Sa inis ko'y pinabayaan ko si Gavin sa sala't tumuloy ako sa kusina. Mag-isa akong naghanda ng palamig ng lima. Kumuha ako ng malamig na tubig na isang malaking pitsel na nakalagay sa predyider saka nagtimpla ng juice. Sa counter ako pumuwesto habang hinahalo ang juice powder sa malamig na tubig. Pagkapasok ng mayordoma ng mansion mula dirty kitchen ay kaagad itong lumapit sa akin. "Sir, ako na ang gagawa? Nauuhaw pala kayo't gusto niyong mag-inom juice dapat sinabi niyo sa akin," sabi ng ginang sa akin. Pero kaagad ko itong pinigilan nang balak nitong kuhanin ang juice powder na idagdag sa unang nilagay ko dahil kulang. "Ako na manang. Sanay ako sa ganito, hindi naman ito para sa akin," pigil ko sa ginang. Tumayo lang ito't sinilid ang mga kamay sa bulsa ng suot uniporme. "Biglaan ang p

