Nickolas "Good afternoon Sir, your sister on line three," pag-inform sa kanya ng sekretarya niya. Ilang araw na siya dito sa Canada at kahit paano ay expected na niya ang maabutan niya rito. Na guilty siya dahil pinabayaan niya si Jay na mag-handle ng lahat ng problem sa kumpanya nila. Naiintindihan niya kung bakit hindi nito sinabi sa kanya ang lahat. Pagdating niya ay pinagusapan nila ang tungkol sa sitwasyon niya. Hindi ito pumayag na bitawan niya ang kumpanya na pareho nilang pinaghirapan. Ang suggestion nito ay gawin na affiliate o associate ang kumpanya nila ng kumpanya ng Dad niya. Naisip na rin niya ang bagay na iyon pero hindi niya inaasahan na si Jay pa mismo ang magsasabi noon. Hindi magiging madali at marami ang mababago kapag nagkataon. Kailangan nilang pag-isipan mabuti an

