Lumabas kami ng pampublikong ospital nang bigo. Kasalukuyan kaming pabalik ng hotel. Galing na kami sa bahay ng mga magulang ni Caddy ngunit tulad ng huli kong punta doon ay walang katao tao. Ganon din sa pwesto nila sa tindahan. Simula noong umalis sila ay hindi pa daw nakakabalik ang mga ito doon. Saan pa ba sila maaaring pumunta? Hawak hawak ko ang aking sintido habang nakapikit dahil sumasakit na ito kakaisip ko sa kanya. Alalang alala na ako sa kalagayan niya. "Subukan nating magtanong doon sa mga kasamahan niya sa hotel. Baka sakaling may alam sila." untag sa akin ni Rico. Tumango lamang ako. Hindi na ako nagsalita dahil abala ang isip ko kakaisip ng mga lugar na maaari nilang puntahan. Pagpasok namin ng hotel ay nakasalubong namin si mommy na palabas na. "Iho buti at nandi

