CHAPTER 8 - Panunuyo ni Gener

1098 Words
Panunuyo ni Gener PATAPOS na sa pagliligpit si Bebang sa karinderya nang dumating ang tatlong kaibigang sina Mean, Keng-keng at Jane. Tinutukso siya ng mga ito. "Nakakainggit ka, bakla!" unang sabi ni Jane. "Ang tagal ko nang naglalaway sa kaseksihan ni Gener, di man lang ako pinapansin. Ikaw pala ang kursunada girl!" kinikilig na singit ni Keng-keng sa usapan. "Napilitan tuloy si Keng na patulan si Ricky boy," sabi ni Mean na sinabayan pa ng tawa. Nagkatawanan silang apat. Ang sinasabi kasi ni Mean na Ricky boy ay ang baklang may-ari ng computer shop na madalas nitong tambayan. "Hindi ah, yung utol na pogi ang syota ko no, luka-luka ka talaga bakla." "Alam mo bakla, duda ko na talaga dati pa na may gusto sa'yo 'yang si Gener. Ikaw lang 'tong ayaw maniwala eh." sabi ni Mean. "Naks bakla, Sarah Geronimo ang peg mo!"maharot na kantyaw ni Keng-keng at saka ipinatong ang baba sa balikat ng dalaga. "Ang haba ng hair ng friend natin." nagkakatawanan nilang tukso sa namumulang si Bebang. "Huwag mo nang pakawalan si Gener bakla, sagutin mo agad. Napaka yummy ng papa mo pag nagkataon," kinikilig na sabi uli ni Jane. Nagkatawanan na naman silang lahat. Pagtawa lang ang nagawa niya sa dami ng sinabi ng mga ito. Napansin iyon ni Keng-keng. "Speechless o. Uy nagba-blush." Mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pisngi. Mainit ang mga iyon. Namumula nga siguro. Upang hindi ulanin ng tukso nakipagsabayan siya sa pangangantiyaw ng mga ito. "Sige mga bakla, 'di ko pag-aantayin nang matagal ang lolo niyo. Mga one year lang." Naghalukipkip pa siya at saka iniangat ang baba. "Nagmamaasim ang lola natin mga bakla. O teka lang at baka matapakan n'yo ang hair. Sobra haba eh." Nakiayon siya sa biro ng mga ito. Iginalaw niya ang ulo at pinagsayaw sa hangin ang buhok. Malakas na tawanan ang pumuno sa loob ng karinderia nilang nakabukas man ay wala ng paninda. Nang mapag-isa ay humarap siya sa salamin. Nasisiyahan niyang pinagmasdan ang sarili. "Ito na yata 'yong sinasabi ni Inang, na may darating na lalaking nakalaan para sa kanya." Magaan ang loob niya sa binatang manliligaw, nang sabihin noon ni Mean na may gusto si Gener sa kanya ay tinawanan niya lang ito. Sabi pa nga niya ay paano itong magkakagusto sa kanya eh ang pogi ni Gener. Alangan sa itsura niya dahil di naman siya kagandahan. Pero deep inside ay umaasa siya. Naghintay na magpalipad hangin man lang sa kanya. 'Yong kahit pabiro lang pero wala. Kahit sila na lang dalawa ang magkasama ay wala naman itong nababanggit. Hindi niya naman ito magawang tanungin. Hindi pa naman siya gano'n kadesperadang magka-boyfriend. Kaya naitanong niya sa kanyang Inang kung pangit ba siya dahil nga walang nanliligaw sa kanya. Sa kanilang magkakaibigan ay siya na lang ang walang boyfriend, ang hindi pa nagkaka-boyfriend kaya lagi siyang tinuksong oldmaid ng mga ito. Nangiti siya nang maalala kung paano siya tuksuhin ng tatlo. Puro lukaret ang mga kaibigan niya, lalo na siya. "Baka naman mabasag na 'yang salamin, anak," nakangiting puna ni Telay sa dalaga. "Mukang napakasaya ng dalaga ko ah." "Inang, ano ang masasabi mo kay Gener?" Naglalambing na lumapit si Bebang sa ina. Lihim na ikinatuwa ni Aling Telay ang tanong na iyon. Nagkaroon na siya ng pagkakataong ilakad sa anak ang manok niya. "Responsableng