CHAPTER THREE

1172 Words
THALLIA Napahikab na lang ako sa sobrang boring ng klase, ayy nako parang nakikinig lang ako ng bedtime stories eh. Narinig ko namang medyo napatawa si Bianca sa tabi ko. Ngumiti na lang ako sa kanya at napailing. After ng nakakaboring na klaseng yun ay break time na, nagsimula naman ng mag-ingay ang kaklase ko. "Anong baon mo ngayon Thallia?" Tanong sakin ni Bianca habang inilalabas ang lunchbox nya, napansin ko rin palapit na sa amin si Chloe para makisabay. "Sandwich lang, ayoko muna ng kanin eh mabigat sa tyan." Sagot ko sa kanya at inilabas na rin ang lunchbox ko. "Ok musta kayong dalawa?" Tanong ni Chloe ay umupo na sa harapan namin. Ngumiti naman si Bianca at sya na ang sumagot, ako naman nagsimula ng kumain. Nagkwentuhan lang kaming tatlo dun hanggang matapos na ang break time. Ang next ay Homeroom na, makikita ko nanaman ang sobrang bait naming class adviser. "Okay class, I have something to tell you. Inurong ang date ng inyong School Camping sa Baguio City, imbes na sa susunod pang buwan gaganapin na ito next week. Alam nyo namang 3 days and 2 nights ang stay natin dun kaya sana mag-enjoy kayo." Anouncement ni Mam sa lahat, nagsigawan naman ang mga kaklase kong parang nakawala sa hawla, sabay na lang kaming napailing ni Bianca. "Anong plano mo sa trip Thallia, sasama ka ba?" Tanong sa akin ni Bianca habang nangalumbaba. Walang teacher ngayon kaya Free time, masaya na sana kung hindi lang sila sobrang ingay. Sila Yesha nagkakantahan ng wala sa lugar, tapos sila Doven naman nagsasayaw na parang mga shunga lang. Ang trip naman nila President at Anthony pagigitara na ang sakit sa tenga. Haaaayyy. "No choice naman ako lalo na at may attendance pa yun. Ayoko nga sanang sumama eh, sana nga lang hindi ako mabored dun." Sagot ko sa kanya at napahalumbaba din. "Oo nga eh, saka sa tingin ko boring kasama ang mga classmate natin." Bulong naman nya sa huli nyang sinabi at medyo napatawa pa. Napatawa na lang din ako at sumang ayon sa kanya. Oo nga naman, lalo na hindi naman namin sila ganun kaclose si Chloe close nya pero ako hindi. At ang magaling naming guro ay hindi talaga nagpakita hanggang sa huli, hindi naman sa ayaw ko yun, pero sayang din kasi yung ituturo nya. Tulad ng dati sabay na kaming tatlo umuwi, pagdating sa bahay diretso agad ako sa kwarto, nagbihis at humiga na. Nakakaboring talaga ang life ko, napailing na lang ako at kinuha ang cellphone ko. Magbabasa na lang ako kesa tutunganga ako. 09******** bhe tuloy ba tayo? ---- Nakita kong text ni Chloe, napakunot naman ang noo, kelangan pa bang tanungin yun. 09******* Natural beh, bakit hindi ka ba sasama? ---- Reply ko sa kanya at napatingin sa kisame, ano nanaman kayang pakulo ng babaeng yung at nagtatanong pa kung tuloy o hindi. 09****** Ah hehehe sasama ako, sobrang excited lang talaga ako kaya kinoconfirm ko lang, ngayon lamg tayo sasama sa mga ganyan eh. ---- Napailing na lang ako at nireplyan syang matulog na at baka mapuyat sya sa sobrang excited sa school camping namin next week. Pagdating ng dinner lumabas na ako at kumain, pagkatapos nagkulong ulit sa kwarto at nagbasa. Wala ba talagamg katrill thrill ang buhay ko? -the next day- Medyo pahikab hikab pa akong naglalakad sa hallway, buti ngayon hindi ako late dahil ang aga kong nagising. Habang naglalakad narinig ko agad ang ingay ng mga kaklase o sa clasroom, grabe ang aga aga pa ang ingay na na nila. