Elizabeth Nagising siya dahil sa masarap na amoy ng longganisa at fried rice. Bigla niyang naalala na araw nga pala ng linggo na kadalasan ay set-up nila ni Nickolas. Ang set-up nila ay it's either siya ang matutulog sa condo nito or ito naman ang matutulog sa bahay nila kapag araw ng linggo. Nagiging madalang na kasi ang pagkikita nila dahil sa sobrang busy nilang dalawa. Nabawasan na ang mga araw na magkasama sila at kadalasan ay sa phone na lang sila nakakausap nito. Hindi na siya tumutol sa suggestion nito na dapat ay magkasama sila buong araw ng linggo dahil wala na nga silang oras sa isa't isa. "Hay ang sarap naman ng ganito." sabi niya habang umuunat. Pagkabangon ay dumiretso na muna siya sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. May mga gamit na rin siya sa condo nito kaya ka

