Maid 7

3059 Words
Tulala kong tinahak ang opisina ko. Hindi ako makapaniwala sa nang yari. Halos hindi ko na rin alam paano at saan nag simula. Basta ang alam ko lang pinatawag ako ni Mrs. Estrada para kumustahin ang pag hahanda... Tahimik akong napa tingin sa kanilang lahat. Lahat sila ay naka ngiti at parang ang gaan gaan ng pakiramdam na sa wakas na tapos na rin ang lahat ng mga pag hihirap namin. Kaya mo bang alisin ang mga ngiting yan, Ellie?  Nang makita kong lalapitan ako ni Oreo Rain ay agad akong nag madali papasok sa opisina ko. Hindi ko alam paano ko sasabihin at hindi ko alam kung kaya kong alisin ang mga ngiting mayroon sila. Isa lang naman ang naiisip ko na solusyon para hindi mabura ang mga ngiti sakanilang mga labi... ang hindi nila malaman kung ano ang nang yari. Ang hirap maipit.. hindi mo alam ano ba ang uunahin mo. Ang nararamdaman mo ba na pilit ikinukubli? Ang mga papeles na pilit na hinahanap? Napa hawak ako sa ulo ko. Lalo lang sumakit ang ulo ko kakaisip ng solusyon. Ni minsan hindi ko naisip na darating at darating ako sa punto ng buhay na hindi malaman kung sa kaliwa ba o sa kanan, sa pula ba o sa puti, personal na problema ba o ang problema ko bilang isang presidente.  "Ate Ellie?" Malambing na tawag sa akin ni Oreo Rain mula sa labas. "Can I come in?" halos matawa ako sakaniya. Para siyang bata na ayaw papasukin sa loob ng bahay. "You can always come in, Oreo." pinag buksan ko siya ng pinto at agad niya akong niyakap ng mahigpit. Napaka lambing talaga ng batang ito. Kaya kahit sobrang ingay at sakit sa ulo hindi ko magawang paalisin sa buhay ko. Umupo siya sa harapan ko at para siyang pusang hindi mapa anak. Tatayo tapos ay biglang uupo. Ibubuka ang bibig at bigla rin naman niyang ititikom. Gusto ko siyang sawayin dahil lalong sumasakit ang ulo ko pero wala akong lakas ng loob para lag sabihan siya.  Tahimik lang kami sa loob habang nag hihintayan kung sino ang unang mag sasalita. Gusto kong mag salita pero ayaw ng dila ko... kaya nanahimik na lamang ako at pilit kinakalma ang isip.  Wala namang mang yayari kung mag papadala at sisisihin ko lang ang sarili ko.. hindi ako matutulungan nun sa pag hahanap ng mga nawawala at sa pag resolba ng mga problema ko.  Tumayo si Oreo Rain kaya agad akong napa tingin sakaniya, "Sorry, Ate." Naka yukong sambit nito. "Ayoko lang kasi mamihasa sila. Nasasaktan kasi talaga ako kapag may sinasabi silang hindi maganda tungkol sayo lalo na't alam ko kung sino ka talaga." Bahagya akong napa ngiti sakaniya, "Naiintindihan kita, Oreo Rain. Ang sakin lang kung kaya pang iwasan na hindi patulan, hayaan na lamang." Nag liwanag naman bigla ang mukha nito. Nararamdaman ko na ang enerhiya niya! "Makita ko pa lang kasi mga pag mumukha nila hindi ko na kinakaya!" Tumawa pa ito ng pag kalakas lakas dahilan para mapa silip ang mga tao sa labas. Sasawayin ko pa lang sana siya nang biglang pumasok sa eksena si Mike, "Can I please talk to Ellie alone?" Naka ngiting sabi nito kay Oreo rain.  Nakaramdam ako ng kaba sa ngiti nito sa akin. Pero nawala ang mga iniisip ko nang biglang tumili si Oreo Rain, "Sorry." Kinikilig pa na sabi niya habang nag lalakad palabas.  Sabay kaming napa tikhim ng lumabas si Oreo Rain. Wala naman akong sasabihin sakaniya kaya bakit ako ang kailangan na unang mag salita sa amin? Talaga ba, Ellie?  