"KAKAUSAPIN ko lang siya.." anas ko kay Jarold. Isang buntong-hininga naman ang pinakawalan nito bago marahang tumango. Mabuti na lang napapayag ko si Angel na kakausapin ko muna ang totoong ama nito. Nawili ito sa paglalaro ng dalawang teddy bear at iba pang mga laruan na dala ng mga ito. Pansamantalang iniwan ko muna ang dalawa at tumungo sa lanai kung saan naghihintay ang dating asawa ko. Sinabi ko kasing kailangan ko itong makausap. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago dahan-dahang lumapit dito. Pina-seryoso ko rin ng husto ang expression ng mukha ko. Ngunit pagpihit nito, ako yata ang nagulat dahil sa expression ng mukha nito. Walang mababanaag na anomang emosyon. Blangko ko iyon at para bang walang buhay. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sisimulan ang mga

