Chapter 46

1357 Words

Ayaw ko man siyang kausapin ay wala na akong magagawa. Wala naman na akong lakas para umiwas pa. "Bakit ka naririto? May kailangan ka ba?" kalmado kong tanong sa kanya. "Hindi ba puwedeng dalawin ka?" Napangiti ako ng hilaw sa sinabi niya. "Bakit mo ako dinadalaw? Para ba siguraduhin na mamamatay na ako." "Uuhhm.. Sabihin na lang natin na ganun na nga." mataray niyang sagot. Mahina lang ang pagkakasabi niya para hindi marinig ni manang na ilang dipa lang ang layo mula sa amin. "Don't worry Sabrina. Malapit ng magkatotoo yon." "Naiinip na ako eh. Ang tagal mong mamatay. Ilang taon na kaya akong naghihintay." Lumingon siya sa paligid tsaka muling humarap sa akin na nakangisi. Yumukod siya tsaka bumulong sa akin. "Ano kaya kung tapusin na lang kita ngayon? Puwedeng puwede yon diba.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD