CHAPTER 4

887 Words
Maagang gumayak si Harleigh para sa umpisa ng misyon nila. Magiging Personal Assistant sya ng isa sa mga El Grejo. Ayon sa report, ang pamilya nito ang target ng Blue Shadow Gang. Aalisin sa landas nito ang tagapagmana para mawalan ito ng pagsasalinan at para ang mamayagpag ay ang kalaban nitong Delavin Empire na syang hawak ng Gang para magkaron ng kapangyarihan at madaling mailusot ang mga masasamang gawain. Gagawin nila itong proteksyon sa mga transaksyon nila. Nang marating ang address na binigay sa kanya ay bumaba sya sa taxi na sinakyan nya at pinagmasdan ang lugar. Wow! Napakayaman nga talaga ng mga El Grejo. Mala-mansiyon ang bahay… Ayy hindi lang pala mala-mansiyon… Mansyon talaga! Lumakad na sya palapit sa Gate. "Magandang umaga. Kuya, ako ho yung magiging personal assistant ni Mr. El Grejo." wika ko sa guard Tumayo ito at lumapit sa kanya sa Gate. "Anong pangalan mo?" wika nito sa masungit na tono. Nairita ko kaya umiral nanaman ang saltik ko.. "Pika po" sagot ko "Anong apelyido?" nakataas pa ang kilay habang nakakunot.. Attitude, koya?? "Chiu po." habang pinipigilan wag matawa "Pika Chiu?" pagbuo nito sa pangalan na binaggit nya. Naiiyak na sya sa pagpigil ng tawa "opo. Kamaganak ni Kim Chiu" pigil na pigil ang tawa nya baka makahalata ito at di sya lalo makapasok "Iha!" narinig nila na tinig ng babae na tumawag mula sa malayo at sabay sila napalingon ng guard. Agad naman tumalima ang guard at bumati. "Good morning po, Madam. Sya daw po yung magiging personal assistant ni young master" sagot ng guard "Good morning po, Ma'am" bati ko. Humanga ako sa angkin nitong ganda sa kabila ng edad nito. Mukhang strikta ang itsura pero natabunan ang impresyon na ito dahil sa pag-ngiti nito na alam nyang hindi nagkukunwari. Parang may hawig ito kay Madam Z.. "Pasok ka Iha. Dun tayo sa garden para makausap ka namin. Andun na din ang asawa at anak ko" malumanay at nakangiti nitong turan "Sige po" at Lumakad na sya pasunod sa ginang. Nilingon nya ang guard na masungit at nginitian. Bleh! "Ano nga pangalan mo Iha?" tanong nito habang naglalakad papunta sa garden "Harl--- Harlene Diaz po" shemay! Muntik na masabi totoong pangalan nya.. Whew! "Lika Iha ayun sila" at hinatak nito ang kamay nya palapit sa dalawang bulto ng tao sa garden na nakaupo sa may paikot na silya. Yung isang may edad na lalaki ay nakaharap sa kanya at agad ngumiti ng makita kami ng ginang ito marahil ang asawa nito. At ang isa naman ay nakatalikod sa kanya at nakaharap sa may edad na lalaki kaya hindi nya kita ang mukha nito… Napahinto sya. Teka! Parang pamilyar ang amoy ng pabango ng lalaking nakatalikod… "Dear, this is Harlene yung sinasabi kong magiging personal assistant ni Wint" pakilala nito sa asawa nya. "And this is Winter Iha. Sya ang magiging Boss mo. Wint anak, this is Harlene your new personal assistant" pakilala ng mommy nya. Hinatak sya nito papunta sa may gilid para makita nila ang mukha ng isa't isa Nanlaki ang mata nya! Syeteng malagkit! Sinasabi ko na eh! Juice colored! Bakit napakaliit ng mundo??! Ang hudyong nakabanggan nya ay isa palang El Grejo! Pashnea! At mukhang nagulat din ito ng makita sya dahil sa panlalaki ng napakagandang mata nitong brown na brown… "Magkakilala ba kayo?" tanong ng ginang na naglipat lipat ng tingin sa kanila. Ibubuka na sana nya ang bibig para sumagot pero mas maagap ito at sumagot "No, Ma. Hindi kami magkakilala. Right, Mi Lady?" wika nito na tumingin sa kanya ng nakangisi. Nilahad nito ang palad para makipagkamay Napilitan din syang abutin ang kamay nito at ramdam nya ang higpit ng pagdaop ng palad nila at pagpisil nito. "Y-yes po, Ma'am. Kamukha lang po pala nya yung nabasa ko minsan. Yung nabaliw tapos dinala sa mental" at ngumiti sya ng pilit at pinasingkit ang mata habang nakatingin dito. Dagling napalitan ng inis ang ngisi ng lalaki dahil sa tinuran nya. Agad nyang binawi ang kamay dahil baka ibalibag sya ng di oras.. Nakita nyang nangalit ang bagang nito.. Paktay kang bata ka! Wika ni Harl sa sarili nya. Kalma self! Winter El Grejo lang yan… Wolfsbane ka…! Pagkalma nya sa sarili Na isipan nalang nyang ibahin ang usapan "Ma'am, since first day ko po today. Baka gusto pong ipagluto ko po kayo ng agahan" wika nya "Wow! That sounds great Iha! Nakuuu, I really like you! Simula pa kanina na makita kita!" wika ng ginang Taray! Na-like na agad ako ni Madam… Parang nag-init ang pisngi ko. Dagdagan pa na nilingon din sya ng hudyong si Winter.. "Oh Gosh! So cute! You're blushing Iha!" habang nakatutop sa dibdib nito at tuwang tuwang nakatingin sa kanya Masaya ka dyan, Mrs. El Grejo?? Isip nya.. At wala sa sarili na napahawak sa pisngi nya "Dear, stop teasing her."awat nito sa asawa "Sorry Iha. Natutuwa lang ako. Sige na pwede ka na magstart magluto at mamaya ipakilala na din kita sa mga kapatid ni Wint" wika nito na hindi pa din nawawala ang ngiti nito.. Taray.. Meet the whole family ang peg.. At sinamahan sya nito papasok sa loob at pinakilala sa mga kasambahay
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD