Sa pagbuhos ng tubig mula sa shower head sa aking katawan ay siya ring paglaglag ng luha sa aking mata. Ang katawan ko'y nanghihina dahil sa kirot na nararamdaman sa aking dibdib. Ang bakasyon ng mga kaibigan ko na masaya sana'y nasira sa isang iglap dahil sa akin. Wala ng napagpilian kundi umuwi na lang. Gusto kong dumaing kay papa nang sabihin nito sa akin na umuwi na kasi hindi na babalik si Gavin. Ang kaso nang tingnan ko ito sa kaniyang mukha'y 'di ko magawang ibuka ang aking bibig. Kung nasasaktan ako mas nasasaktan ang aking mga magulang kaya nga sumunod ako sa utos nito. Kahit nang matapos ako sa pagligo'y namalisbis parin ang luha sa aking pisngi na kaagad ko ring pinahid. Pagkabihis ko ng short na puti't sandong asul naupo lang ako sa kama ko na malayo ang tingin. Hindi ko mak