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at napakamot na lang sa ulong pumasok sa loob. Ang agad namang bumungad sa akin ay parang isang palengke, nakapalibot ang lahat sa gitna at pinapanood ang madramang sagutan nila. Okay? Anong meron? Pumunta naman ako sa likod kung nasaan ang upuan ko ng makita ko si Chloe na nakaupong nagcecellphone dun at si Bianca na nakatingin sa bintana. Lumapit na ako dun at umupo na sa upuan ko, napakunot naman sa akin si Bianca at ngumiti. "Hi Thallia! Aga mo ngayon ah." Bati nito sa akin at tumawa ng mahina. Napatawa din ako at napailing na lang, napalingon naman sa gawi ko si Chloe at tinaasan ako ng kilay. Tinaasan ko rin sya ng kilay, inayos ko ang pag upo ko at humarap sa kanya. "Oh? Anyare?" Tanong ko at napasandal na lang. "Kas---" sasagot na sana sya ng bigla syang napatigil dahil masyadong malakas na ang sagutan nila. "Hindi Yesh. Eh. Alam ko namang matalino ka wala naman akong angal dun eh. Yung akin lang naman yung tingin mo sakin." Naiiyak na sabi ni Junie. Okay. Ano ba talagang meron? "Hindi naman yun-" "Hindi yun yung alam ko aminado akong bobo ako pero yung pinapamukha mo pa sakin ang sakit kaya nun." Putol ni Junie sa sinasabi ni Yesha. Napatingin ako kay Chloe na nakatingin din dun. Nakita kong papalapit si Chie samin. Nakita ko namang tinaasan ni Chloe ng kilay si Chie. "Wag nyong intindihin yang drama nila." sabi ni Chie. Sabay upo sa harap ko. "Bakit ba?" walang ganang tanong ko kay Chie. "Nagkasagutan kasi si Nelyn at Junie kanina. Kaya nag open purum sila hanggang sa naglabasan na sila ng sama ng lood ganun." Paliwanag ni Chie. "Chie tawag ka ni idol mo." napatingin ako kay Chloe nang nagsalita sya. Tumayo si Chie at pumunta kay Yesha. Napatingin ako kay Chloe dahil sa sinabi nya. "Ah. Nagkapikunan pala sila" patango tangong sabi ni Bianca. "Hahaha! Hindi naman na big deal yan eh." natatawang sabi ni chloe. Napailing na lang ako sa kanila, kapag hindi ka talaga totoo sa pakikisama mo hindi mo malalabas ang tunay na nararamdaman mo. Dahil nagpaplastikan lang sila, hindi mo talaga maiiwasang may samaan ng loob. Tumahimik naman na sila ng dumating na ang teacher namin. *bell rings* Napatayo na ako at napaunat, haay what a day. "Lika na." Dating naman ni Chloe at nakabored look din sya. Ngumiti naman si Bianca sa kanya. "Wag mo ng isipin yun Chloe." Sabi ni Bianca at tinapik na lang sya sa balikat, nakita ko namang naparoll eyes si Chloe. "Duh! Wala naman akong pakelam dun no, di ko naman ikayayaman yun." Sabi si Chloe at nagroll eyes nalang. Haay naku talaga, pagkatapos namin mag-ayos sabay sabay naman na kaming lumabas, nadaan pa nga namin ang grupo nila Nathan, Raca, Joey, Drill, Anthony, at Doland. Pagkadaan namin sinipulan nila si Bianca, pero hindi na namin pinansin, nagsalita pa nga si Raca eh, lalo tuloy syang nagmukhang mukhang idiot. "See you sa Monday na lang ahh, kita na lang tayo sa bus." Sabi ni Bianca. Tumango naman kami ni Chloe at bago pa sya umalis nagwave pa sya. Tumuloy naman kami sa paglakakad hanggang turn ko na magpaalam. "Geh Chloe, monday na lang. Bye." Sabi ko at nagwave na lang habang naglalakad. Tumango na lang sya ta nagtumbs up. Ano kayang pwedeng gawin sa School camping? First time ko pa naman to kung sakali, medyo naeexcite tuloy ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD