Hindi ako nakaimik. Dahil may katotohanan naman lahat ng sinabi niya. Maya maya lang ay lumapit sa akin ang bakla at bigla akong inumbahan ng suntok. Dahil abala ang isip ko sa pinaggagawa ko kay Caddy ay hindi ako nakaiwas. Sapul ang kanan kong pisngi. Damn ang lakas manuntok ng baklang to. Nawalan ako ng balanse, mabuti na lang at nasa tabi ko si Rico na biglang umalalay sa akin. "F*ck! What are you doing. Baka gusto niyong mawalan ng trabaho?" inis na sabi ni Rico sa dalawa. "Isa ka pa. Baka gusto mong magkabilaang sampal din." sagot ni Rica na galit na galit din. "Magkaibigan nga kayong dalawa ng amo mong ito. Kinukunsinte mo ang ginagawa nitong kaibigan mo kahit mali." "And for your information. Hindi kami natatakot mawalan ng trabaho. Maraming nangangailangan ng serbisyo namin

