Agad akong nagligpit at lumabas ng opisina pagkatapos naming mag usap ni Mr. Perez. Sana ay nandoon nga si Caddy sa lugar na sinasabi ng kaibigan niya. Sana ay pagbigyan na ako ng Diyos sa pagkakataong ito. Kung sana ay sinabi ni Rica noong una pa lang na alam niya kung saan pwedeng naroroon si Caddy, sana ay napuntahan na namin ang lugar na iyon. Pero hindi ko rin naman siya masisisi. Naiintindihan ko siya. Pinoprotektahan niya lang ang kaibigan niya laban sa akin. Ang pagkakaalam niya kasi ay puro pasakit lang ang binibigay ko sa asawa ko. Natutuwa nga ako na nakatagpo si Caddy ng mga kaibigang tulad nila. Sa panahon kasi ngayon ay bihira na lang ang mga totoong kaibigan. Napakaswerte mo na kapag meron ka nito. Akala ko kanina ay kung ano ang hihingiin niyang kondisyon. Akala ko n

