Mabilisan syang nagluto. Buti nalang talaga at mahilig sya sa pagluluto at nakapagaral ng culinary. Nagluto sya ng java rice, omelette, bacon at hotdog. Nag-French toast din sya ng bread
Makapagyabang ng culinary.. Yun lang naman pala niluto haha!
Nasa hapag na ang buong pamilya ng El Grejo at bago sila magsimula ng pagkain ay nagsalita na ang kanilang ina
"Mga anak, I'd like you to meet Harlene. She will be the personal assistant of your Kuya Wint" pakilala sa kanya ng ginang. "Harlene Iha, this is Autumn" turo ng ginang sa binatang katabi ni Winter na mas bata lang ng konti sa kanya sa palagay ko.
"This is Spring" turo naman nito sa babaeng dalaga. Mukha itong suplada at mataray. Tumingin ito sakin at tipid na ngumiti
"This is Monsoon" turo naman sa katabi ni Spring. Nerdy nerdy ang look nito at may makapal na salamin. Tumingin ito at tumango lang.
"And this is our baby, Summer" turo naman nito sa katabi ng ginang. Parang kasing edad ito ng namayapa nyang kapatid. Tantya nya nasa 10 years old ito. Hindi ito tumingin sa kanya at tahimik lang na nakapangalumbaba sa lamesa… Ba yan… mga ma-attitude.. Char!
Napapangiti sya sa mga pangalan ng mga ito… daig pa four seasons… sila kasi five seasons… haha!
"Nice to meet you all" turan ko nalang. "Ahm sige po ma'am, magprepare lang po ako para po sa pagpasok ni young master" wika ko
Naligo ako ng mabilis at nagbihis. Simpleng maong jeans at t-shirt na vneck na Black ang suot ko at nakarubber shoes. Tinali ko din ang buhok ko matapos patuyuin
Paglabas ko ay saktong pababa na din si Mr. Beer eyes.. Dire-diretso lang ito na tila walang nakita at sumunod na sya
"Ahm Sir, saan po ang itinerary natin?" lakas loob kong tanong
Nagulat ako ng bigla itong umikot paharap buti nalang at mabilis ako nakapreno ng lakad kundi babangga ako sa mamasel nyang dibdib… Shyete!
"Do you know how to drive?" tanong nito. Habang nakapamulsa. Seryoso naman ang mukha nito
"Yes po" sagot ko. Gusto ko sana idugtong na hindi lang ako marunong… Karerista din ako.. Kaya lang baka matakot…
Bigla nitong hinagis ang susi sakin "then drive" wika nito bago tumalikod at lumulan na sa kotse nito. Buti nalang catcher ako.. Hmp!
Sumakay ito sa backseat… Taray! Driver na driver ang peg ko… Kala ko pa naman chef lang ako… Then naging PA.. Hays! Inayos ko ang rear view mirror at nagtanong "San tayo, Boss Amo" patuyang wika nya na nakatingin sa rear view mirror
Nakasandal ito at nakapikit. "Sa El Grejo Empire Building" sagot nito habang nakapikit. Pero nagulat sya ng nagsalita ito ulit "need to be there in 30 minutes" wika nito
Gagi pala toh eh.. Ano gusto nya lumipad tong kotse??? Ang trapik pa naman sa edsa!
Sige.. 30 minutes pala ha… At nakangisi na pinatakbo nya ang kotse
"Your Majesty, we're here at our destination. You're final destination.. Char!" wika nya.
Nagmulat ito ng mata at tumingin sa relo at bumalik ang tingin sa kanya.. Nagtama ang paningin nila sa rear view mirror at nakangisi sya rito "you made it in 25 minutes?" nakakunot noo ito.. Dahil sa regular na byahe ay halos isang oras ang itatakbo nito
"the power of teleport. Joke!" wika nito. "Ano your Majesty, hindi ka pa po ba bababa?" untag nito sa amo na natulala at iniisip padin pano sila nakarating ng ganun kabilis habang sya ay nakangisi lang..
Bahala ka magisip kung pano tayo nakarating in 25 minutes.. Haha!