Elizabeth Tinawagan siya ng kapatid niyang si Gem para sabihin na nagkayayaan ang lahat na lumabas mamayang gabi. "Couple Night" daw 'yon kasi lahat sila ay kasama ang mga partner kaya dapat hindi sila mawala ni Nickolas. Nasa client meeting pa siya kaya tinawagan na lang niya si Nickolas para ipaalam ang sinabi sa kanya ni Gem at pumayag naman ito. Napagkasunduan nila na roon na lang sila magkita sa Bar dahil pareho nilang hindi alam kung what time matatapos ang appointment nila. "Bakla, nasaan ka na?" sigaw na tanong nito pagka-sagot niya sa phone at napangiwi siya dahil sa tinis ng boses nito. Katatapos lang ng appointment niya at halos kasasakay lang niya ng taxi nang tumawag ito. Pinahiram na muna niya kay Kim ang sasakyan na dala niya kanina. Kailangan pa niya ilayo ng konti ang

