Kabanata 30

5572 Words

Isa't kalahating oras ang ginugol namin sakay ng bangkang de motor na may bubong bago makarating sa islang may mahabang puting buhangin. Lampas alas kuwatro ng hapon kaya hindi gaanong mainit ang panahon. Magkatabi kaming nakaupo ni Gavin, ang mga mata namin ay kapwa natatakpan ng sunglasses. Ang ibang namin kasama ay sa likuran nakapuwesto. Gusto kasi nitong si Gavin ay walang nakaharang sa kaniyang paningin kaya sa unahan talaga kami. Dumagdag sa kagandahan ng isla ang malinaw na tubig na nagiging bughaw dahil sa klarong kalangitan na humahalik sa dalampasigan. Sumasabay pa ang luntiang mga puno kaya hindi ko maalis ang paningin sa isla sa paglapit ng bangkang de motor rito. Hindi gaano karami ang taong naroon, nabibilang lang sa aming mga daliri ni Gavin. Hindi maipinta ang mga mukha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD