team nya
Pabalik na sya sa pag tulog ng may kumatok sa kwarto nya. Hindi nya pinansin baka nagkamali lang. Pero naging mas malakas na ang katok nito
Pupungas-pungas syang bumangon. Hindi na sya nag-abala pang ayusin ang sarili at tinungo ang pinto at binuksan habang nakapikit pa din ng bahagya ang mata
"Good morning, sleepy head."bati nito
"Your Majesty, off ko diba? Bat nangiistorbo ka? " mataray na sagot nya.
"Let's jog. Lumabas ka na in 30 minutes" at tumalikod na ito
Anak ng putspa naman tong gwapong hudyo na to oh! Nakakaimbyerna! Nagdadabog na nag-ayos sya at nakasimangot na lumabas. Alas singko palang ng madaling araw juice colored naman!
Nagsuot lang sya ng Drifit shirt at leggings at Sinuot ang running shoes nya.
Naabutan nya sa sala si Winter na nakadekwatrong nakaupo at matamang nakatitig sa kanya
"tingin tingin ka dyan?!" nakataas kilay nyang sambit. Mainit ulo nya
Ngumisi lang to at tumayo na. Sumunod nalang sya. Mukhang may balak nanaman tong pahirapan ako..
Nagumpisa itong mag jogging at sinabayan nya ang pace nito. Hanggang sa umakyat sila sa mataas na hagdan ng Park sinabayan nya din ito.. Tignan natin sino unang susuko… mas matindi pa training namin dito oi..
Maya maya ay nakita na nyang habol na nito ang hininga… Napangisi sya..
"Your Majesty, ang konti palang ng natatakbo natin tara akyatin natin ulit yung hagdan.. Ilang steps nga yun? 500 steps? Tinulak nya ito para magumpisa ng tumakbo at napangisi sya ng makitang hingal na hingal na ito.
Nilingon sya nito at sinamaan ng tingin "hindi ka man lang ba hiningal?" takang tanong nito sa kanya habang nakayuko at nakatukod ang mga kamay sa magkabilang tuhod habang hinahabol ang hinga
Umiling sya "jogging na ba yun? Akala ko warm up lang" painosente nyang wika habang inuunat unat ang mga kamay
"Tara na, Your Majesty. Kailangan maging healthy ng katawan mo. Isang akyat pa sa hagdan…!" at muli nyang hinila ito papunta sa mataas na hagdan. Hindi na maipinta ang mukha nito.. Hindi na nito halos maingat ang mga binti sa pagakyat! Haha!
Kinabukasan ay maaga syang bumangon at nagprepara ng almusal at nag-ayos para sa pagpasok. Naglagay na din sya sa tupperware ng babauning pagkain para sa lunch ng amo.
Sakto paglabas nya ay pababa na din si Winter pero habang bumababa ay mabagal ito at nakangiwi.
Kunot noo syang lumapit sa may baba ng hagdan "Your Majesty, bakit ganyan ang mukha mo?" hindi kasi maipinta ang mukha nito sa pagkakangiwi habang ang isang kamay ay nakahawak sa rail ng hagdan at ang isang kamay ay nakaalalay sa hita nito
"Kasalanan mo to eh!" singhal nito sa kanya na nanghahaba ang nguso
"Ako??? Bakit ako??" kunot noo nyang tanong
"Paakyatin mo ba naman ako ng tatlong beses sa 500 steps ng hagdanan ng Park ewan ko nalang kung di manakit ang buong katawan mo lalo na ang legs mo?!" maktol nito
Napatawa sya ng malakas… Oo nga pala!
"Grabe warm up nga lang yun eh!" gatong nya pa sa inis nito
Sinamaan sya nito ng tingin. Inakyat nalang nya ito at inalalayan pababa habang pinipigil ang sariling mapatawa sa itsura nito.
Mukha kasi itong katorse anyos na na-devirginized kung maglakad… Haha!