"Sigurado ka bang okay ka lang na kasama si Wael?" nag-aalalang tanong ni Norma nang tawagan niya ang kaibigan. Nasa opisina siya para pag-aralan ang financial status ng kompanya. Si Wael ay kasama ang anak sa opisina nito at nagpresentang alagaan ito maghapon. "Siguro malaking bagay talaga na magkaibigan kami noon pa. Kaya kahit anong panlalandi niya ngayon sa 'kin nagagawa ko lang balewalain." Naikwento niya sa kaibigan na gustong bumalik ni Wael sa buhay niya. "Hmmm... Yun nga lang ba?" "Oo naman..." "Baka naman kinikilig ka pa riyan, Ivy Argueles ha! Naku, kukurutin ko talaga 'yang singit mo! Masuwerte ka na kay Harry, huwag ka nang magkamaling bumalik kay Wael." "Hindi nga..." "Kailan ba ang dating ng fiancè mo? Nang dumistansya na 'yang Wael na 'yan. Kapag nagkit

