"Palubog na ang araw, ate. Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ng kapatid sa kanya habang nakatitig pa rin siya sa pinaglibingan ng ina. Ayaw sana niyang umalis dahil mabigat pa rin ang dala niya sa dibdib. Ngayon siya nangungulila sa Inay niya. Alam niyang kahit anong iyak niya ngayon ay hindi niya na ito makakapiling. At marami siyang pinagsisisihan sa mga nangyari. Inuna pa niya ang pag-ibig niya kay Renzo kaysa ang pamilya niya. Isinumpa niyang hinding-hindi niya na puputulin niya na ang anumang pisi na pwedeng magdugtong sa nakaraan nilang dalawa. "Kailangan na nating umuwi, Einna. Kailangan mo na ring ayusin ang sarili mo dahil baka makasama sa dinadala mo ang palagi kang malungkot. Sigurado naman ako na masaya na ang Inay mo kung saan man siya naroroon ngayon," wika naman ni Tiya Ghin

