CHAPTER 3

791 Words
Wolfsbane's POV Kasalukuyan silang nasa Bar ngayon. May minamanman silang posibleng mga myembro ng Gang na hinahanap sila. Sa bagong hideout na nila ilalatag ang plano pag nakumpirma na nila Kasalukuyan syang sumisimsim ng alak habang magisang nakaupo sa couch dahil ang apat na kasama ay nagmamanman sa paligid at nagiikot. Hanggang sa parang may nararamdaman syang nakatitig sa kanya. Sa lakas ng senses nya kaya nyang gamitin ang limang pandama nya ng mas higit kaysa sa mga ordinaryong tao. Dagli syang lumingon sa pinanggagalingan nito at napatda ng magtama ang paningin nila ng lalaking nakabanggaan nya kanina! Ang hudyong to! Sinusundan ba ko nito?! Binigyan nya ito ng nakamamatay na tingin. Kung totoong nakamamatay nga ang tingin ay malamang kanina pa ito bumulagta. Nginisihan lang sya nito at kumindat. Anak ng Leche Flan! Bakit ang gwapo ng pagkindat nya??? Pinilig nya ang ulo para palisin ang kalandiang namumuo sa pagkatao nya haha! Sakto nagdatingan ang mga kasama nya at nabaling sa mga ito ang atensyon nya. Positive, may mga myembro ng Gang na hinahanap namin dito. Kailangan na namin pumunta sa hideout para makapagplano Nagsitayuan na ang mga kasama ko at naglakad palabas pero nakaisip nanaman ako ng kalokohan para makaganti sa lalaking pangisi ngisi at pakindat kindat sa kanya… Tignan natin kung makakangisi at makakindat ka pa nito… (Evil laugh!) haha! Dagli nyang dinampot ang baso na may lamang alak at nilagyan ng sangkaterbang yelo. Buti at hindi nakatingin dito ang lalaki.. Mabilis syang naglakad papunta sa upuan ng mga ito at nagkunwaring natalisod.. "Ohhhh!" wika nya habang nakatutop sa dibdib nya ang isang kamay matapos nyang ibuhos dito ang alak na punong-puno ng yelo Napatayo ito sa lamig ng alak na tumapon sa kanya "f**k!" sigaw nito "f**k f**k your face! Bleh!" nagbelat pa sya dito bago kumaripas ng takbo habang tumatawa Naabutan nyang hinihintay na sya ng mga kasama sa labas. "Tara na bilis sakay na!" pagmamadali nya sa mga kagrupo nya "Nyare sayo, Wolfsbane?!" nagtatakang tanong ni Foxglove habang ngumunguya ng bubble gum "wala naman. Naka-strike two lang ako" habang nakangisi ng napakalaki "share mo yan para naman makarelate kami. Abnormal to" nakairap na wika ni Amaryllis bago pinaandar ang sasakyan "tsismosa! Magdrive ka na!" nakairap na utos nya dito Humimpil sila sa isang abandonadong ospital. Literal na para kang nasa horror movie ang itsura. Madilim at lumang luma na ang building. Sumampa sila sa may bukas na bintana at naglakad papasok. Twing may bagong misyon sila ay nagpapalit sila ng hideout "Tangina, Oleander wala bang mas creepy pa dito sa hideout na pinili mo? Konti nalang pakiramdam ko may hihila nalang bigla sa paa natin dito eh!" reklamo ni Amaryllis Tinignan lang sya ni Oleander sa blangkong ekspresyon at tinapatan saglit ng ilaw ng flashlight. "perfect hideout to, walang makakakita" sagot nya "wala ngang makakakita pero baka tayo meron makita dito ng di oras!" segunda ni Foxglove Ngumisi ito. Abnormal talaga to si Oleander. Sa kanilang lima eto ang napakaweirdo. Siguro dahil na din sa genius ito at hindi namin masabayan ang trip nito Huminto kami sa harap ng isang kwarto na ang nakalagay sa taas ay " Morgue" "Anak ng Putspa! Oleander, morgue talaga? Ano bang trip mo?" singhal ni Larkspur. Diko na talaga magets ang trip nito. Kakakilabot na! Nilingon ko si Oleander at ngumisi lang ito. Creepy talaga netoh… Juice colored! "Mga abnoy talaga kayo. Katatapang nyo humarap at makipagpatayan sa mga gang at sindikato tapos sa multo para na kayong maiihi sa mga panty nyo?!" pangaasar ko. Pero Kinikilabutan na din ako.. Haha! Dahan dahang binuksan ni Oleander ang pinto.. Lintek! Halos di kami humihinga dahil sa pag-ingit ng pinto habang binubuksan nito. Yung pakiramdam na parang may zombie na biglang dadamba samin pagbukas ng pinto haha! "Kingina ka talaga Oleander! Pakiramdam ko nasa walking dead ako!" singhal ni Amaryllis Nang mabuksan ang pinto ay diretsong pumasok si Oleander at sumunod na kami. Mga ref ng patay ang nakita namin sa loob pero pumunta ito sa may sulok at may pinindot. Bumukas ang pader! Hanep! May makipot na hagdan pababa. Napanganga kami sa itsura pagdating namin sa dulo ng baitang… Isang napakagandang laboratory! Malamang dito sya nagsasalin salin ng mga likido na pinageeksperimentuhan nya. "Grabe! Iba na talaga matalino! Ano vitamins mo?!" pangaasar ni Foxglove "Not the vitamins. Its the genetic make up from my parents. They had the best chromosomes" sagot nito Putragis! Minsan kailangan mo talaga ng may WiFi pag kausap si Oleander para ma-search mo agad ano pinagsasabi… Haha! Nagumpisa na sila maglatag ng plano. Ang Blue Shadow Gang ang misyon nila ngayon. Ang muling nagbabalik na Blue Shadow Gang na napatumba nila tatlong taon na ang lumipas at ang pumatay sa nagiisang kapatid nya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD