LANDER'S POV
Hindi ako makapaniwala na ang masaya naming pagsasama ng asawa ko ay bigla bigla na lang masisira. Wala akong kahina hinala na may balak pala siyang iwanan ako. Hindi ko man lang yon napansin sa mga kilos niya. Maliban sa nitong mga nakaraang araw ay palagi niya akong tinatanggihan pero bukod doon ay wala na. Ramdam ko naman ang pagmamahal niya sa akin pero bakit nakuha niyang iwanan ako.
Sa dalawang taon naming kasal ay wala akong matatandaan na meron kaming malaking pinagtatalunan. Oo may mga tampuhan kami paminsan minsan pero normal naman sa mag asawa yon. Mahal na mahal ko siya at ramdam ko rin na mahal na mahal niya ako.
Masaya pa nga kami kagabi habang may nagyayari sa amin. Ganoon din kaninang umaga bago ako umalis patungong opisina. Naglalambing pa nga siya sa akin at niyakap pa ako na para bang ayaw na akong pakawalan pa.
Masayang masaya ako kaninang tanghali habang nagmamadaling umuwi. Dapat ay sa hapon pa ako uuwi pero sobrang namiss ko na siya agad. Gustong gusto ko na siyang makita at makasama. Balak ko pang sorpresahin siya pero hindi ko akalain na ako pala ang masosorpresa sa madadatnan ko.
Gulat na gulat ako nang maabutan ko siyang lumabas ng kwarto na hila hila ang maleta. At mas lalo akong nagulat nang sabihin niyang kailangan niyang umalis at pabayaan ko na lang siya.
"What the hell! Anong kasalanan ko?"
Ilang beses ko siyang tinanong kung ano ang nagawa ko o naging kasalanan ko para magdesisyon siya ng ganon. Ngunit wala siyang maisagot. Ang sabi niya ay mahal niya ako. Hindi ako nagkulang at wala akong mali. Ngunit bakit iniwan niya ako?"
Kahit anong pakiusap ko ay ayaw niya akong pakinggan. Litong lito ako sa mga nangyayari. Hindi ko matanggap na sa ganito lang mauuwi ang masaya naming pagsasama kaya naibato ko lahat ng gamit ko dito sa loob ng kwarto sa sobrang pagkabigo.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako. Gusto kung magwala. Gusto kong samigaw ng sumigaw upang maibsan ang bigat na nararamdaman ko.
"Why honey? why..?"
Napahilamos na ako sa aking mukha. Kahit anong piga ko sa utak ko ay wala talaga akong maisip na dahilan maliban sa isa.
Ang meron siyang iba. Yon lang ang tanging alam ko kung bakit nagawa niya akong iwan.
Pero bakit sinabi niyang mahal niya ako? Oh f**k! hindi ko alam kung anong iisipin ko.
*********
Hatinggabi na nang may tinawagan ako para hanapin ang asawa ko. Mukhang wala talaga siyang balak umuwi. Mag uumaga na ng tumawag ang inutusan ko.
"Sir goodmorning. Confirm nasa isang hotel dito malapit sa airport naka check in ang asawa niyo."
"What! what is she doing there? May kasama ba siya?"
"Yes sir. Isang lalaki."
"f**k!" naikuyom ko ang kamao ko. Ito ba ang sinasabi niyang mahal niya ako? Gayong niloloko niya lang pala ako. Damn it! Naninigas ang panga ko sa sobrang galit.
" Anong gagawin ko ngayon sir?"
"Magmanman ka lang. Alamin mo kung saan sila pupunta pagkalabas nila ng hotel. Update me as soon as possible."
"Copy sir."
Pagkababa ng tawag ay tumayo ako at palakad lakad sa loob ng kwarto. Pabalik balik lang ako habang sapo sapo ko ang ulo ko. Hindi ko man lang alintana ang mga basag na gamit na nagkalat sa sahig. Ang balak ko sanang puntahan siya at pauwiin dito sa bahay ay biglang naudlot.
"Bakit mo nagawa ito sa akin Caddy? I thought your different from others. Pero pareho ka rin nila."
Mula noong naging kami noong gumraduate kami ng college ay wala akong nababalitaan na lalaking nainvolve sa kanya. Merong mga nanliligaw sa kanya pero siya na mismo ang umiiwas. Hindi siya nakikipagclose sa mga lalaki dahil ayaw niyang iyon ang magiging dahilan nang hindi namin pagkakaunawaan. Ngayon lang nangyari ito.
Habang tumatagal ay unti unting lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya dahil kahit minsan ay hindi siya gumawa ng mga bagay na pwede naming ikasira.
In short she's a wife material. Wala akong masabi pagdating sa kanya. She's almost perfect in my eyes. Ganon naman talaga siguro. Kapag mahal mo ang isang tao ay nagiging perpekto ito sa paningin mo. Ang babaeng tulad niya ang gusto kong makasama habang buhay kaya hindi ako nagdalawang isip na yayain siyang magpakasal.
Ako bilang asawa niya ay ginawa ko ang lahat para hindi niya pagsisihan na ako ang pinili niyang pakasalan. Pinatunayan ko sa kanya na hindi man ako perpekto ay sapat na para maging mabuting asawa sa kanya.