Umupo siya sa tabi ko at bakas sa mukha niya ang pag aalala. Bakit nga ba naman hindi niya malalaman? Bago ko pa man malaman ang gulo sa paligid ko, alam na niya. Bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa akin bago ako hinawakan sa noo. Napa ngiwi naman ako sa ginawa niya na ikinatawa naman niya ng pagak. Minsan hindi ko talaga maintindihan ang toyo ng isang ito.  "Pres, you all right?" He ask not even blinking his eyes. Hindi ako makapaniwala sakaniya! Ikaw, mawalan ka ba naman ng sangkatutak na papeles na gagamitin niyo in one week tapos okay ka pa rin? Awtomatiko na tumaas ang kilay ko sakaniya, "Hindi naman ako ganun ka manhid para maging okay despite of the situation, ano." Natawa na lamang siya sa sagot ko sakaniya. May toyo ata talaga ang isang to. "You want me to help you?" "As much as I wanted to do it alone.. but unfortunately, yes. I need your help." I slightly smiled at him. "There's no harm in trying, right?"  Tumayo muna ito bago iniabot ang kaniyang kamay, "Would you let me?" Gusto kong matawa ngunit mas pinili ko ang nararamdaman kong tuwa mula sa loob ko at inabot ang kamay niya tsaka maligayang nginitian siya. I nodded. "Hindi naman pwede puro na lang pride ang pairalin."  He stood up and patted my head. Agad ko siyang tinaasan ng kilay sa ginawa niya. Ano ako? Tuta niya?  "Stop patting my head, idiot!" Pero imbis na tumigil ay lalo pang lumakas ang tawa nito at lalong ginulo ang buhok ko.  "I'm just so proud of you." I froze in a moment. This is the very first time I've heard it from him. But it really sounds so good. Hindi ko maiwasang hindi mapa ngiti na lamang sakaniya, "I would love to see that smile every day." I would love to hear your voice every day, Mike. It may sound cringe but that's the truth. Bakit kailangan mong takpan ang katotohanan ng isang kasinungalingan? Lakas kaya mag boom panes ng puso ko sa tuwing makikita ko siya. Hindi naman ako ganun ka inosente para hindi malaman kung anong ibig sabihin nun. He's been with me since first year college. Hindi niya ako nilayuan kahit anong taboy ang ginawa ko sakaniya. Kahit na sobrang sama ng pakikitungo ko sakaniya hindi pa rin niya nagawang pabayaan. Sino nga ba naman ako, hindi ba? The thing is... I kept on pushing him away but not rejecting him. It's different, right? I am pushing him away because I know I am a no good person when in fact he can be everything he wanted. I am not rejecting him because even if I can't admit it to myself I know that I want him so much. I want to hold his hands so much. May pag ka matigas ang ulo niya at sobrang pasaway niya pero I will never exchange anything for him. I will always choose him.  Nawala ang ngiti ko ng may pumasok na Ensaymada. Namumula pa ang pisnge at labi nito na akala mo'y nasubsob sa sahig. Dagdag mo pa ang palda niya na kinulang sa tela. Mabuti na lang ay kahit papano ay desente pa naman ang pang itaas niya. Natuto na.  Mabilis itong lumapit kay Mike at kumapit sa braso niya, "Nandito ka lang pala" Ay, girl wala siya rito. Picture niya lang yan! Hindi ko mapigilan na hindi mapakunot ang noo ko sa tinuran ng Amanda na to. Daig pa ang ahas kung makalingkis. "Can you please let me go?" Kalmadong saad ni Mike. Bakit kailangan pa niyang maging gentle sa haliparot na yan? Sa harap ko pa talaga?? Pag buhulin ko kaya silang dalawa ngayon na? "Can't you see I am talking to my love?" Guys, galing rumebat! Dito tayo! Bigla naman akong napa ngisi at tumayo sa kinauupuan ko. Hindi ka mananalo sa akin, Amanda. Lalo na't nasa teritoryo kita at hawak mo si Mike! "Didn't you hear what he just said?" Tinaasan ko pa ito ng kilay bago dahan dahang hinahatak si Mike sa pag kakahawak niya. Huwag ako, Amanda. "Nag seselos ka ba?" Hindi ko mapigilan na hindi matawa sa sinabi niya. Bakit kailangan pa niyang itanong yung obvious? Sinusubukan kong tumigil sa pag tawa hanggang sa ubuhin na ako. "May karapatan naman kasi ako, hindi ba, Mike?" Sunod sunod lamang ito na tumango tsaka ko tiningnan si Amanda. "Can you please stop holding Mike like you own him?" Hindi ito nag patinag sa mga sinabi ko. Aba't gusto pa atang makatikim nito ng mala Ninja na salita e. Yung masasaktan siya ng hindi niya alam. "Amanda, please." Hindi ako natuwa sa tono ni Mike. It's as if he is begging for his life. Hinarap ko si Amanda at hindi na ako nag atubili, "First of all, Mike is my boy friend. Kaya I am asking you nicely as much as my patience limit na lubay lubayan mo na siya. I don't confront leeches kaya lang Mike needs my help. He needs his girl friend's help." Talagang idiniin ko bawat salitang binabanggit ko sakaniya. Akala niya ba! "I won't leave him alone unless he told me." Sasagot ka pa talaga! I was about to speak again when Mike look at me, "Look, Amanda. Huwag na nating palakihin to. Ellie already told you everything." Pero parang hindi sapat sakaniya yung mga sinabi ni Mike. I can see how he holds with his temper kahit kaonti na lang ay sasabog na ang bulkan, "I love Ellie. I love her so much. I love how happy she is while doing what she loves. I love to see how happy she is while telling me how her day went. I love everything about her." I couldn't take my eyes of off him. This is the first time I ever heard him telling he loves me. Ultimo ang pag labas ng opisina ni Amanda ay hindi ko na namalayan. I can't believe someone like him will actually love everything about me.  He smiled at me and I do too. Hindi ako makapag salita dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat sabihin sa mga ganitong panahon. Should I tell him I love him too? Should I tell him what I love about him? Or should I just smile at him and wait until my jaw tighten.  Dahan dahan akong bumalik sa upuan ko at nag kunwari na may ginagawa sa computer. Pero ang totoo ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!  He sat in front of me, "Tell me, what exactly happened?"  Tumikhim muna ako bago nag pakawala ng buntong hininga. "Sa totoo lang, hindi ko alam. I was on the way here sakto naman na Mrs. Estrada needs to talk to me." Parang bula na nawala yung mga documents! Kahapon ay hahawak hawak ko lang at paulit ulit na tinitingnan kung okay na ba. "It was so sudden, Mike. Ni hindi ko nga alam kung saan ba dapat hanapin yun. Nandito ka pa nga last night hindi ba? At you saw na itinabi ko yun, right here." Turo ko sa drawer ko na may lock. He nodded twice, "Are you sure na walang humawak nun maliban sayo?" Mabilis akong tumango sakaniya tsaka naman siya nag pakawala ng hangin, "I will investigate about what happened." I smiled at him and sighed in relief, "Thank you, Mike." Bago pa muna siya mag salita ay nginitian ako nito, "Don't worry too much, Ellie. Will look into it." Madali niyang hinala ang kamay ko para hawakan. "I promise nothing will happen to you and the officers. I promise." His words are promising. Yet, ang hirap umasa. I should do what I have to do. To take the responsible fully. Kung hindi sana ako nag pabaya, hindi naman siguro mang yayari ang lahat ng ito?  