HABANG nasa opisina nang biglang umangat ang ulo ko ng bumukas ang pinto. "Ma'am, delivery po. Sainyo raw.." wika ni Cecile. Ang secretary ko. Kumunot naman ang noo ko. White and Red Roses? "Si Jarold ba?" tanong ko kaagad kahit may pag-alinlangan. Kakaiba kasi ang bulaklak. At alam kong 'di ganoong klase ng bulaklak ang ibinibigay sa akin ni Jarold. "Hmm, wala pong pangalan. Pero nandito po ang pangalan niyo, kaya kinuha ko na." Napatango na lang ako at inutusan itong ilagay na lamang sa ibabaw ng center table. Maya't maya ang pagsulyap ko sa bulaklak. Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko. Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Isang Linggo na rin ang lumipas, simula nang makita ko ang dating asawa. At hindi ko maitatangging nababalisa pa rin ako. Natatakot akong bi