Umaga na pero hindi ako kumilos para pumasok sa opisina. Nakahiga lang ako sa kama. Kung dati ay ganadong ganado ako sa buhay ngayon ay bigla akong nawalan ng gana.
Hindi man lang ako nakatulog kakaisip sa asawa ko.
Sumasakit na ang ulo ko. Gusto kong matulog pero ayaw akong dalawin ng antok. Isa pa ay hinihintay ko ang update tungkol sa asawa ko. O kung asawa ko pa nga ba siya.
Mukhang ako na lang kasi ang nag aassume na mag asawa pa rin kami. Habang ako ay nagmumukmok dito sa kwarto namin siya naman ay nasa isang hotel kasama ng ibang lalaki. "Damn!" nakakababa ng p*********i.
Isang katok sa pinto ang biglang nagpamulat sa aking mga mata.
Dali dali akong bumangon at tinungo ito sa pag aakalang bumalik ang asawa ko. Pero laking dismaya ko ng si Aling Marta ang nabungaran ko.
"Sir goodmorning.. ito po dinalhan ko po kayo ng mainit na sabaw."
"Salamat Aling Marta pero wala akong gana."
"Sir kahapon pa ho kayo hindi kumakain. Baka magkasakit na ho kayo. Humigop ho kayo ng sabaw kahit kunti para mainitan ang tiyan niyo."
Napabuntong hininga ako. Mabuti pa si Aling Marta at nag aalala sa akin.
"Sige po. Ilagay niyo nalang po doon sa mesa."
"Sus maryosep. Bakit naman binasag mo na lahat ng gamit iho." puna niya nang makapasok sa loob ng kwarto.
"Sandali at lilinisin ko ito."
"Huwag na ho Aling Marta. Hayaan niyo na po yan."
"Naku iho hindi puwede. Masusugatan ka ng mga to. Sige na higupin mo na yong sabaw. Mamaya ay dadalhan ulit kita ng makakain mo."
"Aling Marta wala ho ba kayong napunang kakaibang kilos ng asawa ko nitong mga huling araw." naisipan kong itanong sa kanya.
Siya ang nakakasama ni Caddy dito sa bahay kaya mapapansin niya kung may kakaiba itong kinikilos.
"Wala naman iho. Kaya nga nagtaka ako kahapon ng bigla siyang umalis. Akala ko ay nag away kayo."
"Wala kaming pinag awayan Aling Marta. Hindi ba siya umaalis ng bahay?"
"Paminsan minsan ay nagpapaalam siyang aalis. May bibilhin lang daw na gamot pero bumabalik naman kaagad."
"Tsaka napapansin ko pala nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang matamlay. Hindi na nga halos lumalabas ng kwarto niyo. Sumisigla lang iyon kapag nandito ka. Naabutan ko din siya minsan na palihim na umiiyak. Iho hindi kaya may problema ang asawa mo?"
"Tinanong ko siya Aling Marta pero wala naman siyang sinasabi."
"Baka ayaw niyang madamay ka pa iho. Minsan kasi kaming mga babae, hangga't kaya namin at sinasarili na lang namin. Hayaan mo at babalik din yon."
Bigla akong nagkaroon ng pag asa sa sinabi ni Aling Marta.
"Sige na at lumalamig na yong sabaw. Lilinisin ko lang itong pinagbabasag mo. Hay nakung bata ka. Ganun talaga ang mag asawa iho. Hindi laging puro saya. Marami pa kayong mapagdadaanang problema. Gusto mo bang abutan ka ng asawa mo sa ganitong kalagayan. Gusto mo bang siya pa ang maglinis nitong mga kalat mo. Baka imbes na bumalik e aalis nalang muli."
Bigla akong kumilos ng marinig ang mga sinabi niya. Parang bigla akong nagkaroon ng energy.
"Ako na pong maglilinis Aling Marta. Ikuha mo na lang po ako ng dustpan at walis."
Nakita kong umiling iling siya.
Habang hinihigop ko ang sabaw ay muli siyang nagsalita.
"Alam mo bang tumawag siya kahapon"
Bigla akong napatingin sa kanya.
"Tumawag?"
Tumango siya sa akin tsaka nagsalita.
"Tumawag siya habang nagbabasag ka ng mga gamit dito kahapon. Ang sabi niya huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo. Ayaw na ayaw niyang may mangyaring masama sayo."
"Talaga ho?"
"Oo. Ang sabi niya huwag kong sabihin sayo na tumawag siya. Pero mukhang kailangan mong malaman para matauhan ka."
"Sinabi niya ho ba kung bakit siya umalis."
"Hindi iho. Ang sabi niya ay maiintindihan din natin balang araw kung bakit niya ginawa ito. Pero huwag kang mag alala dahil sinabi niya sa akin na mahal na mahal niya ang asawa niya. Kaya huwag na huwag mong isipin na hindi ka na niya mahal."
Napangiti ako at nabuhayan ng loob sa sinabi ni Aling Marta.
"May mga bagay lang siguro na kailangan niyang gawin iho."