bata yang si Gener. Mabait, maginoo, masipag, mapagmahal sa pamilya, matiyagat at pogi pa. Kamuka ng crush kong si Budoy," kinikilig niyang sabi. Natawa si Bebang sa itsura ng Inang niya. Hindi man direktang sinabi ay natitiyak niyang boto ito sa binata. MAY binyagan sa kanilang lugar, kaya naman abalang-abala na naman si Bebang. Tatlong magkakasabay na binyagan at ang lahat ito ay nagsi-order sa kanila. Kahit di magkaugaga ay masigla siya. Magaan ang pakiramdam niya. May mahinang sounds mula sa maliit niyang radyo kung saan napapasabay pa siya sa pagkanta. Mayamaya pa ay dumating na si Gener kasama sina Kiko at Tisoy. Ang mga ito kasi ang nagboluntaryong magdeliver ng mga orders. Dahil walang nagsasalita at pangiti-ngiti lang sila ni Gener ay 'di nakatiis si Kiko. Bumanat na naman ng panunukso. " Aling Telay, baka may idi-deliver pa tayo. Ito kasing si Gener eh parang nakainom ng isang drum na cobra energy drink, kapag meron ka nito wala kang talo." Umarte pa ito gaya sa napapanood na commercial. Bumunghalit ng tawa si Aling Telay. Natawa rin sina Tisoy at Bebang. Habang si Gener naman ay lumapit at pasakal na niyakap ang leeg ng lokong si Kiko. Lalong nagkatawanan dahil sa kunwaring lumawit ang dila nito habang sakal ni Gener. May itsura din si Kiko, di nga lang matangkad. Nagmukhang lalong maliit dahil sa laki ng katawan. Ito ang pinaka magulo sa tatlo. Si Tisoy naman ay mestiso, may karisma din ang binata. Anak ito ng sundalong amerikano na nakabase noon sa Olongapo, malakas din itong mangantiyaw. Habang nagtatagal na nakakasama ang mga ito ay nalaman niyang matitino naman pala. Parang sina Mean, Keng-keng at Jane lang din. Maiingay 'pag magkakasama pero 'pag nagseryoso ay responsable na. Hindi pumayag si Aling Telay na hindi sa kanila mananghalian ang magkakaibigan. Masaya silang nagsalo-salo. Nawala ang pagkailang. Naging komportable siya sa mga ito at gano'n din ang ito sa kaniya. Inaasar pa rin siya ni Kiko pero 'di na gaya noon na pinipikon siya. Ngayon ay patawa na ang mga hirit nito. Baka daw kasi itirik ni Gener ang kandilang ginamit nila noon nang magtuwang sa binyag. Nangiti siya nang lagyan ni Gener ng isda ang pinggan niya. Inalis kasi ng binata ang tinik nito bago ibinigay sa kanya. Dati-rati ay natututukan ni Bebang ang panunood ng mga teleserye, wala pang Gener na bumibisita sa kanya noon. Ngayon ay madalang na niyang mapanood ang mga sinusubaybayan. Kung may pagkakataon ay pinupuntahan siya ni Gener. Sumasaglit ito sa kanya bago pumasok sa umaga gano'n din sa gabi bago ito umuwi sa kanila. May mga dala itong pasalubong para sa kanya. Kung ano-ano lang, kahit ano lang gaya ng siopao, balut, mane, at kung ano-anong maliliit na bagay. Lihim naman niyang ikinatutuwa ang ka sweet-tan nito. Bagaman 'di pa niya tinatanggap ang pag-ibig ng binata ay matiyaga ito sa panunuyong ginagawa. Hindi naman tutol ang ina at mga kapatid nito sa kanya. Suportado ng mga ito ang ginagawang panliligaw sa kanya. Madalas ay nakikitukso pa ang mga kapatid ni Gener, at kung tawagin siya ay ate Bebs na. Kung masaya si Bebang, higit na masaya si Aling Telay sa nakikitang importansiyang ibinibigay ng pamilya ni Gener sa kanyang anak. Importansiyang hindi niya naramdaman mula sa pamilya ng nag-iisang lalaking kanyang minahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD