Matapos kong makausap si Aling Marta ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Iba talaga kapag may nalalabasan ka ng problema mo. Isa pa ay matanda na si Aling Marta, marami na siyang karanasan kaya siguro ang galing niyang magpayo. Pagkatapos kong maglinis sa kwarto ay naligo na ako. Saktong nagbibihis na ako ay tumunog ang telepono ko. Dali dali akong tumungo sa side table ng kama kung saan nakalagay ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay agad ko itong dinampot at sinagot. "Yes. Any update?" "Sir positive. Your wife is here. I'll send you a video." "Okay." Ilang saglit lang mula pagkababa ng tawag ay tumunog na ang telepono ko. Dali dali kong binuksan ang video na pinadala ng tauhan ko. Humihigpit ang hawak ko sa telepono habang pinapanood ko ang video. Gusto ko ito

