GULAT at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ang dating asawa na nakaupo sa sala at masayang nakikipag-kuwentuhan sa anak ko. Labis ang kabang gumapang sa dibdib ko sa isiping nagpakilala ito bilang ama ni Angel. Nagmamadali akong bumaba mula sa hagdan. Ni hindi ko alam kung bakit basta-basta na lang ito pinapasok ng guwardiya na nakatalaga sa malaking gate ng walang pahintulot mula sa akin. Ano na naman kayang sinabi ng siraulong ito at napapayag nito ang tauhan ko? "Anak.." pagtawag ko sa anak ko. Kaagad naman itong lumingon. Hindi ko pinasin ang ama nito na napalingon din sa gawi ko. "Mommy!" Unang pagkakataon na hindi tumakbo ang anak ko palapit sa akin. Nanatili itong nakaupo sa kandungan ng ama nito habang buong tamis na nakangiti. Aminin ko man sa hindi, nakaramdam ako

