Hindi niya maipaliwanag ang damdaming bumalot kay Ivy nang pahirin ni Wael ang gilid ng mata. "H-hi..." Pinilit nitong ngumiti tapos ay kinarga ang anak na atubiling sumama naman sa ama. "Kailangan na natin siyang dalhin sa clinic ni Dr. Lopez. Hihintayin niya tayo doon." "Mommy---" "It's alright, baby, I will come with you." Sinabihan niya ang yaya na maghintay na lang sa bahay dahil kasama naman niya si Wael sa pagdala kay Ivan sa doktor. Kinuha ni Wael ang bag na nakahanda kung saan naroon ang gatas at ilang damit ng anak nila. Karga pa rin ng isa nitong braso si Ivan. "Malapit lang ba ang clinic ng doktor na sinasabi mo?" tanong niya pagsakay nila sa kotse. "Yes. Just half hour away from here. Bibilisan ko na lang ang pagda-drive." "Baka naman mabangga tayo sa bilis na s

