Kasalukuyan kaming bumibyahe patungong Aurora Province. Nagpaiwan sila Eric at Rica dahil baka gagabihin na pauwi. Susunod na lang daw sila doon sa weekend. Isa pa hindi rin ako sigurado kung makakauwi ba ako agad. Iniwan ko ang sasakyan ko at sumabay na lang ako sa ama ni Caddy. Tinawagan ko ang driver ko para kunin ang sasakyan sabay sundo na rin kina Eric at Rica. "Kung hindi ko lang kailangan ng tulong mo ay hindi na kita hahayaang makita pa ang anak ko." sabi ng ama niya habang nagmamaneho. "Pasensya na po at salamat pa rin dahil pinagbigyan nyo ako. Kahit labag sa loob niyo." "Pasalamat ka at may pagkakamali rin ang anak ko. Bago sila umalis noon ng bansa ay tutol ako sa gusto ng anak kong huwag ipaalam sa iyo." "Kaya lang ay nakiusap siya sa amin ng mommy niya. Ayaw ko naman na

