Nickolas "What exactly are you doing, Nick?" tanong ni Auntie Ellena pagpasok nito sa office niya at napatingin siya rito. "Do you plan on telling me everything? Maybe you're expecting that I'll barge in here once the news gets to me," dugtong nito. Kasalukuyan siya na pumirma sa mga papeles na ibinigay ni Angel sa kanya. Kailangan niya maayos ang lahat ng iyon bago siya umalis. Nakapagpaalam na siya sa Board of members na may aasikasuhin siya kaya naman mawawala siya ng ilang araw. Binigyan na rin niya ng instructions ang mga taong in-charge sa mga project na hawak nila. Tinapos na muna niya ang ginagawa niya saka niya sinenyasan si Angel na lumabas na ng office niya. Huminga muna siya ng malalim bago tumingin dito. Alam niya ang dahilan kung bakit ito nasa harap niya ngayon. Plano

