Nickolas "Kaya mo pa ba mag-drive, Hon,?" bulong na tanong ni Elizabeth sa kanya habang nakasandal ito sa balikat niya. Tiningnan niya ito saka inakbayan ito. Hindi maganda ang naging takbo ng meeting kanina. Gusto sana niya pumunta sa bar para uminom pero mas pinili niya na puntahan si Elizabeth. Hindi lang dahil sa nangako siya rito pero kapag kasama niya ang dalaga ay nare-relax siya. Hindi niya inaasahan na makita niya si Roy doon at lalong hindi niya akalain na magkaka-usap silang dalawa. "Kaya ko pa naman Hon kaya huwag kang mag-alala," sagot niya rito at tumingin ito sa kanya bago tumango. Pagkalipas ng ilang oras na pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ni Elizabeth ay nag-aya ito na uuwi na sila. Lasing na lasing na kasi si Gem at sila na lang din naman ang natira sa party.

