AKMANG ihahakbang ko ang mga paa upang sundan ang mag-ama ng bigla akong mapalingon. Tunog ng sasakyan. Bigla akong kinabahan sa isiping dumating si Jarold. Parang sinusuntok ang dibdib ko sa tindi ng kaba ng mga oras na iyon. Mukhang magkakaharap muli ang dalawa. Nakailang beses akong lumunok. Hanggang sa lumitaw sa pintuan ang nakangiting mukha nito. May bitbit din itong malaking teddy bear na alam kong para sa anak ko. Pinilit kong ngumiti ng masaya kahit na, nandoon ang matinding pagkabalisa. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nito oras na makita ang dati kong asawa. "Hi, Good morning.." sabay halik sa pisngi ko at abot ng bouquet. "Kumusta si baby?" Bigla akong napatikhim. "Okay naman --" Bigla akong huminto nang may tumikhim sa likuran namin. At ganoon na lang

