"Bakit ba may pa-flowers ka na naman?!" inis niyang wika kay Wael nang dumating ito kinabukasan. Bukod sa sangkatutak na pagkain ay may bouquet na rosas pa itong dala. At alas sais ng umaga talaga ito dumating. Nakatapis pa siya ng twalya dahil manipis na pantulog lang ang suot niya. Tulog pa kasi si Sabel dahil ang sabi niya'y huwag na itong magluto ng almusal. Dadalhin rin niya si Ivan sa opisina para makapag-day off naman ito. "This isn't for you." "Anong hindi sa 'kin?! Alangan namang bibigyan mo ng bulaklak ang anak mo? Lalaki 'yun no." Kinuha na rin niya ang bulaklak dahil maraming bitbit si Wael. Pang buong maghapon yata nilang kakainin 'yun. "Para sa yaya ni Ivan 'yan. Di ba sabi mo dalaga pa 'yun?" Isang pigil na ngiti ang pinakawalan nito. "Sinabi mo 'yan ha!"

