Alas tres na ng hapon ng lumabas Si Winter sa opisina para sa meeting sa labas..
"Let's go, Mi Lady" wika ni Winter sa kanya
"San tayo, Your Majesty?" tanong ko habang nakasunod dito papasok ng elevator
"Sa Drake's Coffee Shop sa Timog" sagot nito.
Pinagbukas nya ito ng pinto ng kotse sa backseat pero napahinto ito.. "Bakit Boss?" takang tanong ko
Inagaw nito ang pagkakahawak ko sa pinto at sinara yun. Binuksan ang passenger's seat at dun sumakay..
Ayyy.. Iba nanaman ang sumpong nito.. Iiling iling sya habang lumiligid papunta sa driver's seat
"Mi Lady" tawag nito sa kanya nang makalulan na sya sa kotse
Nilingon nya ito "Yes po?"
"Fasten my seatbealt" wika nito
Kumunot ang noo ko "Imbalido lang, Boss?" asar na tanong ko
"gagawin mo ba o… - - -"
"oo na! Yan nanaman yang multiple choice na yan eh!" di na nya pinatapos to.. Alam na nya na wala din naman syang choice..
Nagdadabog na dumukwang sya dito para abutin ang seatbelt at halos magkapalitan na sila ng mukha sa sobrang lapit. Naamoy nya ang mabangong hininga nito na tumatama sa pisngi nya.. Shocks! Parang amoy ng hininga ng tuta na bagong panganak.. Haha!
Hindi nya to tinitignan kahit ramdam nya na nakatitig ito sa mukha nya. Peste! Parang gusto ko ng mabingi sa lakas ng t***k ng puso ko…
Pashnea ka Winter El Grejo! Pinapahirapan mo ang puso kong marupok! Charot!
Nang maikabit ang seatbelt ay muli syang nagsalita sa iritableng boses "happy ka dyan?" sabay irap dito
Ngumisi lang ito kaya inumpisahan na nya magdrive
Nang makarating sa coffee shop ay pinauna na nya ito pumasok para maipark ang kotse ng makakita sya ng mga kahina-hinala..
May mga naka-amerikana na itim sa paligid, naka-earpiece din at naka-shades.. Anong trip ng mga to? Karamihan sa mga ito ay nasa loob ng coffee shop. May dalawang Men in Black naman sa labas pero mga chaka na version. Haha! Yung isa ay malaki ang tenga na kalbo na may wrinkles sa noo at yung isa naman ay kalbo na mukhang sumo wrestler..
Pinindot nya ang relo nya. "Team, pa-standby." wika nya para alertohin ang mga ito
"Copy" sagot ng mga ito.
Nang maipark ang kotse ay naglakad na sya papasok sa coffee shop ng may maulinigan syang paguusap.
"Takutin nyo muna. Sundan at habulin nyo ang kotse mamaya. Tsaka na natin itutumba pag sinabi ni Bossing" wika ng isa pang Men in Black sa dalawang kasama na nakatambay sa labas matapos nito ay bumalik na din sa loob.
Nilingon nya si Winter na nasa loob ng coffee shop at kasalukuyang seryoso pa sa ka-meeting kaya paglalaruan na muna nya ang dalawang ugok na to..
Lumapit sya sa dalawa na nasa may madilim na bahagi.
"Pssst!" sitsit nya sa mga ito. Sabay na lumingon ang mga ito sa kanya at nakahalukipkip na tumayo sa harapan ko. Taray!
"Bakit?" tanong ng lalaking malaki ang tenga. Yung konti nalang papunta na sa dwende ang itsura..
"Hinahanap nyo din ba ang Dragon Ball?" tanong ko habang nakapameywang
"Huh? Anong dragon ball pinagsasabi mo?" Nagkatinginan muna silang dalawa bago bumaling sakin
"Hoy Majinboo wag ka makialam dito! Si Piccolo ang kausap ko!" duro ko sa matabang kalbo na sumo wrestler at binalingan ulit ang kasama nito
"At nagsanib pwersa pa talaga kayo ni Majinboo ha Piccolo!" sigaw ko sa kanila habang nakaduro. Gusto kong matawa sa reaksyon nila..
"Hoy babae! Umalis ka na nga rito! Nababaliw ka na!" sigaw ni Majinboo
"Hindi nyo ba ko nakikilala?! Ako si Android 18 at akin lang ang Dragon ball!" pang-famas na talaga ang aktingan ko.
Feeling ko kanina pa ko minumura ng mga kagrupo ko dahil sa mga pinagsasabi ko..
Lumapit Si Piccolo sakin at akmang itutulak ako "wait Piccolo, magkakampi na tayo diba?" wika ko habang kumapit ako sa relo nya at dinikit ang tracking device
Iwinaksi nito ang kamay ko at tinulak kaya napaatras ako ng bahagya..
Nginisihan ko sila "Humanda kayo kay Son Gokou ipapa-kamehame wave ko kayo!" sigaw ko sa kanila at tumalikod na habang malakas na tumatawa. Naiiling na nagkatinginan ang dalawa.
"Kingina ka Wolfsbane! Mamatay kami kakatawa sayo! Hayop ka!" sigaw sa kanya sa kabilang linya ni Foxglove
"Nakita mo ba ang Dragon Ball?" halos mabilaukan naman sa kakatawa na wika ni Larkspur
"Mga pakyu kayo! Ang hirap kaya umarte! Dapat talaga nag-artista nalang ako eh!"
"Mag-audition ka kay Big Brother" sagot ni Amaryllis na basag na ang boses kakatawa
"Ayy bet ko yaannn.. Ano ang tag name ko???" supportive talaga sa mga kalokohan tong mga imapaktang to eh…
"Ang Vigilanteng may sapak ng Mandaluyong" sagot ni Oleander
Sabay sabay sila nagtawanan..
"O pano, Foxglove ikaw na bahala kay Piccolo at Majinboo" wika ko dahil kita ko na palabas na si Winter
"Sure thing! Consider it done" sagot nito
Paglulan ni Winter sa kotse ay nagsalita ako "Kamusta ang lamay sa loob, Boss?"
Kunot noo naman itong sumagot "Anong lamay?"
"Dami nakaitim dun sa loob eh.. Kala ko may lamay. Yung dahil sobrang yaman nya ay nagpa-overflowing ng kape sa coffee shop dahil ang chipipay ng 3-in-1"
Tumawa ito at nilingon sya "siraulo ka talaga" sagot nito
"Aray naman! Bakit ba lahat nalang kayo siraulo ang tingin sakin? Bakit? Basilio.. Crispin… char!" pangaasar nya pa
Kita nya ang pagpipigil nito tumawa "magdrive ka na, Mi Lady. Bago pa kita ihatid sa mental pag di kita natantya" habang umiiling na abot hanggang mata ang ngiti