Pero knowing that I locked it! Paano mawawala? "Ellie, if you can't focus on your work you can freely leave." Naka taas na kilay pa na sabi sa akin ng kasamahan ko. Paulit ulit naman ang pag hingi ko ng tawad. "Mabuti na lang at kilala ko na yung customer." Ate Nikka tapped me on my shoulder, "Sa tingin ko tama siya. I will let you rest today, Ellie." Wala akong ibang nagawa kung hindi mag off sa work. Sino ba namang hindi magagalit sa ginawa ko? Nabuhusan ko lang naman sa ulo yung customer namin. Kung hindi lang siguro ako lutang at nasa ginagawa ko ang isip ko... hindi naman mang yayari yun.  Napa upo na lamang ako sa labas. Paano ko hahanapin yun kung hindi ko alam kung paano na wala? Ni hindi ko nga alam saan mag sisimula! Isa pa napaka imposible naman na mawala ang mga iyon dahil sigurado akong dun ko nilagay yun at ako lang ang may susi ng opisina ko at nung drawer na pinag lagyan ko. Kung isa man sa mga officer yun, mag papaalam naman sila sa akin. Hindi yung basta papasok na lamang sa opisina ko na walang pa sabi. "Ang bata bata mo pa pero kung pasanin mo ang problema daig mo pa ang pumapasan ng mundo." Napa lingon ako kay Louis na hindi na pansin na naka upo na pala sa tabi ko. Napa buntong hininga na lamang ako, "Ano ba yun, Pres? You know you can always tell me what's bothering you. Hindi lang ako basta bise presidente." Tinitigan ko lamang ang mukha niya. It's not that I don't trust him. Pero hindi ko rin naman alam paano sasabihin sakaniya. I manage to smile saying, "Nako, wala iyon." He looked at me suspiciously. Hindi na ako mag tataka kung sasama niya ako ng tingin. Halos apat na taon ko ng kasama ang isang iyan kaya malabong hindi pa ako niyan kilala. Pero nag kibit balikat na lamang ito at napa lingon sa paligid, "Oh, Cafelandia!" Turo pa nito mula sa likuran namin. Hindi ako makapaniwalang lumingon at agad na tiningnan at suot ko. Agad akong napa buga ng hangin ng maaalalang naka uniform pa ako ng school nang pumasok sa trabaho. Way to go, Ellie! "Bakit? Ngayon ka lang ba naka punta dyan?" Asar na tanong ko sakaniya. Mabilis siyang umiling. "Araw araw kaya kami nila Oreo dyan." Proud naman na sabi niya na agad na ikinabilis ng t***k naman ng puso ko! "Bakit ka nga pala nandito?" Mapag bintang na tingin ang ipinukol nito sa akin kaya pinaningkitan ko siya ng mata. "Siguro...."  BInitin niya ang salita niya kaya tumayo na ako, "Nag pahinga lang ako, ano! Nakaka pagod kayang mag lakad mula school hanggang sa amin." at nag lakad na ng mabilis pa layo sakaniya. Sa lahat naman ng lugar na makikita ako ng isang to sa harap pa ng Cafelandia! Mabuti na lamang at hindi ako nakapag palit ng uniporme kung hindi lagot na!  Napa pikit ako ng mariin pilit isinasantabi yung inis ko. Sobrang daldal ni Louis! Hindi naman yan ganyan kapag si Oreo Rain ang kasama! Sana pala lagi kong kasama si Oreo Rain para natatahimik ang isang yan. Kaya lang maiihi naman sa kilig yung isa.  "Nga pala, Pres." Napa tigil din ako sa pag lalakad at tiningnan siya ng masama, "Hindi ba't tatlong kanto lang ang nilalakad mo mula school hanggang dito sainyo?" Mabilis akong tumango sakaniya. "Kaya naman pala napagod ka! Ang layo naman talaga ng school mula dun sa Cafelandia pauwi sainyo." "Oh? Tapos? Share mo lang?" Naiinis na sagot ko sakaniya. "Wala lang. Nag tataka lang ako. Bakit kailangan mong mag long way kung mauuna ang bahay niyo mula sa school pero sa Cafelandia ka pa dumaan." Pag hawak pa nito sa baba niya at bahagyang lumapit sa akin. "Sabi na nga ba!"  Marahas ko itong hinampas sa balikat "Kung ano-anu na naman ang iniisip mo, Louis!" Pero sa totoo lamang ay kaonti na lang mag lalabasan na ang mga pawis kong namumuo. "Umuwi ka na nga!" Lalong naningkit ang mga mata nito sa akin, "Siguro nag kita kayo ni Mike at binasted ka niya kaya ganyan ka, ano?" Muntik na akong masamid sa laway ko sa narinig ko mula sakaniya. Hindi ko na lamang siya pinansin at agad agad na pumasok papasok ng bahay. Kahit kailan talaga ang isang iyon puro kalokohan ang alam!  Napa sandal ako sa pinto sa oras na nakaramdam ako ng pagod mula sa mga pang yayari buong araw. Ang iksi lamang ng ginugol ko sa Cafelandia pero ramdam na ramdam ko ang pagod na akala mo'y na ipon.  Hindi ko maiwasang hindi mapa upo at mapa yakap na lamang sa mga tuhod ko... Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako tatagal. Pero hanggat kaya ko, pilit akong lumalaban. Dahil wala namang ibang lalaban para sa akin kung hindi ang sarili ko lamang. Hindi naman malakas ang loob ko. Wala lang talaga akong oras para intindihin pa yung pagod at sakit na nararamdaman ko. Ultimo nga tulog ay naipagdadamot ko na sa sarili ko. Paano pa kaya ang mapagod at ang masaktan? Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko, "Anak, hindi ka naman nag iisa. Hindi mo kailangang ipag kait sa sarili mo na makapag kwento sa iba." Bigla na lamang akong napa yakap kay Mama.  "Ma, ngayon lang. Kahit ngayon lang pa iyak ha?" Naramdaman ko ang pag tango nito kaya hindi na rin ako nag dalawang isip na pigilan pa ang mga luha ko. Bakit nga ba madalas na akong nakakaramdam ng pagod at lungkot sa buhay? Kung kailan malapit na akong grumaduate at maayos ng makakapag trabaho ay tsaka pa ako pilit hinahatak ng buhay na bumigay na lamang.  Pakiramdam ko ay pilit akong hinihila ng buhay ko pailalim sa lupa. Na para bang kaonti na lang ay susuko na ako at bigla na lang pipitik o sasabog dahil sa hirap ng buhay. Pero... para saan pa yung mga laban na nalagpasan ko kung sa simpleng pilit na pag hila sa akin ay bigla na lang akong bibitaw? "Nag dadalaga na ang anak ko." Naka ngiting sambit ni Mama habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata ko. "Anak, minsan kahit ipilit natin sa sarili natin na okay lang tayo.. na kaya pa natin.. hahanap at hahanap pa rin tayo ng taong makakapitan." Naka ngiti lamang ito sa akin, "Kaya kahit gaano kahirap ang buhay.. hindi ko magawang sumuko anak. Dahil alam ko... na kahit hindi ka nag sasabi sa akin, humuhugot ka sa amin ng lakas para makapag patuloy sa buhay." Naramdaman ko ang mainit na yakap sa akin ni Mama, "Anak, malalagpasan mo rin yan. Nandito lang ako para sainyo ng kapatid mo." Hindi ko maiwasang hindi mapa ngiti at kinalaunan ay napa ngiwi na lang din ako. Puberty....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD