TUMULO ang luha sa mga mata ko nang marinig ang ibinubulong ng anak ko. Ilang araw na itong nilalagnat. At ayon, sa Doctor, kailangan kong pagbigyan ang kahilingan ng anak ko. Iyon ay ang makita ang totoong ama nito. Ang laging hinahanap-hanap nito. Hindi ko matanggap na darating sa puntong magkakasakit ang anak ko nang dahil lang sa tinatawag nitong Dadaa. Siguro nga, lukso ng dugo kaya ganoon na lang ang pangungulila nito sa totoong ama nito. Paano pa kaya kung malalaman nitong ang Dadaa na tinatawag nito ay ang totoong ama nito? Iyon ang labis kong ikinakatakot. Ngayon pa nga lang apektado na ang kalusugan nito. Oras na malaman nito ang buong katotohanan, siguradong sasama ito sa ama nito. At iyon ang labis kong ikasasakit. Hindi ko matanggap na mukhang Daddy's girl si Angel, sam

